24. Warning: SPG!! (some contents are not suitable for the young readers) Rinig ko ang sadyang pagtikhim ni Zion na ikinataas ng kilay ko habang daretso ang tingin sa kawalan, kahit na tanaw ko ang tatlong tao sa harapan ko ngayon. At sa gilid ko ay ang lalaking alam kong ramdam ang pagkailang ngayon habang tinitignan ako. Nasa loob kami ng opisina ni Daddy na opisina ko na ngayon para ipakilala niya ang team niya. "This is my team, miss Del Fuente," ang sa wakas ay panimula na ni Zion, bago balingan ang tatlong lalaki sa harapan namin. Katulad ng ibang bodyguard sa mansyon at daretso rin ang tindig at matitikas ang katawan ng tatlo na lahat ay may katangkaran. Composed din ang mga itsura nito habang daretsong nakatitig sa akin na tila ay tinitignan kung totoong bulag ba ako. "The A

