23. Warning: SPG!!! (some contents are not suitable for the young readers) Yllona Eloise Del Fuente's POV Maraming nangyari sa buong gabi namin sa event , but nothing's special, bukod sa attempt na pagpapakain sa 'kin ng pineapple cake ng waiter na hindi ko namukhaan pero nabosesan ko. Makikilala ko siya agad kung sakali mang marinig kong muli ang boses niya. Hinawakan ko ang kamay ni Zion ng alalayan niya akong makalabas ng sasakyan matapos naming makauwi na sa mansyon. Sinalubong kami nila Manang na mukhang nagising lang dahil hating gabi na kami nakauwi. Inalalayan niya ako pabalik sa kuwarto habang pinark naman ni Zion ang sasakyan na ginamit namin. "Kumusta ang party? Kumusta ka?" si Manang habang tinutulungan akong tanggalin ang tali ng buhok ko. Nanatili naman akong nakaupo

