48. 48. "I want to discuss things with you... privately." Saglit ko siyang tinitigan. Mukhang seryoso naman siyang mayro'n nga siyang gustong sabihin, pero baka tungkol lang 'yon sa plano kong pagbabalik sa kumpanya at pagpapatalsik sa kanila. "I am busy. Maybe next time, Leslie." Bahagya kong hinila ang braso ni Zion bilang senyas na magpatuloy na kaming muli sa paglalakad. Nilagpasan namin si Leslie na mukhang nakuha ko na naman ang inis. Muli niya kaming binalingan ilang hakbang pa lang ang layo namin sa kaniya. "Don't act so confidently just because you have someone on your side now. Nothing is permanent in this world, Eloise. You must think and trust wisely, because anyone can use you." Natigilan ako sa paghakbang habang humigpit ang hawak ko sa walking stick sa 'king kamay.

