47. "Zion?" ang muling pagtawag ko sa kaniya habang nasa byahe na kami papunta sa kumpanya kahit na maaga pa kami para sa meeting. Napanguso ako ng hindi pa rin niya ako kibuin. Simula ng sunduin niya aki sa gym room ay hindi na niya ako kinibo o kahit tinignan man lang. Seryoso lang ang mukha niya at halatang pikon. "Zion! Kakausapin mo ba ako o hindi? Nagmumukha na akong ewan dito. Sana kumausap na lang ako ng bato." Pinagkrus ko ang mga braso ko at padarag na sumandal sa upuan. "I'm driving, miss Del Fuente." Inis ko siyang inirapan. Ayan na naman siya sa pagtawag sa 'kin ng gan'yan. At ang ibig sabihin lang no'n ay galit nga siya. "Galit ka ba?" ang busangot kong tanong. "I am not." Masama ang tingin na binalingan ko siya dahil sa pagsisinungaling niya. "Galit ka! Halatang-hal

