46. Warning: SPG! (some contents are not suitable for the young readers) "Is that all?" "Yes, Miss Del Fuente." Nagpakawala ako ng buntong hininga. "Isang linggo na ang nakalipas pero 'yan pa rin ang palaging report niyo sa 'kin! Are you really doing your job?" Nanatiling daretso tuwid ang tayo ng Alpha team sa harapan ko, ang grupo ni Zion. Bahagya siyang yumukod na seryoso lang ang ekspresyon ng mukha. Katulad nakaraan ay nagkaroon sila ng weekly report sa 'kin sa mga impormasyon na nanakalap nila lalo na sa nangyaring insidenteng panloloob sa mansyon at pagtatangka sa buhay ko. Pero, mukhang masyadong planado ang lahat ng suspect at hanggang ngayon ay hirap silang tukuyin kung sino ang lalaking 'yon. "We're doing our best, miss Del Fuente." "Dapat lang," ang sabat ko na hindi na

