33. Katulad ng sinabi ni Zion ay sa kuwarto niya muna ako namalagi. Hinatid niya lang ako ro'n at siniguradong kumportable ako bago magpaalam para asikasuhin ang mga nangyayari sa labas. Naiwan naman akong mag-isa sa kuwarto niya at kahit wala siya ay kampante na ako. Dahil bukod sa umaga na at maraming security sa labas ay nakakalma ako ng amoy ng kuwarto ni Zion, na binabalot ng amoy niya. Hindi agad ako nahiga sa kama dahil saglit ko munang inilibot sa loob ang paningin ko. Wala namang masyadong gamit ang kuwarto niya bukod sa mga damit at sapatos niya, maging sa mga tumpok na nga papel na nakapatong sa lamesa niya. Napasok na ako sa kuwarto niya noon at katulad no'n ay maayos at organize pa rin lahat ng gamit niya. Napangisi ako sa sarili habang inaalala ang reaksyon niya noon ng ma

