34. "Paano mo... paano mo nalaman ang tungkol sa pagtatangka sa buhay ko? Sa pagkakaalam ko ay walang ibang nakaaalam ng bagay na 'yon." Saglit natigilan si Agnes Nolasco dahil sa biglaan kong tanong na 'yon, na mukhang hindi niya inaasahan. Pero agad din naman siyang nakabawi at hinarap muli kami. Malawak siyang ngumiti at eksaheradang humawak sa kaniyang dibdib. "Are you suspecting me now?" "I'm just... asking. Nakapagtataka lang kasi na alam mo ang tungkol doon, mrs. Nolasco." Pumihit din ako paharap sa kaniya habang nakaalalay pa rin sa akin si Zion. Bahagya pa siyang lumapit sa tainga ko para bumulong at pigilan ako. "Eloise, I think it's better if you—" "I'm just checking, Zion. Imposibleng malaman niya ang tungkol do'n ng walang koneksyon." Tumikhim naman si Mrs. Nolasco na

