35. After that incident palagi na akong bumibisita sa kumpanya. Wala na akong pakealam kahit magsawa na sila sa pagmumukha ko, tutal ay kapag nabawi ko na ang pwesto ko araw-araw na rin naman nila akong makikita sa opisina. But, for now, I must earn their trust that I am capable now to take my position. Pinaplano ko na rin na magpa-meeting para sa pagbabalik ko, at ititiempo ko 'yon sa araw na hindi aasahan ng lahat lalo na nila uncle Gilbert. Taking back our company is a big achievement for me, kaya tinatrabaho ko talaga ang lahat ng dapat kong malaman tungkol doon. Kinukunsulta ko rin sa mga bagay kung minsan si Ninang Serina, dahil bukod sa pagiging doktor sa mata ay isa rin siyang business woman kaya abala siyang tao. Hindi pa siya makabisita pero may pinaplano na siyang pag-invest s

