36. "Sigurado ba kayong gusto niyong pumunta ro'n, miss Del Fuente? Maraming tao sa lugar na 'yon," si Viper na nasa driver seat. "Ayun nga ang pakay ko. Gusto kong makarinig ng iba't ibang boses ng tao. Kaya, dumaretso na tayo." Nakita kong nagkatinginan pa ang tatlong tila ay tutol sa gusto kong pagpunta sa isang malawak na parke sa lugar namin. "Pero, miss Eloise, delikado na magpalabas-labas kayo lalo na at katatapos lang ng insidente sa mansyon," ang hirit naman ni Gregory. Napairap na ako sa likod ng suot kong shades. "Kaya ko nga kayo sinama para makampante kami ni Manang na walang mangyayari sa 'ming masama. Or, are you not that confident to secure our safety? Akala ko pa naman professional ang lahat ng mula sa agency niyo—" "Let's go, Viper. It's our job to accompany, miss D

