37. Third Person's POV "Hindi ba talaga natin ipapaalam kay Z na lumabas tayo ngayon kasama si Miss Eloise?" ang nababahalang tanong ni Gregory kay Hendrix na kasama niyang tinatanaw sa hindi kalayuan sila Eloise at Manang Isay na nakaupo sa isang bench sa parke. "She told us not to. Anong magagawa natin?" si Hendrix na hindi mapakali dahil sa malayo sila dalaga. "Pero ang bilin sa 'tin ni Z, na sabihin sa kaniya lahat ng gagawin ni miss Eloise, kahit wala siya. Wala naman sigurong masama kung ipapaalam lang natin na nasa labas tayo ngayon." Napabuntong hininga na lang si Hendrix na hindi na rin alam ang gagawin niyang desisyon at kung anong mas pipiliing sundin sa dalawang utos sa kanila. "Sa bagay. Mas mabuti na rin para kung may mangyari mang hindi inaasahan ay alam niya." Napab

