38. Third Person's POV "Galit ka pa rin ba?" Marahas na napabuntong hininga si Dazi at saglit na binalingan ang kasamang si Coreen habang nagmamaneho siya. Matapos na sunduin ng dalaga sa mansyon ng mga Del Fuente kanina ay hindi na ito kinibo ni Dazi, lalo na at ang nasa isipan niya ay ang inakto kanina ni Eloise. Hindi niya nakita ang mga nito dahil sa suot na sun glasses kanina habang kinakausap niya ito kaya hindi siya sigurado kung ano ang reaksyon ng dalaga. Napapaisip din siya sa sinabi niya rito kanina tungkol sa pagpapakilala kay Coreen, na mukhang hindi nagustuhan ni Eloise. Pinagsisisihan niyang nabanggit niya pa ang tungkol doon kanina. "I'm not mad, but I don't like what you've done either." Bumusangot ang babae dahil sa nararamdamang guilty dahil sa nagawa nitong mukh

