16. Hindi ko na namalayan nakahinto na ang kotse namin. Ramdam ko pa rin ang panginginig ng katawan ko at ang mabibigat kong paghinga. Nanatili akong nakayuko habang nakatakip ang mga tainga. Wala na ang tunog ng mga palitan ng putok o ng pagtama ng bala sa kotse namin pero umalingaw-ngaw pa rin ang mga iyon sa isipan ko, dahilan ng tagaktak kong mga pawis at nanlalamig na kamay. "Eloise—" Agad kong tinabig ang kamay ni Zion ng magitla ako sa biglaan niyang paghawak sa balikat ko. Agad siyang natigilan ng makita ang takot sa ekspresyon ko ng magtama ang tingin naming dalawa. Hindi ko na kayang magpanggap sa sitwasyon na 'to, lalo na at kahit ang emosyon ko ay hindi ko magawang kontrolin. Bumakas ang pag-aalala sa mukha niya ngunit nanatili siyang saglit na tahimik habang napaiwas naman

