19. WARNING: SPG!!! ( some contents are not suitable for the young readers) "I want you, Eloise." Agad kong naidilat ang mga mata ko at para akong binuhasan ng malamig na tubig at natauhan. Malakas na naitulak ko palayo sa 'kin si Zion na ikinagulat niya. "Eloise..." Agad kong inayos ang night dress ko at tinalikuran siya. Ramdam na ramdam ko ang lakas ng kabog ng dibdib ko sa bawat mabilis kong hakbang. Hindi ko na nagawa pang lingunin si Zion, dahil sa pagmamadali na makaalis ako sa gym. Kaya ng makapasok na ako sa kuwarto ko ay para akong lantang gulay na napasalampak sa sahig dahil sa panghihina. "Namamabaliw ka na talaga, Eloise.." ang mahina kong bulong sa sarili bago muling bahain ng alaala kanina maging ang pakiramdam ng paghawak niya sa katawan ko. "Ano bang pumasok sa isip

