11. "Oh gosh! I really feel old seeing you two together," ang hindi pa rin makapaniwalang sambit ng Mommy ni Zion habang salitan kaming tinitignan. Bahagya naman akong ngumiti bago kurutin ang kamay ni Zion na pumupuslit pang humahawak sa hita ko. Bakit ba kasi sa tabi ko naupo ang isang 'to. Tulad ng sinabi ni Mommy sa phone kanina ay inimbitahan kami ng pamilya nila para mag-dinner kasama nila. Hindi ko alam kung paanong naaya kaming bigla sa mansyon ng mga Buenavista pagkatapos ng maraming taon. Matagal ng magkakilala ang mga pamilya namin dahil magkatapat lang ang lupain ng mga Lolo namin sa San Carlos kung saan lumaki ang mga magulang naming dalawa ni Zion. Doon ko rin unang nakilala ang mokong na 'to na siyang matagal ko ng kabangayan. "You'll stop or I'll stab you with this for

