12. "Dazi, umayos ka nga!" "Langya! Nawala na amats ko sa 'yo, Dazi!" "Ano ba kasing nangyayari sa 'yo? Pinapatay mo ba talaga ang sarili mo ha?" "Hindi ko na alam kung anong gagawin sa 'yo. Kailan ka pa natutonh mabaliw sa babae?" Ang mga boses ng kaibigan niya ang agad na narinig ko ng marating ko ang puwesto nila sa itaas na bahagi ng bar nila Tristan. Nakapalibot silang lahat kay Zion na may hawak hawak na bote ng alak habang nakasalampak sa sahig at bahagyang nakayuko. Nagdadalawang isip ako sa paglapit lalo na at naririnig ko ang mga sinasabi ng mga kaibigan niya. Bakit ka ba nagkakaganito, Zion? Napabuntong hininga ako bago umambang lalapit na sana sa kanila ngunit hindi pa man ako nakakatatlong hakbang ay agad na din akong natigilan, ng marinig ang pangalan ko. "Eloise! P

