Chapter 5

2111 Words
05. Hindi ako halos nakatulog dahil naitulog ko na 'ata lahat ng antok ko sa sasakyan kaya kahit na pagod ako sa byahe ay hindi ko makuhang makatulog. Buong magdamag na lang akong nakinig ng kanta sa cellphone ko na gawain ko para magpalipas ng oras at antukin. Kung ano-ano ng kanta ang napakinggan ko mula sa iba't ibang artists, mula sa mga bago at luma bago ako tuluyang saglit na nakaidlip. Nagising lang ako dahil sa sinag ng araw na direktang tumatama sa mukha ko dahil sa glass door ng balkonahe ng kuwarto ko na nakalimutan kong isara ang takip na kurtina kagabi. Hindi agad ako bumangon sa higaan at nagpalipas pa ng ilang minuto bago ako mapabangon dahil sa pagkulo ng tyan ko dahil halos buong araw akong hindi kumain kahapon kahit sa byahe. Mukhang hindi pa gising sila Manang dahil hindi pa niya ako kinakatok dito, sabagay ay malayo rin talaga ang byahe at mukhang kapwa sila pagod ni Manong Leo. Hawak-hawak ko pa rin ang walking stick ko habang kinakapa ang paligid na bahagya akong nahirapan dahil malawak ang kuwarto ko rito sa hacienda at halos hindi ko na ito kabisado dahil sa tagal naming hindi nakakauwi. Kaya halos abutin ako ng siyam-siyam bago ako tuluyang makarating sa banyo nito para maligo kahit na muntikan pa akong madulas. Hindi pa rin ako sanay sa paglalakad sa kung saan saan lalo na at hindi ko pa kabisado ang bawat sulok kaya halos hilain ako ni Manang sa mansyon para maglakad-lakad at matandaan ko ang bawat sulok doon. Lalo na at ayoko ng may tumutulong sa akin o humahawak ng hindi si Manang o ang malalapit sa aking kasambahay. Matapos makapag-ayos ay lumabas ako ng kuwarto at talagang tahimik pa rin ang paligid bukod sa mga pang-umagang ibon sa labas na rinig na rinig ko mula sa loob. "Manang Isay? Gising na ba kayo?" ang pagtawag ko habang kinaka ang daan at ang isa pang kamay ay nakahawak sa kahoy na haligi na tingin ko ay direktang nakakonekta sa hagdan pababa, gayong nasa pangalawang palapag ako ng bahay. "Manang Isay? Manong Leo? Manong caretaker?" ang pagtawag ko na sa kanilang tatlo habang patuloy pa rin sa paghakbang. Umulit pa ulit ako ng pagtawag sa kanila ngunit walang sumasagot sa akin at wala rin naman akong naririnig na kaluslos sa paligid bukod sa kaluskos na tingin ko ay nanggagaling sa labas. "Nasa labas ba sila?" ang tanong ko sa sarili bago ipagpatuloy ang paghakbang at pagkapa sa paligid at tinatandaan ang dinaanan namin ni Manang kagabi ng papunta kami sa kwarto ko. "Sigurado akong malapit na ako sa hagdan." "May tao ba rito? Bakit nakabukas ang gate at pintuan nila kung wala naman? Ganito na ba sila kampante, pa'no kung iba ang pumasok dito at hindi ako. Tss, tss." Saglit akong natigilan sa paghakbang ng marinig ang boses na iyon na nagmumula sa ibaba ng bahay. Boses 'yon ng lalaki ngunit hindi iyon boses ni Manong Leo o ni Manong Caretaker. "May iba pa bang tao rito sa hacienda bukod kay Manong caretaker?" ang mahina kong bulong sa sarili. "Hindi ba kami napasok ng magnanakaw?" Muli kong pinakinggan ang mga kaluskos sa ibaba at tanging ang yabag lang nito ang naririnig ko. Mukhang hindi pa niya ako napapansin. "Pumasok na ako sa loob!" muli pang sigaw nito na tila ay may kausao kahit na mukhang wala namang tao sa ibaba. "Tss. Kauuwi ko lang pero nautusan agad akong—sht!" Nakarinig ako ng pagbagsak ng kung anong tila ay mga bolang nalaglag sa sahig. "Sinong nandyan!?" ang sa wakas ay sigaw ko na mukhang ikinatigil naman ng lalaki sa ibaba. "Sino ka? Bakit pumapasok ka ng walang paalam dito?" "Oh, sht! Pinakaba mo ako ro'n akala ko multo na!" ang rinig ko pang tila ay gulat na bulalas nito. "Multo? Tinanong kita! Sino ka? Kakilala ka ba ni Manong caretaker o tauhan ka rin dito sa hacienda?" ang muli kong tanong. Hindi ko alam kung nakikita niya ba ako sa puwesto ko ngunit tila ay may kalayuan siya dahil sa tila ay pasigaw niyang pagkausap sa 'kin. "Caretaker? Sa itsura kong 'to? Mukha ba akong tagalinis ng bakuran niyo?" ang tila ay hindi makapaniwa nitong tanong. Hindi ko naman siya masagot dahil hindi ko naman siya nakikita kahit na gustuhin ko man. Napatikhim ako bago muling igalaw ang walking stick ko at humakbang ngunit nakapa ko na ang hagdan. Humigpit ang hawak ko sa hambang kahoy sa gilid nito. "Unfortunately, I can't answer you because I can't see you right now. Kaya hindi ko masisigurado kung nagsasabi ka nga ba ng totoo o kung totoo nga, ano namang ginagawa mo rito ng ganito kaaga? Akyat bahay ka ba?" ang tanong ko bago marahang kinakapa ang sahig para makahakbang ako sa unang baitang pababa. "What? Akyat bahay? Ako?" ang hindi makapaniwalang tanong nito bago ko marinig ang yabag niya na hindi ko mawari kung saan papunta. "Tignan mo ngang mabuti kung mukhang akyat bahay ang itsurang 'to..." bitin na aniya ngunit ang boses niya ay tila bahagya ng lumapit. "I told you. I can't see you right now kaya hindi ko-Ahhh!" ang hiyaw ko ng mamali ako ng hakbang pababa sa hagdan. Agad na gumapang ang takot sa buo kong katawan lalo na at napabitaw na ako sa hawakan maging sa walking stick na nasa kamay ko. Kasabay ng pagtili ko ay ang mariin kong pagpikit. "Fvck! Muntik na 'yon!" ang bulaslas ng boses ng lalaking kausap ko kanina na ngayon ay mas malapit na sa akin. Halos mabingi naman ako sa lakas ng kabog ng dibdib ko dahil sa takot. "Ayos ka lang ba?" ang tanong muli ng boses ng lalaki na ikinadilat ko na ng mga mata ko alo na ng maramdaman ko ang brasong nakakapit sa akin. Hindi ako nahulog? Ang nagtatakong tanong dahil hindi ko alam kung paanong nakalapit siyang agad sa akin para saluhin ako. Rinig na rinig ko pa rin ang malakas na kabog ng dibdib ko at ang parehong naghahabol naming hininga. Nang matauhan ay agad kong sinubukang kumawala sa pagkakahawak niya at tumayo ngunit muli akong namali ng apak, mabuti na lang ay agad niya akong nahawakan. "Mag-ingat ka," ang boses niya na nag-iba na ang tono kaysa kanina. Agad naman akong napatikhim at kinapa kung nasaan ang railing ng hagdan ngunit hindi ko iyon makapa kaya ng hawakan niya ang kamay ko ay bahagya akong nagitla. "Humawak kang mabuti, aalalayan na kita pababa," ang seryoso ngunit marahan nitong sambit. Nag-aalinlangan man ay ginawa ko ang sinabi niya at hinawakan ang kamay niyang mahigpit ding nakahawak sa akin. "Salamat," ang mahinang sambit ko na hindi naman niya sinagot. "Humakbang ka kapag sinabi ko. Dahan-dahan lang," aniya na tila ay hindi pinansin ang pasasalamat ko. Sa sobrang pagkailang at hiya ko ngayon ay hindi ko na makuhang magsalita at ang tanging nagawa ko na lang ay ang sundin ang mga sinasabi niya hanggang sa tuluyan na kaming makababa. Agad kong binawi ang kamay ko sa kaniya ng makarating na kami sa ibaba. Hindi naman siya agad nagsalita at hindi ko alam kung tama ako pero ramdam ko ang pagtitig niya sa akin. "D'yan ka lang, kukuhain ko ang stick mo," bilin niya muli na hindi ko na tinugunan. Nanatili lang ako sa puwesto ko habang inaalala ang nangyari kanina. Thankful ako na nasalo niya ako at nagkataong nandito siya pero nahihiya pa rin ako dahil sa katangahan kong 'yon. Mali ang desisyon kong sa kuwarto ko sa itaas ako mamalagi. "Thanks," ang mahina kong muling pasasalamat ng ipahawak niya sa akin ang stick ko. "At pasensya na sa abala." Narinig ko ang pagbuntong hininga niya. "Wala ka bang kasama at bumababa ka ng hagdan mag-isa?" ang tanong nito sa seryoso pa ring tono. "Hindi ko alam kung nasaan sila Manang ngayon pero kaya ko namang—" "Muntikan ka ng mahulog," ang agad niyang pagputol sa akin na tila ay pinapagalitan ako sa mahinahamon na tono. Magdadahilan pa sana ako sa kaniya ngunit agad din akong natigilan dahil bakit naman ako magpapaliwanag sa taong 'to na hindi ko nga man lang kilala ang pangalan. Napatikhim ako at napaayos ng tayo para ibalik muli ang composed ko. "Salamat sa pagtulong mo pero bago ko makalimutan, sino ka ba at anong ginagawa mo rito?" Siya naman ang tila ay walang masabi at nabigla sa tanong ko. "Ahh! Ano... ano kasi inutasan akong iabot dito 'yung mga mangga. Nakabukas ang gate niyo at nitong bahay kaya tumuloy na ako." Nangunot naman ang noo ko. Mangga? Kanino naman— "Galing kay Don Arturo?" ang tanong ko. "Sinabi niya ngang magbibigay siya ng mangga ngayon. Hindi ko alam na ganito kaaga siya magbibigay. Pasabi salamat, at... sino ka nga ulit?" Kanina pa kami nag-uusap pero hindi ko pa rin alam ang pangalan niya. "Hindi mo ba ako nabobosesan?" ang tanong niya na tila ay nagtataka na may halong pagkadismaya. "Bakit? Magkakilala ba tayo?" Ang totoo ay parang pamilyar nga sa akin ang boses niya ngunit hindi ko matukoy kung sino ang nagmamay-ari, at isa pa ay hindi ako madaling makatanda ng mga boses lalo na at matagal ko ng hindi naririnig. "Matagal na akong hindi nakakabalik dito kaya hindi ko na kayang tandaan sa boses ang mga taga ritong kilala ko," dagdag ko pa habang naghihintay ng sagot niya ngunit bago pa man siya makapagsalita ay naagaw na ng atensyon namin ng isang boses. "Eloise! Ang aga mo naman 'atang nagising?" boses ni Manang Isay na narinig ko ang yabag palapit maging ang tunog ng plastic na mukhang dala niya. Namalengke ba sila kaya wala sila rito kanina? "Sino naman itong kausap mo..." "Ahh, Manang si.." Hindi ko matuloy ang sasabihin dahil hindi ko pa rin alam ang pangalan ng lalaking kausap ko. "Da—" "Tulungan ko na po kayo sa dala niyo," ang putol ng lalaki sa sasabihin ni Manang na saglit namang nanahimik bago ko marinig ang parehong yabag nila papalayo. Nangunot ang noo ko ng kapwa nila ako iwan habang dinig ko ang bulungan nilang hindi ko naman maintindihan. Magkakilala ba sila? Muli akong humakbang para maglakad pasunod sa kanila habang kinakapa kong muli sa daraanan ko. "Siya nga pala, Manang, tumawag na ba si Ninang —" Muli kong hindi natapos ang sasabihin ng muntik na akong natalisod sa kung anong parang bilog na bagay sa paanan ko ngunit bago pa man ako tumihaya ay muli ko na namang naramdaman ang pagsalo sa akin ng parehong bisig. "Sinabi ko ng mag-ingat ka," ang hinihingal na aniya na tila ay tinakbo niya ang papunta sa akin. Napakurapkurap naman ako na nabigla pa sa nangyari. Bakit parang ang malas ko 'ata ngayong araw para dalawang beses na muntikan ng mahulog! "Ay, jusko! Ayos ka lang ba, Eloise? Ay, nako bakit ba may nakakalat na mangga rito sa sahig." si Manang. Agad naman akong napaayos ng tayo habang nakahawak pa rin sa kamay ng lalaking inaalalayan pa rin ako. "Hindi ko alam kung dahil ba sa mata mo o talagang clumsy ka pa rin hanggang ngayon," ang sambit pa ng lalaki na ikinatigil ko. "Hanggang ngayon? Anong ibig mong sabihin? Teka, kilala ba talaga kita? Sino ka ba talaga?" ang hindi ko na nagawa pang mapigilang pagtatanong na hindi naman niya magawang masagot. "Bakit ba ayaw mong magpakilala?" tanong ko pang muli bago ko maramdaman ang pagbitaw niya sa kamay ko kasabay ng tunog ng cellphone niya. "Aish, bakit ngayon pa," bulong niya. "Kailangan ko ng umalis. Manang, dito na ho ako." "Teka, hindi mo pa ako sinasagot," ang pigil ko sa kaniya na ikinatigil niya sa paghakbang. "Sino ka ba?" "Ba't hindi mo alalahanin kung sino ako?" ang seryosong aniya bago ko marinig muli ang yabag niya papalayo. "Hello, Coreen? What is it this time?" Nanatili ang kunot kong noo habang pinapakinggan ang papalayo niyang yabag hanggang sa hindi ko na iyon marinig. "Jusmiyo, nagkalat pa talaga ang batang 'yon ng mangga rito. Bakit naman isang sako ang ipinadala rito ni Don Arturo," si Manang bago ko maramdaman ang paghawak niya sa kamay ko. "Halika na, ipaghahanda na kita ng agahan." "Teka, Manang, sino ang lalaking 'yon? Bakit parang kung umasta siya ay magkakilala kami. Kilala ko ba siya?" ang desperado ko ng tanong dahil kahit anong pilit kong alalahanin ay hindi ko maalala ang boses niya. Napabuntong hininga naman ito. "Kung hindi niya sinabi kung sino siya, sino ako para sabihin? Halika na, maaalala mo rin mamaya kung sino ang may ari ng boses na 'yon." Lalo akong naguluhan dahil sa sagot niya. Pinagtatakpan niya ba ang lalaking 'yon? Aish! Sino ba kasi talaga siya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD