06.
Kinahapunan ng araw na 'yon ay saka lang tumawag sa akin si Ninang Serina para kumustahin ang pagdating namin sa San Carlos at para ipaalam na susunduin niya ako sa Sabadl para sa check-up at preparations bago ang operasyon. Hindi rin kami gaanong nagtagal sa pag-uusap dahil mukhang busy siya, para sa weekends ay wala na siyang aasikasuhin bukod sa 'kin.
Habang inilibot naman ako ni Manang Isay sa Hacienda na halos wala namang pinagbago base sa mga sinasabi ni Manang. Hindi rin naman din kasi 'to pinabago nila Daddy lalo na at ito ang unang pundar ng mga Del Fuente kaya kahit na wala halos tumatao rito ay sinusuguro namin na hindi 'to napapabayaan.
Halos wala akong ginawa sa hacienda kundi ang libutin ang bahay at kabisaduhin ang bawat sulok no'n, nagpapasama rin ako kay Manang na maglakad-lakad sa paligid at makalanghap ng sariwang hangin. Naninibago na nga sila Manang at Maning Leo dahil ngayon lang nila ako nakikita ng ganito, sa mansyon daw kasi ay halos tumira na ako sa kwarto ko at kung lumabas man ako ay palagi akong gumagawa ng eksena sa mga kasambahay.
Pero, ang totoo ay gusto ko rin talagang manatili na lang sa kuwarto ko at magkulong lang do'n hanggang sa dumating na ang Sabado kung kailan ako susunduin ni Ninang Serina. Ilang araw pa ang hihintayin ko bago ang Sabado pero para sa 'kin ay mabilis lang naman tumakbo ang oras lalo na at hindi ko namamalayan kung umaga pa ba o hapon, para sa 'kin ay purong gabi lang ang mayroon sa pang-araw-araw ko.
Wala akong pake kung umaga na ba o tanghali, hapon, o hating gabi na. Matagal ko ng hindi iniintindi ang mga bagay na 'yon dahil sa araw-araw kong pagdadalamhati dahil sa kadiliman ng mundo ko ngayon. Wala ng saysay sa akin ang oras, unti-unti ay pakiramdam ko sa pagkasanay sa dilim ay unti-unti na rin akong pumapailalim doon at mas lalo kong ginugusto na maglaho na lang.
Pero, ngayon ay halos hindi na ako mamalagi sa kuwarto ko dahil sa isang taong hindi ko alam kung paanong nakakapasok sa hacienda, at kung ano ang dahilan niya para araw-araw na guluhin ang tahimik na bahay namin at buhay ko.
"Hindi mo naman siguro binabalak na tumalon mula d'yan, 'di ba?" ang tanong ng isang boses, isang umaga ng magising ako dahil sa direkta na namang pagtama ng sinag ng araw sa mukha ko.
Hindi ko alam kung sinasadya ba talaga ni Manang na buksan ang kurtina ng glass door ng kuwarto ko para gisingin ako sa umaga o hilig niya lang talaga 'yon kahit na hindi naman niya ginagawa sa kuwarto ko sa mansyon.
Lumabas ako ng beranda ko ng hindi na ako makabalik sa pagkatulog ko, gusto ko lang sanang magpahangin at magpaaraw lalo na at masarap sa balat ang hangin dito lalo tuwing umaga. Pero, hindi pa man ako tumatagal ng sampung minuto roon ay nabarag na agad ang payapa kong umaga.
"Ikaw na naman?" ang tanong ko sa pamilyar ng boses ng lalaking hindi ko pa rin alam ang pangalan.
"Yes, the one and only," ang tila ay pilyo niyang sagot na lalong ikinasalubong ng mga kilay ko.
Malapit ang boses niya ngayon sa akin na tila ay nasa mataas siyang bahagi, sa palagay ko ay nasa isa siya sa mga sanga ng malaking puno sa harapan ng beranda ng kuwarto ko.
Ito na 'ata ang pangatlong araw na naririnig ko ang boses ng isang 'to na feel na feel ang pagiging misteryoso at hindi pa rin sinasabi sa akin ang pangalan niya, maging sila Manang ay mukhang nakikisakay rin sa trip ng lalaking 'to at kapag tinatanong ko ay wala silang imik.
"Sino namang nagpapasok sa 'yo o kung may nagpapasok nga sa 'yo. This is trespassing , alam mo ba 'yon?" ang bwelta ko sa kaniya.
"Trespassing? Aray! Sumosobra ka na talaga sa panghuhusga sa 'kin, Miss Del Fuente," ang maarte niyang sambit.
"Hindi kita huhusgahan kung hindi ka na lang basta-basta sumusulpot dito sa lupain namin. Pinapasok ka na naman ba ni Manang?" ang kunot noo kong tanong kahit na hindi ko alam kung nasaan ba siyang bahagi.
"Hindi."
"Sinong nagpapasok sa 'yo? Si Manong Serio ba?" pagtukoy ko sa caretaker ng hacienda na mukhang close rin ng mokong na 'to at nakaraan ay pinapasok siya.
"Hindi rin," sagot niya. "Pinapasok ko ang sarili ko."
Hindi makapaniwalang napaawang ang labi ko bago mapahawak sa hamba ng balkonahe.
"You're really a trespasser then!"
"Hindi nga ako trespasser!"
"Eh, anong tawag mo rito? Bumibisita—"
"Hindi ako umaakyat ng ligaw, nautusan lang akong maghatid ng mangga," agad niyang pagputol sa akin na bahagyang ikinainit ng pisngi ko hindi sa hiya dahil sa inis na hindi muna niya ako pinatapos.
"It's not what I meant!" protesta ko pero narinig ko na ang pagtawa niya na tila ay mukhang natuwa sa naging reaksyon kong agad kong binawi.
Sa inis ay tinalikuran ko na siya. There's no point talking to him! Hindi siya matino kausap!
"Aalis ka na? Hindi mo man lang ba ako aalukin ng tubig?" ang pahabol niya pa na hindi ko na pinansin. Nagpatuloy lang ako sa paghakbang habang hawak ang walking stick ko.
Nakuha niya pang humirit ng tubig gayong nasa itaas na nga siya ng puno rito na wala namang koneksyon sa pagdadala niya ng mangga. Tss, bakit ba pinapayagan nila Manang na makapasok ang lalaking 'yon dito? I should ban him here.
"Hay! Hindi ko alam na ganito pala kabato ang puso ng heredera ng Del Fuente. I'm so disappointed!" pagpaparinig niya pa .
I would really ban him here.
Hindi ko pa rin siya nilingon hanggang sa makapa ko ang glass door gamit ang walking stick ko.
"Psh! Hindi pa rin talaga siya nagbabago—ohhh sht!"
Agad na napatigil ako sa paghakbang ng makarinig ako ng maingay na pagkaluskos ng mga dahon na agad na sinundan ng malakas na pagbagsak ng kung ano at pagdaing ng isang boses.
"Ahhh! Fvck!"
Agad akong napapihit paharap sa pinanggalingan ko. "'Wag niyang sabihin na nahulog siya!?" ang bulaslas ko. "Buhay pa ba siya?"
"Sht! Tingin ko nabalian ako—ahhh!" malakas na daing niya.
Tarantang napabalik ako ng hakbang kahit na hindi ko alam kung saan akong direksyon papunta.
"You're not kidding right? Stay there! I will call Manang—"
Hindi ko na natapos ang sinasabi ko dahil natailok na ako sa sarili kong paa dahil sa pagmamadali.
Fvck! Not again!
Mahina akong napadaing dahil sa malakas na pagbagsak ko at ngayon ay hindi ko na alam kung nasaan ang walking stick kong tumalsik pagkadapa ko. Ramdam na ramdam ko ang sakit sa pagtama ng tuhod ko sa sahig ng beranda.
"Miss Del Fuente? Anong nangyari? May narinig akong pagbagsak?" ang boses mula sa ibaba. "Ayos ka lang ba? I'm just kidding earlier, I'm totally fine! Hindi mo na kailangang —"
"Damn you!" bulalas ko ng marinig ang huli niyang sinabi.
"Nahulog talaga ako—"
"Just leave! And please don't come back here again!" ang sigaw kong muli bilang pagputol sa kaniya.
"Hindi ko sinasadya—"
"Leave! Please!" ang muli kong inis na pagputol sa kaniya na ikinatahimik naman niya.
Marahas akong napabuntong hininga at napamura dahil sa pagdaing bago tulungan ang sariling muling bumangon at kapain ang paligid para hanapin ang walking stick ko.
He's ridiculous! How could he prank me like that!
"Damn it! Where the hell is that thing!" ang inis ko muling bulaslas ng hindi ko mahanap ang walking stick ko.
Frustrated na napasalmapak ako at napahilamos ng mukha ko para saglit na ilabas ang inis hindi dahil hindi ko mahanap ang walking stick kong tumalsik sa kung saan. Naiinis ako dahil sa naging biro ng lalaking 'yon sa akin, at kung gaano kumabog sa takot ang dibdib ko dahil sa pag-aalala.
"He really knows how to get into my nerves!"
Nasa gano'n akong pusisyon ng humahangos na pumasok si Manang Isay sa kuwarto ko at tinulungan niya akong tumayo at kuhain ang stick ko. Agad niya akong tinanong sa nangyari pero hindi ko na siya sinagot dahil sa sobrang inis pa rin dahil sa ginawa ng mokong na 'yon.
I stayed the whole day inside my room after that, nawalan ako ng gana lumabas at makipagsalamuha sa iba dahil sa pagbalik ng trauma ko dahil sa naramdaman kong kaba kanina. That fear I felt earlier was the fear I felt before when we were surrounded by black cars, before the incident happened.
Nang mga sumunod na araw ay hindi ko na narinig pang muli ang boses ng lalaking 'yon sa kahit saang parte ng hacienda, maging sila Manang ay nagtataka dahil hindi na 'ata siya nagpupunta. But, I dont care. Hindi naman kasi dapat talaga siya bumalik pa lalo na pagkatapos ng ginawa niya.
Pero, mukhang bukod kila Manang ay nasanay na akong mabulabog ang umaga ng boses niya at sa hindi ko maipaliwanag na dahilan ay mas napadalas ang paglabas ko ng mansyon lalo na tuwing umaga at pagtambay sa garden kung saan may duyaan na malapit lang sa tapat ng balkonahe ko.
"May hinihintay ka ba?" si Manang nang muli na naman akong maupo sa duyan matapos naming maglakad-lakad.
Sabado na at hinihintay ko na lang na dumating si Ninang at sunduin ako para sa check-up ko sa clinic niya. Nakaayos na rin ako at ayoko namang bumalik sa loob dahil sa ilang beses ko ng paglabas ng umaga ay mas gusto ko na ang pakiramdam ng hangin dito sa garden.
Nagsalubong ang kilay ko. "Hinihintay natin si Ninang Serina, aren't we?"
"Hindi 'yon ang tinutukoy ko," agad niyang angal. "Napansin kong hindi na 'ata bumibisita ang bisita mo simula nung nakaraang araw. May nangyari ba?"
"Hindi ko siya bisita, Manang. And he will never come back again, kaya 'wag niyo na siyang hanapin," ang sagot ko habang marahang inuugoy ang sarili sa duyang inuupuan.
"Pinagbawalan mo na siyang bisitahin ka?"
"He's not visiting me, Manang. Wala lang talagang magawa ang lalaking 'yon at ako ang napiling guluhin nakaraan," ang mapakla kong sabi bago mapatigil sa pag-ugoy ng sarili. "Who is that man, anyway? Bakit 'ata bukod sa pagiging feeling at home niya rito ay malapit 'ata kayo sa kaniya?"
Napatikhim naman si Manang na nasa harapan ko. "May nakalimutan pala ako sa loob. Dito ka lang ha? Sasaglitin ko lang bago dumating ang Ninang mo."
"What? Wait, Manang nagtatanong pa ako!" ang habol ko sa kaniya ng tila ay tumalikod na ito sa akin.
"D'yan ka lang! Saglit lang ako," aniya bago ko marinig ang yabag niya palayo na halatang iniiwasan ang tanong ko.
Napabuntong hininga naman ako bago mapangiwi. "Bakit ba masyado nilang sinisikreto sa akin ang pangalan ng lalaking 'yon? Gano'n ba siya ka importante? Tss."
Katulad ng sinabi ni Manang ay nanatili lang ako sa duyan habang iniisip pa rin ang lalaking 'yon na mukhang na-guilty rin sa nangyari at hindi na takaga bumalik. Kahit ang mga mangga na ibinibigay sa amin ni Don Arturo ay iba na ang naghahatid.
Hindi ko siya hinahanap pero sumasagi pa rin siya sa utak ko dahil sa inis ko sa kaniya.
"Sinong nandyan?" ang alerto kong tanong ng makarinig ako ng kaluskos at hakbang na tingin ko ay may tao hindi kalayuan lang sa akin. Agad akong napatayo mula sa pagakakaupo sa duyan. "Alam kong may tao d'yan. Magpapakilala ka ba o sisigaw ako—"
"Ehem!" ang malakas na pagtikhin nito na tila ay sinasadya. Agad ko namang nakilala ang boses na 'yon na siyang ikinabilis ng t***k ng puso ko.
Nandito siya...
"Nautusan lang ulit akong maghatid ni Don Arturo," ang boses niya na tila ay naiilang. "Alam kong ayaw mo na akong umapak dito. Aalis na rin ako agad."
Binuka ko naman ng bahagya ang bibig ko para sana magsalita ngunit agad kong pinigilan ang sarili. Bakit mo siya pipigilan!?
Nanatili akong nakatikom ang bibig hanggang sa marinig ko ang yabag niya palayo bago iyon tumigil.
"S'ya nga pala. I'm really sorry about the other day, alam kong mali ako. I'm sorry. Sana hindi ka nasaktan," aniya na saglit kong ikinakaba sa hindi ko maipaliwanag na dahilan. Gusto ko mang magsalita ay pinanatili kong tikom ang bibig ko na nakuha naman niya agad. "Mauuna na ako."
Pinakinggan ko ang yabag niya hanggang sa tuluyan na iyong maglaho doon lang ako napangiwi at napabuntong hininga.
"Tss, bakit ngayon lang siya humihingi ng sorry? Tss," bulong ko bago makarinig ng busina mula sa sasakyan. Mukhang nakarating na si Ninang Serina. I should focus on my check up today.