Samantala, si Mitch naman ay hindi rin tumigil sa paghahanap kay Hephaestus. Ginalugad na niya ang buong lugar kung saan ito pwedeng makita. Pabalik-balik na siya sa bahay nila ngunit wala pa roon ang asawa. Kahit madilim ang paligid ay hindi siya tumigil upang hanapin ito. Hindi siya susuko tulad ng pagmamahal niya para rito at kung sakaling natagpuan na ang asawa ay hinding-hindi na niya ito iiwanan. Nasaan ka ba, Hephaestus? Gusto kitang makausap. Please answer me! Kanina pa niya binabanggit ang pangalan nito sa isipan niya dahil alam niyang isa rin iyon sa paraan upang magpakita sa kanya ang asawa. Muli siyang bumalik sa Root Valley ngunit lumagpas lamang siya roon. May kung anong nagtulak sa kanya na muling bumalik sa bahay nito at diri-diritso lang siya. Mas lalo lang lumakas ang b

