"Mitch!" Masayang pumasok sa guest room ang ina ni Hephaestus na si Mia at may dala-dalang malaking paper bag. Hindi pa sila nakakaalis ng Switzerland matapos siyang magkasakit kahapon at kailangan munang magpahinga siya ng ilang araw upang makabawi ng lakas. Inabot naman ni Mia ang dala-dala nito sa kanya. "Here! Gamitin mo mamaya. May mga bisita kami ng asawa ko dahil wedding anniversary namin!" "Talaga? Happy wedding anniversary!" "Thank you! Oh, siya. I'll leave you here. Sukatin mo na rin iyan. Pero alam ko ay kasyang-kasya iyan sa'yo." "S-sige. Mamaya." "Magpaganda ka ha," sabay kumindat ito at tumalikod na. Nawewerduhan siya sa ikinikilos nito pero hinayaan na lang niya dahil anibersaryo ng kasal ng mga magulang ng binata. Inilagay na lang muna niya ang paper bag sa ibabaw n

