Hindi magkamayaw ang bawat isa na naroon sa hindi inaasahang kasalan nina Hephaestus at Mitch. Kahit sa mumunting reception na nandoon lang ay masaya ang mga ito para sa kanila. Tapos na ang wedding ceremony at panay pag-uusap na lamang ang kanilang ginagawa. Ang ibang mga binata naman ay nasa isang mesa habang nag-iinuman na lang. "Paano ba iyan, Thea. Nag-asawa na ang kuya mo. So, you need to prepare your food by your own. Wala ng magluluto para sa'yo," nagsimulang asarin ni Apollo ang kapatid ni Hephaestus. "Walang problema iyon. Nandiyan pa naman si mommy. She'll teach how to cook." "That's nice to hear, Thea. Dahil kapag nag-asawa ka na ay hindi ka na isusuli ng magiging asawa mo sa mga magulang mo," sabat ni Anchises. Nagtawanan ang mga ito. "Sige lang, tumawa kayo hangga't

