Pinatawag siya ni Aphrodite isang umaga matapos siyang makapag-almusal at hindi nito sinabi sa kanya kung saan sila pupunta. Nagtungo sila sa ibang bahagi ng Root Valley na tanging mga imortal na matataas ang posisyon lamang ang maaaring makapasok rito. Nagtataka na lamang siya gayong hindi naman niya kauri ang mga ito o marahil ay dahil sa mahiwagang bagay na nasa kanya.
"Ano nga pala ang pag-uusapan natin, Aphrodite? I'm going to leave?"
Hindi niya natiis itanong rito sa dalagang kasama habang naglalakad sila ngayon sa isang mahabang pasilyo na noon lang niya narating.
"You will know later, Mitch." Sabay ngumiti ito sa kanya na may halong ibig sabihin.
"Okay."
Hindi na siya nag-usisa pa at sumunod na lamang sa dalaga.
Nasa pangalawang palapag ng Root Valley ang binaybay nila at ilang sandali lamang ay huminto sila sa paglalakad.
"We are here."
Napasulyap siya sa napakalaking pintong naroon. May halong kulay ginto ito na ang desenyo ay Europian style at may mga nakaukit din. Marahang lumapit dito si Aphrodite at pinihit ang doorknob ng naturang pinto saka nito binuksan ng maluwang. Bahagya pa siyang nasilaw sa pagkakabukas nito at naningkit na iniwas ng bahagya ang kanyang tingin.
"Let's go inside."
Sumunod rin naman siya rito.
Pagkapasok nilang dalawa roon ay napansin na niya ang ang buong paligid na nababalutan ng puting kulay. Pati ang sahig nito ay puting-puti rin na may mga tila usok na sa bawat hakbang niya ay gumagalaw.
Nasa heaven na ba ako?
Napuna niya ang isang malaking sala set na kakulay ng paligid sa gitna at ang mga dalawang taong naroroong nakaupo. Napatitig siya sa isang lalaking nakatuon ang pansin sa pagdating nila na may hawig sa isa sa mga binatang imortal nakasalamuha na niya na si Zeus. Ngunit may mas nakaagaw sa kanyang atensiyon nang bumaling naman ang paningin niya sa kaharap nito. At hindi niya makakalimutan ang imahe ng binatang minsan na rin naging laman ng isipan niya.
And her heart recognized the face that she will never forget and those steel blue-grey eyes again. The man looked at her and their gaze meet. Hindi niya mapigilang makaramdam ulit ng kakaibang kaba sa puso niya. Kagabi, kasama niya itong naghapunan at marami rin silang napagkwentuhan tungkol sa ilang bagay. Kaya minsan ayaw na niyang mag-isip at alam niyang malalaman nito ang nilalaman ng isipan niya.
"Hi, girls!" Bati ng isang lalaki sa kanya na halos kasing edad lang ni Hephaestus. Guwapo rin ang lalaki at tantiya niya ay kauri rin nila ito.
"Hi, Sifu."
Gumanti naman ng pagbati si Aphrodite rito. Siya naman ay bahagyang napangiti lang sa lalaki.
"Hi, Michelle! I'm Sifu and you already know Maverick Hephaestus, right?"
"Y-yes." Pasimpleng sumulyap lang siya at muling natuon ang tingin kay Sifu.
Nagpaalam na rin si Aphrodite matapos siyang ihatid sa silid.
"I'm leaving, Sifu. Marami pa akong gagawin. Ahm, Mitch..." Baling nito sa kanya. "I'll go ahead. Sina Sifu at Hephaestus na ang bahala sa'yo." Kumindat pa ito sa kanya at hindi niya alam kung para saan iyon.
Tumango lang siya rito. Mas lalo siyang nagtaka sa ginawang pagkindat nito sa kanya na ang buong akala niya ay kasama niya ito roon.
"Okay, Aphrodite. Thanks." Tugon ni Sifu.
"Sige, Sifu."
Kumaway lang ito saka nawala na lang itong bigla.
Vanishing spell?
Naisip lang niya ang spell na iyon dahil na rin sa ginawa nitong paglalaho. Madalas iyong ginagamit sa mundo ng mahika sa mga palabas na nakikita niya. Hindi niya tuloy maiwasang mamangha sa mga kakayahan ng mga ito ngunit hindi pa rin siya sanay sa mga kilos nitong taliwas sa kilos ng mga normal tulad niya.
Tumikhim si Sifu.
"Ahm, Michelle maupo ka muna. Pag-uusapan lang natin ang mga mahahalagang bagay."
Sabay silang naupo sa malambot na puting sofa na naroon. Nasa harapan nila si Sifu habang kalahating metro naman ang pagitan nila ng binata. Pinayapa niya ang sarili at hindi muna mag-iisip ng kung anu-ano.
"Nais ko kayong makausap ni Hephaestus tungkol dito."
Inilapag nito sa center table ang isang aklat. Nakasulat ang title roon na "Book of Prophecy".
"Ano pong meron diyan?" Tanong niya.
Isang aklat lang naman ito na kulay puti at may mga gintong disenyong nakaukit sa paligid. Wari ay isang ordinaryong aklat lang ito sa tingin niya lamang ay maganda ang panlabas na bahagi nito.
"It's the Book of Prophecy. Nakasaad diyan ang mga kasalukuyang nagaganap sa tadhana natin subalit hindi pa nito naisisiwalat ang mangyayari sa hinaharap." Sumulyap si Hephaestus sa kanya.
Siya naman ay sinalubong ang tingin na iyon ni binata. "T-tadhana n-natin?" Nagtaka siya sa sinabi nito at napakunot-noo.
"Yes. You knew we're immortals, right?"
Si Sifu.
Bumaling siya rito. "Opo. Nasabi na sa akin ni He—Hephaestus ang tungkol sa kanila noong nasa Villa ako."
"Good. At least hindi ko na kailangan patunayan sa'yo ang kapangyarihan ko." Ngumiti si Sifu sa kanya.
"Ah, huwag na po baka hindi na kayanin ng utak ko!" Tugon niya.
"Well, baka hindi na nga kapag nalaman mo pa ang ibang detalye tungkol sa'yo, sa katana at kay Hephaestus. Anyway, paiiksiin ko lang ang kwento. You and Hephaestus have a connection with that katana. Did you bring it?"
Koneksiyon? Anang isipan niya. "O-opo. Dala ko po ito."
Dinukot niya ito mula sa likuran ng bulsa niya at nilapag sa center table. Kinuha iyon ni Sifu at mariing tiningnan ang bawat sulok ng tsuka.
"Amazing! Ngayon ko lang nakita ito ng malapitan. It has already flamed, right?"
"Yes, Sifu. Noong gabing sinalakay ako ng mga hindi ko kilalang mga nilalang sa tinutuluyan ko noong unang dumating ako dito sa Green Valley."
"Alright." Nilapag nito ulit ang tsuka sa tabi ng aklat. "As I said earlier, you and Hephaestus have a connection with that katana. Michelle or Mitch, ikaw ang napiling magdala ng flaming blades na iyan sa tunay nitong pagbibigyan mo."
Isa-isang sinabi ni Sifu ang pinagmulan nito mula sa mga nangyari milyong taon na ang nakalipas.
"At hindi ka maaring tumanggi sa tadhanang nakalaan sa inyong dalawa." Anito matapos ilahad sa kanya ang tungkol sa propesiya.
Hindi siya makapaniwala sa pinaliwanag ni Sifu sa kanya. Si Hephaestus na isa sa mga Gods ay aalayan niya ng katanang iyan at magiging bahagi ng kanyang buhay pagdating ng itinakdang araw.
"Pero...bakit naman po ako? Isa lang po akong hamak na mortal. At hindi po ako nabibilang sa mga layunin at nakatadhana ayon sa inyong kasulatan."
"Iyon ang dapat nating alamin, Mitch." Nagsalita na rin si Hephaestus sa hindi kalayuan sa kanya. "Kahit kami ay wala pang clue tungkol sa bagay na ito. Isa pa ring palaisipan kung bakit napili ng mga katanang iyan ang mortal na katulad mo bilang carrier nito at kung bakit kabilang kayo sa bahagi nito.
"Ducentibus. Iyon ang katumbas nitong salita sa Latin na ang ibig sabihin ay carrier." Si Sifu.
"The blade has already flamed. Siguro naman okay na iyon at pwede ko nang ibigay kay...sa kanya." Umurong ang dila niya at hindi na nabanggit pa ang pangalan ng binatang katabi.
"I think so. But you need to stay here just to make sure you're safe."
Kinuha niya ang katana mula sa center table at inabot iyon kay Hephaestus. Bahagyang nanginginig pa ang kamay niyang humarap sa binata.
"Hephaestus...para sa'yo. Ahm, hindi ko naman kailangan talaga ito eh. Kung ito lang ang tanging paraan para matupad ko ang sinasabi ninyong propesiya. Heto, kunin muna." Sabay abot ng bagay na iyon sa binata.
Dahan-dahan iyong kinuha ng binata mula sa kanya. Naramdaman niya ang saglit na paglapat ng kamay nito sa kamay niya. She feels the spark again! Agad niyang binitawan iyon nang makuha ng binata ang katana mula sa kanya upang maiwasan ang kung anumang nararamdaman niya rito.
Bumaling siya kay Sifu.
"Sifu, kapag maayos na ba ang lahat pwede na ba akong bumalik sa Pilipinas?" Gustong-gusto na talaga niyang makabalik ng Pilipinas.
"Let's see, Mitch. But for now, you need to stay here for a while. Don't worry, everything is free for you."
"Sige po." Dismayado siya sa sagot nito. Wala pa rin kasiguraduhan kung makakalaya siya sa mahiwagang lugar na ito.
"Okay. You can go back to your room now. Thanks for being here, Mitch." Isa pang ngiti ang sumilay sa mga labi ni Sifu sa kanya.
"Sige po."
Marahan siyang tumayo at ngumiti ng bahagya rito at naglakad na palabas sa lugar na iyon. Hindi na niya sinulyapan ang binatang katabi niya at dire-diretso na siyang lumabas.
Mabigat sa puso niya ang lisanin ang kuwartong iyon sa hindi malamang dahilan. Tila may kung anong kirot rin siyang naramdaman sa puso niya nang tuluyan na niyang ipinagkaloob ang katana sa binata. Pakiwari niya ay may hindi tama. A kind of emptiness that she never feels in her entire life.
Pagkalabas niya ng kuwartong iyon, dali-dali siyang tumakbo patungo sa kuwarto niya kung saan siya nanatili. Hindi na niya kayang payapain ang sarili lalo na ngayong paulit-ulit na lang siyang nakararamdam ng kaba, guilt at kung anu-ano pa. Tila sasabog na siya.
Bakit ganun? After I gave that odd thing to him, it feels like my life is half-empty. Feeling ko, ang layo na ng puso ko sa kanya. Ano bang nangyayari sa akin? Naguguluhan na ako. Sinong Diyos ba ang maaaring makasagot sa mga tanong ko?
Napasubsob ang mukha niya sa unan habang nakadapa siya sa kanyang kama. Napapagod na ang puso at isipan at gusto na niyang umiyak na lamang.
Samantala, naiwan naman sa loob ng kuwartong iyon sina Hephaestus at Sifu. Pinag-usapan nila ang tungkol sa katana.
"Make it flame, Hephaestus." Utos ni Sifu sa kanya.
"Huh? Why, Sifu?" Hindi alam ni Hephaestus kung anong gustong tumbukin ni Sifu.
"May isang bagay lang akong gustong linawin. Sana nga nagkamali lang ako."
"Okay. I'll do it."
Bahagya niyang itinaas ang kanang kamay habang hawak ang katana. Bumuo siya ng isang puwersa na nagmula sa kaibuturan ng kanyang katawan patungo sa kanyang kanang kamay hanggang sa katana.
They waited for a few seconds. But it's not working. Hindi ito nagliyab tulad ng gabing iyon na sinalakay si Mitch ng mga Black Fyli.
"Huh?" Nagtaka si Hephaestus. "What happened? I can't make it flame! Baka naman hindi sa akin ito, Sifu? Baka sa ibang Gods ito nakalaan." Di naiwasang madismaya ng binata noong hindi nito magawang paliyabin ang katana.
"Sabi ko na nga ba." Bumuntong-hininga si Sifu.
"What was that, Sifu?"
"Ang katanang iyan ay para talaga sa'yo, Hephaestus. Bukod sa nakaukit diyan ang pangalan mo, tama ang kalkulasyon ko."
"Na ano?"
"Magliliyab ang katana oras na matagpuan ng carrier ang receiver. But it's not working. May nais pa itong ipatuklas bukod doon. At iyon ang kailangan mong alamin."
"Huh?" Napakunot ang noo ni Hephaestus.
"Kung si Mitch ay nagawang paliyabin ang katana na iyan, kailangan naroon lang siya sa tabi mo. Alamin mo kung ano pa talaga ang mayroon sa kanya. I feel something strange with that woman."
"Mortal lang siya Sifu, wala namang espesyal sa kanya maliban sa— " Natigilan si Hephaestus.
"Maliban sa alin?" Napasandal ito sa kinauupuan. "Your heart tells something, hijo."
"Sifu..."
Napangiti ito. "Mukhang alam ko na kung bakit ayaw magliyab ng katana. Okay, sabihan mo na lang ako kung ano iyong naputol mong maliban na iyan. Kapag nasabi mo na rin ito sa kanya saka mo ako sabihan kung tama ako o hindi." Mas lalong lumuwang ang pagkakangiti ni Sifu sa kanya.
Napapailing tinago sa likuran ng kanyang pantalon ang tsuka. Mukhang kailangan niyang hindi malayo sa tabi niya ang dalaga. Isa pa, may dapat pa siyang alamin tungkol sa kanilang dalawa kasama ang katana.
Nagtungo si Michelle sa Center Valley, ang pinakasentro ng Green Valley. Dito nakapaloob ang lahat ng establishments na meron ang lugar. Mula sa restaurants, cafe's, souvenir shops, different club's, garden at iba pa. Naisipan niyang lumabas muna ng Root Valley para makalanghap naman ng hangin ang tuyong-tuyo na niyang utak. Gusto rin niyang e-explore ang lugar lalo na ang mga masasarap na mga pagkain sa mga restaurants.
Grabe andaming pwedeng pagpilian, ano bang kakainin ko dito, pizza, pasta, ano pa nga ba? Hmm.
Nag-iisip pa siya habang nakatanaw sa mga magagandang gusaling nakatayo roon. Maraming guest nang araw na iyon na iba-iba pa ang mga pinagmulang bansa. Dagsaan ang mga turista dahil summer na.
"Mitch!" Tawag ng isang lalaking papalapit sa direksiyon niya.
Si....ano nga ulit pangalan niya?
"Ah. I'm Anchises. Sorry. Mukhang nakalimutan mo yata ang pangalan ko. Well, I understand you, coz we have all have that weird names. At mahirap tandaan at banggitin. Mas gusto ko nga tawagin akong Devon." Ngumiti ito.
"Ah, sorry." Napakamot siya sa ulo.
"So, what are you doing? Gusto mo bang kumain? May alam akong magandang kainan dito."
"Ah, oo sana medyo gutom na ako eh. I mean, gusto ko lang matikman ang cuisine ninyo rito."
"Good. Ahm, sakto gutom na rin ako. C'mon, let's eat! Libre ko tutal di ka naman iba sa amin."
"Talaga?" Nagniningning ang mata niya. Makakalibre siya ng pagkain sa araw na iyon.
"Then, let's go!" Akma na sanang hahawakan ni Anchises ang balikat niya nang biglang may sumalag sa kamay nito. "Aw!" Impit na sambit ng binata.
"Hands off, young man!"
"Huh? Anong—" Napatingin siya kay Anchises na pinapagpag ang kamay nitong namumula. "Anchises!" Dinaluhan niya ang binatang nasaktan talaga. Hindi niya pinansin ang lalaking gumawa niyon sa binata. "A-are you okay?"
Hinarang ni Anchises ang isang kamay nito sa kanya. "I'm okay! Wala ito!"
"A-are you sure?" Bumaling siya sa lalaking gumawa niyon. "Ano bang— " Hindi na niya naituloy ang sasabihin nang makikilala ang binata. "Hephaestus?" Masama ang tingin na ipinukol nito sa kanya ngunit hindi siya nagpadala roon. "What are you doing?" Sigaw niya. "Bakit mo naman sinaktan si Anchises? B-bakit—"
"It's okay, Mitch!" Ngumiti ito. "Ganyan lang bumati si Hephaestus sa amin. Mauna na ako at mukhang nagjeje—"
"Shut up!" Pigil ni Hephaestus sa sasabihin nito.
"Okay. I'll shut my mouth! Bye!" Kumaway lang ito sa kanya tanda ng paagpaalam nito saka ito tumalikod at tuluyang umalis na.
Tuluyan nang naglaho si Anchises sa paningin niya at muling bumaling kay Hephaestus na tila hindi pa rin nagbago ang ekspresyon nito sa mukha. Wala siyang ideya kung bakit ganoon na lang ang reaksiyon nito kanina na para bang ayaw nitong mahawakan siya ni Anchises.
"Ano bang problema mo? Sinaktan mo naman iyong tao na wala namang ginagawang masama sa'yo! Hindi naman ata porket mga im—" Bahagya siyang natigilan. Alam niyang may mangilan-ngilang mga guest na naroon malapit sa kanila at ang iba ay pinagtitinginan na sila.
"Let's go!" Hinawakan nito ang kamay niya saka naglakad sila palayo.
"Huh? Saan naman tayo pupunta?" Sumunod naman siya rito.
"Gutom ka hindi ba?"
"O-oo. Pero...teka pakakainin mo ba ako? Okay lang! Kaya ko namang bayaran ang—"
Huminto sila. Humarap sa kanya ang binata habang hawak pa rin nito ang kamay niya.
"Mula ngayon, lahat ng gagawin mo dapat alam ko. Lahat ng kailangan mo sa akin mo sasabihin. Starting today, nasa pangangalaga na kita. Hindi ka puwedeng umalis sa lugar na ito hangga't hindi ko sinasabi. Understood?" Mariin ang mga pagkakasabi nito sa kanya.
"Ano? Bakit ko naman—" Tiningnan ulit siya ng masama. Mukhang hindi nagbibiro ang lalaki sa kanya kaya para matapos na ang kanilang usapan ay hindi na siya nagmatigas pa. "Okay, fine!"
"Good!" Habang hawak niya ang kamay nito ay nagpatuloy na sila sa paglalakad.
Crap! Pagrerebelde ng utak niya.
Paano ba siya makakalayo sa anino ng binatang ito gayong ayaw na nitong malayo siya sa tabi nito? Mukhang matatagalan pa bago siya makabalik ng Pilipinas. And she's wondering. Why did Hephaestus say those words to her? Wala na dapat siyang obligasyon dito dahil naibigay na niya ang katana. Ano pa bang kailangan nito sa kanya? Ayaw niyang bigyan ng kahulugan ang lahat ng mga narinig niya ngunit bilang isang babae ay hindi rin niyang mapigilang mag-isip sa mga posibleng kahinatnan.
Bakit gusto mong manatili ako sa tabi mo, Hephaestus? Bakit gusto mong ikulong ako sa mahiwagang mundo ninyo na wala naman akong kinalaman? Ano ba talaga ang papel ko sa buhay ng isang imortal na katulad mo?