MISSION ABORTED!
That's what Aphrodite told her early this morning. After what happened to her, her safety is important. Aphrodite also talked to her head in the Philippines that she was removed from, but she and her team will still receive the exact payment as part of a contract deal. According to Hephaestus, he wants to keep her away from danger especially that she’d holding a valuable thing. The flaming blades called Katana. Furthermore, she can't immediately return to her home because those creatures may come after her and end her life.
Hindi ako papayag na dito na lang matatapos ang lahat. Gusto kong malaman ang katotohanan sa likod ng hiwagang bumabalot sa lugar na ito sa, katanang hawak ko.
Mariin siyang napatitig sa tsuka. Hindi siya ang tipong basta na lang susuko na hindi man lang nahahanap ang lahat ng kasagutan na maaaring maging koneksiyon niya sa nagliliyab na katana at sa mahiwagang mundo ng mga imortal sa paligid niya.
On the other hand, Sifu, the Head of Immortal Society, called for a meeting with the member of the Gods. The Immortal Society has two types. One is White Society which is intended for the immortal beings having white Inra powers, also called White Casters. The other one is the Dark Society. The opposite of White Casters that cast Dark Inra powers ability. Nasa Root Valley sila at nagtitipon-tipon. Ang lugar na ito ay kanlungan nilang mga imortal kapag may nais silang pag-usapang mahalaga lalo na kapag ito ay tungkol sa balanse ng kanilang pamumuhay sa mundo ng mga mortal. Ang Root Valley ay nasa bahagi din ng Green Valley. Isa itong malaking Mansion at ang mga naninilbihan rito ay mga immortal na mababang uri.
"Pinatawag ko kayo dahil sa isang mahalagang kaganapan na nangyari noong isang gabi." Ang lalaking nagsambit ay napanatili ang kakisigang taglay kahit matagal na panahon na siyang namumuhay sa mundo. May hawig ito sa binatang si Zeus. "You know what I mean, gentlemen! May kinalaman ito sa inyong tadhana na alam kong nabanggit na rin ng inyong mga magulang noong kayo ay maliliit pa." Si Sifu ay Lolo na ng magpipinsang Zeus, Dionysus, Hercules at Persius.
"I thought it was a myth. Is it really true, Sifu?" Si Zeus.
"It's true. Nakatakda na iyong mangyari." Nag-cast ito ng white Inra sa kamay at lumabas roon ang isang aklat. "Nakasaad iyan dito sa Book of Prophecy."
"Book of Propechy?" Demeter said.
"Oo. Ito ang maglalahad sa pagkakaroon niyo ng koneksiyon sa mga mortal. Sa mga babaeng mortal na may hawak ng nagliliyab na katana. Katulad ng mga magulang ninyo, magsisimula na rin kayo sa panibagong yugto ng inyong tadhana." Muling pagsasalaysay ni Sifu.
"Flaming blades? Katulad ng kay Michelle?" Napasulyap si Apollo kay Hephaestus.
"What about her, Sifu?" Si Achilles.
Nilapag ni Sifu ang aklat sa isang mesa sa harapan nila at binuksan ang unang pahina roon. "Babasahin ko ang unang pahina ng maunawaan ninyo ang lahat. I know some of you didn't believe this kind of magical prophecy, but this is part of your fate." Nagsimula nang basahin ni Sifu ang nilalaman ng aklat. "Bago magsimula ang digmaan sa pagitan ng Dark Gods at White Gods, may limang makapangyarihang Sorceress at Wizards na naatasang bumuo sa labindalawang flaming blades o mas kilala sa tawag na Katana. Ginawa ito upang gamitin laban sa mga Dark Gods na nagnanais ng kapangyarihang mamuno sa Dark World at pati na rin sa mundo ng mga tao. Ipinagkaloob ang mga katanang ito sa mga babaeng nakatakdang maghatid nito sa mga White Gods upang maging sandata. Naglakbay ang mga itinakda para maihatid ang mga Katana subalit sa kalagitnaan ng kanilang paglalakbay ay sinalakay sila ng mga Titans at hollows, kabilang na roon ang mga Dark Gods na siyang namumuno sa pagsalakay. Upang maipagtanggol ang kanilang sarili, ginamit ng labindalawang babaeng mandirigma ang mga Katana upang protektahan ang sarili. Dahil may mga malinis na puso ang mga mandirigmang ito, nagliyab ang mga Katana ayon sa kapangyarihagn nakapaloob rito. Ang Hari ng Dark Gods na si Lijon ay natalo ang mga ito, pero bago pa man nawala sa kasaysayan ang mga babaeng mandirigma, nagbanta ang mga ito. Muling magliliyab lang mga Katana sa oras na mahanap ng mga carrier ang nararapat nitong pagbigyan at kayo iyon. Kailangang maihatid sa inyo ang mga Katana sa lalong madaling panahon bago pa mapunta sa kamay ng kaaway. Oras na mapunta ito sa kamay nila ay maaaring pagmulan na naman ng panibagong digmaan. Mauulit na naman ang kasaysayan. Kayo na mga reincarnated Gods ang magpapatuloy sa tadhanang iyon. And one more thing, hindi lang sila maghahatid sa inyo ng kakaibang sandata na iyon kundi magiging bahagi rin sila ng buhay ninyo bilang mga babaeng itinakda para sa inyo."
"Sifu, ibig pong sabihin nito ay, kami ang pagbibigyan ng mga Katana ng mga bagong itinakda? Kung ang flaming blades ni Michelle ang tinutukoy rito, isa siya sa mga iyon!" Si Dionysus.
"Tama! Bilang mga imortal, kailangan niyong gampanan ang isang mahalagang misyon na ito alang-alang sa tadhanang nakatakda para sa inyo."
"But she's only a mortal. She's not a legendary lady warrior or something that came from the past. Or else she was reincarnated too." Hercules said.
"Iyan ang dapat niyong alamin. Sa ngayon, kailangan nating protektahan lahat ng may hawak ng flaming blades kasama na ang babaeng mortal na iyon." Tukoy ni Sifu sa dalagang si Michelle.
"Ang tanong, bakit sila ang napili ng mga Katana? Bakit ang nakatadhana sa atin ay mga mortal at hindi natin kauri?" Si Dionysus ulit.
"Everything has a reason, Dionysus. Isa rin iyan sa aalamin ninyo kung bakit sila ang napili. At kung bakit sila nakatadhana sa inyo."
"Kung isa si Michelle sa mga may hawak ng flaming blades, nasaan ang iba?" Si Persius.
"Kusa ninyo silang makikilala sa takdang panahon. Ang kailangan niyo lang gawin sa ngayon ay ilayo siya sa kapahamakan lalo na ngayon at hinahanap na rin pala ng mga kaaway natin sa ibang dimensyon ang mga Katanang ito. And gentlemen, Andromeda is one of the Legendary Sorceress. She will be your guide, too. Siya na ngayon ang bagong guide niyo sa pagtupad ng Legend kasama ang mga itinakda."
"Si Andromeda? Iyong may-ari ng kapirasong lupa sa tabi ng Green Valley na malapit sa Dark forests?" Nagulat si Hermes.
"Diba matanda na siya?" Si Anchises.
"Huwag kayong magpapaniwala sa inyong mga nakikita. She's immortal. She can do anything just like you, gentlemen!"
"Pero bakit pa? Kaya na naming gabayan ang aming mga sarili." Ang supladong si Ares. "Hindi na kailangan ng isang Sorceress upang gabayan kami sa aming mga tadhana."
"Ares..." Sambit ni Anchises rito. "Paminsan-minsan kailangan din natin ng gabay."
"Hmm. Para sa kaalaman niyong lahat, si Andromeda ay kasama sa bumuo ng flaming blades at mas may alam siya kaysa sa akin tungkol sa pinagmulan ng mga ito . She will help you by then."
"Sifu, kung nakatakda ang mga may hawak ng katanang ito sa amin, how about Hercules’ wife?" Natuon ang tingin ni Achilles kay Hercules
"Curious lang ako bro, may katana din ba siya tulad ng kay Michelle?"
Napailing si Hercules. "I don't know. Aalamin ko pa ang bagay na iyon."
"But like Michelle, she has that kind of Inra scents too. Sa kanya nga natin unang naramdaman ang malakas na hatak nito sa atin. May posibilidad kayang may itinatago rin siyang kakaibang sandata?" Naalala ni Demeter ang asawa ni Hercules noong unang ipakilala ito sa kanila.
"Bakit hindi mo siya tanungin, Hercules? Ask her about that odd thing. Malay mo may alam siya." Tanong rito ni Zeus.
"Lagi siyang wala sa bahay, Zeus. Mukhang gagawa na naman ako ng paraan upang manatili na siya at hindi lagalag."
"She's your wife. Bakit ba hinahayaan mong umaalis siya ng bahay mo. If I were you, itatali ko na siya." Tudyo ni Zeus sa pinsan.
"That woman!" Mariing pagkasasabi ni Hercules. Hindi nito alam kung paano kontrolin ang asawa sa mga ginagawa nito at kailangan na niyang mag-set ng panibagong rules sa pagitan nilang dalawa.
"Okay, gentlemen. May isa pa pala akong ipapaalala. Mula ng isilang kayo kasabay nito ang pagsilang ng mga reincarnated Dark Gods kaya may posibilidad na magtatagpo ang landas niyo ng nga Dark Caster na iyon. Kaya kailangan niyong magdoble ingat sa lahat ng bagay."
Tahimik lang na nakikinig ang mga imortal na binata. Tulad ng mga magulang nila noon, mag-uumpisa na rin ang yugto ng kanilang pakikipagsapalaran sa kanilang tadhana. Bawat tao ay mayroong tadhanang nakalaan at kabilang na sila rito. Lamang ay may mga propesiya silang kailangang sundin at ito ay nakatakda na. At magsisimula ito kay Hephaestus.
Mula sa lugar na iyon ay nanatili rin si Michelle upang mapangalagaan at mailayo siya sa mga nais tapusin ang buhay niya. Isang lugar kung saan malayang nagagamit ng mga imortal ang kanilang kapangyarihan. Dito sila namamalagi kapag nais nilang mag-ensayo o pumunta sa ibang dimensyon. Ang lugar ay puno ng mahika. Malawak at napakalaki nito kumpara sa establishment na nasa Center Valley kung saan hanggang doon lang ang mga guest ng Park and Club.
"Michelle, dumito ka muna sa Root Valley hangga't hindi pa namin naaayos ang gulo tungkol sa nangyari noong ng isang gabi at isa pa kailangan pa naming malaman kung anong hiwaga mayroon ang katanang hawak mo," wika ni Aphrodite sa kanya.
Hindi niya maiwasang mapatitig sa kaharap niya kahit noong una pa lang nilang pagkikita.
"I really wondered. Diba mga imortal kayo? Wala ba kayong alam tungkol dito? Sa totoo lang, gusto kong malaman kung ano ang bagay na ito at koneksiyon ko rito." Napag-alaman na niya na si Aphrodite rin ay kabilang sa mga imortal.
Lumapit si Aphrodite sa bintana at hinawi nito ang kurtina. Tanaw nito mula sa labas ang kabuuan ng napakagandang lupain na iyon. "Kung sasabihin ba namin sa'yo ang totoo, you will believe us?"
"Ang alin? Anong paniniwalaan ko? Alam niyo po bang inaasahan kong matatapos ko agad ang misyon ko dito? Pero sa tingin ko mukhang ibang misyon ang haharapin ko. Sa likod ng napakagandang lugar na ito, matatagpuan ko pala ang isang sekretong hindi dapat malaman ng ibang tao."
"That’s true." Humarap ito sa kanya. "Hindi mo na itutuloy ang misyon mo na iyon, Michelle. Hephaestus will explain everything to you. Sige, magpahinga ka na muna. Ito muna magiging kwarto mo. Kung may kailangan ka pa, just let me know, okay?" Anito sa kanya.
She nodded.
Tumalikod na ang magandang babaeng si Aphrodite papalabas ng kanyang magiging kwarto. Pinagmasdan niya ang malawak na kwartong iyon kung saan mananatili muna siya pansamantala habang hindi pa malinaw ang imbestigasyon ng lahat.
Mukhang makukulong ako sa lugar na ito at may nakakasama akong mga weirdo.
Hindi naman ako pinayagang bumalik ng Pilipinas dahil sa katana na iyon. That odd thing! Ibang misyon na pala ang nakaatang sa balikat ko. Paano na ito?
Kinagabihan, naghintay lang siya sa veranda at pinapanood ang mga bituin sa kalangitan. Buong araw siyang nagkulong sa kwarto niya kanina at pinag-iisipan ang mga nangyayari sa kaniya sa loob ng ilang araw niyang pananatili sa lugar na iyon. Noon lang siya lumabas upang makalanghap naman ng sariwang hangin. Isa pa, hindi naman niya maaaring ipagsabi sa mga kaibigan at kasamahan ang tungkol sa kinahinatnan ng pananatili niya roon.
Hanggang kailan ako mananatili rito? Gusto ko ng umuwi ng Pilipinas.
Narinig na lang niyang kumukulo ang kanyang tiyan sa gutom.
Oo nga pala, hindi pa ako kumakain mula kanina. Muntik ko ng makalimutan na tao pala ako. Ano ba iyan!
Ilang sandali pa siyang tumitig sa magandang tanawin nang marinig niya ang isang pamilyar na boses.
"Pumasok ka na sa loob. It’s cold there!"
"Huh?" Napalingon siya sa nagsalitang iyon.
It was Hephaestus.
From the first time they met, he had treated her coldly. The man standing in a distance put his hands in his pocket while staring at her. No trace of emotion can be seen on his face. His steel-blue eyes and handsome face. He's a perfect human-looking member of the Gods from heaven, but she reminder herself that she is no ordinary people like her. Immortality does exist.
Naroon na naman ang kakaibang damdamin niyang iyon para sa binata sa tuwing magtatagpo ang kanilang landas. Hindi siya mag-iisip. Iyon ang pinangako niya sa sarili kapag naroon ito sa malapit. Subalit hindi niya maiwasang magtalaga ng mga ilang salita sa isipan niya.
Damn those eyes!
"Come inside. Nagpahanda ako ng pagkain para sa'yo. Nasabi sa akin ng mga staff dito na hindi ka pa raw bumababa at nagpapahanda ng pagkain sa kanila."
Tumayo siya mula sa kinauupuan niya at naglakad papasok. "Ahm, busog pa ako at— "
"Don't skip your meal. Mahalaga sa atin ang kumain. Isa pa, kapag nagkasakit ka, ako ang mananagot sa kanila." Seryoso pa rin ang mukha nito.
"Huh? Bakit? Hindi mo naman ako sagutin at— "
"Michelle. From now on, sanayin mo na ang sarili mo na kasama ako. Hindi natin alam kung kailan ka sasalakayin rito ng mga halimaw na iyon. And I'm the only one who could protect you from them." Hindi pa rin nagbabago ang emosyon nito.
Siguro nga. Sa isip-isip niya.
Hindi na siya kumibo pa. Sabay na silang pumasok sa loob upang makapaghapunan na rin. Alam niyang sa mga sinasabi nito ay hindi iyon magiging madali sa kanya lalo na hindi na ito mawawala sa paningin niya tulad ng nabanggit nito kanina. And my journey with this immortal man begins.