Marahan siyang nagmulat ng mga mata niya nang naramdaman ang kirot sa kanang bahagi ng kanyang braso. Napahawak siya roon. Ouch! Pilit niyang inaalala ang nangyari habang inililibot niya ang paningin sa kabuuan ng puting kwartong iyon. The place seems new to her.
Where am I?
"How's your feeling? Are you feel better?"
Napalingon siya sa babaeng nagsalita. Pamilyar sa kanya ang mukha nito at naroon ito sa tabi niya. Sumilay sa mga labi nito ang matamis nitong ngiti.
"N-nasaan ako?" Mahina niyang sambit. Hindi man lang niya nakita ang babae kanina nang maglakbay ang paningin niya sa paligid. Strange!
"Nandito ka sa Villa namin. Kumusta na ang pakiramdam mo?" Inulit nito ang tanong kanina.
"Medyo mahapdi pa iyong sugat ko. Sinong nagdala sa akin dito?" Pilit niyang inaalala ang huling nangyari sa kanya.
"Huh? Don't you remember anything?"
"Hmm. Iisipin ko pa pero kasi hindi pa nagsy-sync in sa utak ko ang nangyari sa akin. Loading pa ako! Ikaw si..."
"I'm Thea. I'm Maverick Hephaestus’ younger sister. Ako muna ang nagbabantay sa'yo pansamantala dahil may inaasikaso lang ang kapatid ko at ang iba pa." Nakatitig lang ito sa kanya.
"Ganun ba. Siya ba ang nagdala sa akin dito? Naalala ko na pala ang nangyari." Saglit na rumehistro sa alaala niya ang totoong nangyari. Sumulyap siya wall clock na nakasabit sa dingding ng malawak na kwarto. Pasado alas otso na ng umaga.
"Yes. He was worried about you. That was the first time I saw my brother really concerned about a woman like you. Sounds strange."
"H-huh?" Medyo namula siya sa mga sinasabi ng magandang kapatid ni Hephaestus na may hawig din sa binata.
"Nabalitaan ko ang nangyari sa'yo kagabi. Bakit ka ba sinugod ng mga Dark Fyli na iyon? Well, nagtanong pa ako. Siguro dahil may gusto silang makuha mula sa'yo." Ito rin ang sumagot sa sariling katanungan.
"Huh?" Tila naguluhan siya sa sinabi nito. "A-anong Dark Fyli?"
"Dark Fyli...iyong nakalaban mo kagabi. Sila iyong—"
Naputol ang sasabihin ni Thea nang biglang may tumawag rito na boses ng isang lalaki mula sa pintuan ng kwarto.
"Thea!" Pigil nito sa sa mga susunod pa sanang ilalahad ng dalaga.
Si Hephaestus. Marahan itong naglakad patungo sa kinaroroonan nila. Hindi na rin naalis ang mga malalim nitong mga tingin sa kanya habang papalapit ito. Suddenly, she felt her heart beating fast again while her mind is trying to brush off the idea that it is a premonition. Pilit niyang ikinukubli ang nagugulo na naman niyang damdamin para rito.
"Thea, huwag mo na siyang i-pressure tungkol sa nangyari. Makakasama sa sugat niya. Bumalik ka na sa bahay, ako na muna magbabantay sa kanya rito."
"Kuya— ahm sige na nga." Bumaling ito sa kanya. "Nandito na si kuya, uuwi muna ako ah. Pagaling ka na." Malambing nito wika sa kanya.
"Sige, Thea. Thanks. Ingat." Paano niya nalamang pinag-uusapan namin ang nangyari kagabi?
"Ingat sila sa akin." Ngumiti lang ito saka ito tumayo at tumalikod na palabas ng kwarto.
Naiwan silang dalawa roon ni Hephaestus. Ang binata ang unang bumasag ng katahimikan ilang minuto matapos lumabas ng kwarto ang kapatid nito.
"Are you okay?" Anito. Hinila nito ang upuan kaninang inuukopa ng kapatid saka ito naupo malapit sa kanya.
"Mahapdi lang ng kaunti ang sugat ko. Salamat sa pagdala mo sa akin dito, Maverick, and for saving my life last night." Pilit niyang iniiwas ang tingin rito. Those intimidating eyes of him again.
"Kung hindi dahil sa pagtawag mo ng pangalan ko, malamang ay tinuluyan ka na lalaking iyon. You should have called me earlier! Eh di sana hindi mo natamo ang mga sugat mo na iyan."
Wow! Nasisi pa ako? At anong maagang tinawag? I did not call you anyway.
"You did."
"I did not."
"You did." Mas malalim na pagmamasid ang ginawa nito hanggang sa naglakbay ito sa kabuuan ng mukha niya.
Curse those eyes, Hephaestus!
"Then curse me. Or else, I'll curse you!"
"Are you reading my mind?" Medyo naguguluhan na talaga siya sa ikinikilos nito kahit noong una pa. Hindi lang naguguluhan, sobrang gulong-gulo na ang utak niya sa mga nakikita at nangyayari sa paligid. At ngayon, tila nababasa na ng binata ang nasa isipan niya.
"What if I do? Would you mind?"
"Ang aga naman ng trip na iyan. Hindi magandang biro. Gulong-gulo na ang utak ko sa mga nangyayari pati ba naman ikaw?" Hindi na niya napigilan pa ang magsabi ng saloobin niya.
"I do read minds. If you don't believe, then don't believe in it. It's up to you. Siyangapala..." May dinukot ito sa bulsa. "Ang katana mo."
"Ang katana ko!" Naalala niya ang nagliliyab niyang katana na ngayon ay bumalik na naman sa dati nitong anyo. Tanging tsuka na lang at wala na ang kulay bughaw nitong alab.
"Here. Siyangapala, may nakaukit diyan sa katana na isang Greek Name. Nakasulat ito sa salitang Griyego. Do you know the meaning of these words?"
"Hindi eh. Hindi na ako nag-abala pang mag-research sa ibig sabihin niyan."
"I see." Sumandal ito sa pagkakaupo.
"Can I ask you a question?" Gusto na niyang itanong rito ang lahat at ito na ang pagkakataon upang ang lahat ng bumabagabag sa isipan niya ay masagot ng binata. Mukhang si Hephaestus lang ang makakasagot sa lahat ng iyon. Tantiya niya ay may alam nga ito tungkol sa mga nangyayari.
"About what?"
"Iyong nakalaban ko kagabi na tinapos mo, ano ba sila? Marami na talaga akong hindi naiintindihan sa lugar na ito. You are all weird. Hindi ko alam ang pakay nila sa akin! A-ano ba ang mga iyon? I mean— ano bang hiwagang bumabalot sa lugar na ito?"
"Is that what you've thought? Are we all weird?"
"Hindi naman, pero parang ganoon na nga. You can't blame me after all. Simula noong napadpad ako sa lugar na ito, madami na akong nahahalata. Kung totoo mang nababasa mo ang laman ng isipan ko, ibig sabihin ba nito, iba kayo sa amin. H-hindi k-kayo..." Hindi na niya napigilan ang sariling itanong ang lahat sa binata. Alam niyang wala siyang karapatang mag-usisa rito subalit buhay na niya ang nakasalalay.
Nakatitig lang ng malalim si Hephaestus sa kanya. It wasn't her intention to ask anything, but she doesn't have any idea of what's going on. She doesn't even know how and why it happened. She doesn’t understand the mystery she encountered. Maya-maya pa ay may isang boses na nagsalita. Boses ng isa pang lalaki sa loob ng kuwartong iyon.
"You need to tell her, Hephaestus!"
Saglit na natigilan siya sa narinig na iyon at palinga-linga siya sa paligid.
Kaninong boses iyon? Sumikdo sa puso niya ang takot dahil sa tinig na na hindi niya nakikita ang nagmamay-ari.
Mahigpit siyang napahawak sa comforter ng kamang hinihigaan niya. Suddenly, the images of the men appeared in front of them in an instant. Mas lalong napahigpit ang hawak niya sa kumot ng isa-isang lumitaw ang mga binatang nakilala lang niya sa mga profiles na ipinadala sa kanya ng kaibigan. Ang ilan sa kanila, nakasalamuha na niya sa guests lounge. Bahagya siyang umayos ng pagkakahiga sa kama dahil naramdaman na niya ang sobrang bilis ng kanyang puso sa kaba.
"Anong—" Napamaang siya. Palipat-lipat ang tingin niya kay Hephaestus at sa mga binatang bigla na lang sumulpot sa kawalan. Mababanaag sa mukha niya ang pagtataka at dagdag na mga katanungan sa isipan niya.
"If you really— " Hindi natuloy ang sasabihin ni Apollo.
"I know! No need to say the next word. I'll kill you!" Banta ni Hephaestus sa kaibigan. "At huwag niyo siyang bibiglain, baka mas lalo lang siyang maguguluhan sa atin."
Napangiti si Apollo."Alright! Hi Michelle! Don't be afraid. We are humans I think, but we won't harm you."
"Apollo is right. Hindi ka namin sasaktan. Tao kami na...ah paano nga ba namin ipapaliwanag ito...we're Gods! I mean...humans having supernatural powers. Something like that." Paliwanag ni Demeter.
Mas lalong napakunot ang noo niya."Huh? A-ano?" Dios mio! Nananaginip lang ba ako? Kung panaginip lang ito please lang gusto ko nang magising! Mga ano raw sila? Nabibingi na ata ako?! Gusto na niyang umiyak. Natataranta na ang utak niya sa mga pinagsasabi ng mga binatang nasa harapan niya. Kahit anong pag-iintindi ang gawin niya, hindi pa rin ito sapat lalo na ngayong hindi lang pala si Hephaestus ang may kakaibang ikinikilos. Lahat sila imortal!
Lahat sila? Gods? Imortal? Is it real?!
"Hey chill! Eh kung mukha kaming hindi tao paano naman si Hephaestus?" Si Hermes. Mukhang nagbibiro lang naman ito.
"Ano bang— kayo ba ay— " Sasabog na ang utak niya. "Naku! Aatakihin na ata ako sa puso! Totoo ba ang mga nakikita ko? Hindi na ako natutuwa!" Tinatapik-tapik pa niya ang pisngi upang mailayo siya sa inaakala niyang panaginip lamang na nakikita ng kanyang mga mata.
"Enough, Mitch! We are real." Pigil ni Hephaestus sa kamay niyang ipinantatapik sa kanyang pisngi.
Ewan, at ang ginawa nitong paghawak ng binata sa kamay niya ay nagdulot sa kanya ng kakaibang damdamin kaya naman saglit rin siyang natigil at hinarap muli ang mga binata. Pasimple rin niyang binawi ang kamay na kanina lang ay hawak-hawak nito.
Nakamasid naman ang mga binata sa kanya. Wari, nag-iisip ang mga ito kung tama nga bang ilahad na nila ang tunay nilang katauhan sa tulad niyang mortal.
"I told you guys. We need to delete her memories of what happened last night. We could be in trouble as she still remembered anything. Isa pa, nagpakita pa tayo sa kanya. Hindi na kayo nag-iisip. Ipapahamak lang tayo ng mortal na iyan!" Pinakita ni Ares ang pagtutol na nasa di kalayuan lang ito. Nakikinita na niya ang ugaling meron ang binata kahit noong una pa lang sa guests lounge.
"Hey, bro. We already talked about this. Let us introduce ourselves to this beautiful young lady, okay? Saka isa pa, magwawala itong si Hephaestus kung hindi na siya maaalala ng love— "
"Shut up! I told you not to say anything!" Pigil ulit ni Hephaestus sa madaldal na si Achilles.
Palipat-lipat ang tingin niya sa mga nagguguwapuhang nilalang sa harapan niya. Ayaw rin naman niyang mag-isip dahil nga sa naalala niya ang sinabi nitong nababasa ni Hephaestus ang isip ng mga katulad niyang mortal. Marahil ay nababasa rin ng mga kasamahan niya ang nasa isipan niya kaya nananatiling blangko ang utak niya. Mahirap isipin na ang mga binatang ito ay may kakaibang kakayahan na hindi kayang tumbasan ng sinumang mortal tulad niya.
They really exist? How? Sa panahon ngayon, hindi na uso ang mga imortal at hindi na ito lubos na kapani-paniwala!
Subalit naroon ang mga ito sa harapan niya, at isa na iyong patunay na sila ay totoo. Mga nilalang na nabuhay sa kasalukuyan at gumagamit ng kakaibang kakayahan tulad ng biglang paglitaw nito kanina. Noon din niya napagtagni-tagni sa isipan niya ang mga nakaraang pangyayari sa mga ikinikilos nitong kakaiba.
Pero saan naman sila nagmula?
P-paanong nabuhay pa sila sa panahon ngayon?
"Ah guys, pwede bang magpakilala na muna kayo dahil kanina pa gustong sumabog ang utak ko baka hindi ko makayanan at bigla na lang akong alam niyo na." Kagat-labi niyang sabi.
"Okay. As you wish! Magpapakilala kami! I'm Kester Apollo." Nauna na ito.
"I'm Demeter Kent."
"I'm Devon Anchises." Noong kay Ares na ay siniko ito ni Devon dahil alam na ng mga binatang ayaw nito sa ginagawa nila. "Hey, ikaw na!"
"Ares Vincent." Malamig lang nitong sabi saka nito pinagkrus ang mga balikat sa braso.
"I'm Adrian Achilles."
I'm Hermes James."
"I'm Kevin Griff Hercules."
"I'm Kervin Grixx Dionysus."
"And I'm Zeus Marrion. And you know Persius Noonpem, he’s my cousin. And of course, Maverick Hephaestus, you know him already. Anyway, ako na ang magpapaliwanag. Ganito iyan, Michelle." Pumagitna na si Zeus sa lahat."We're immortals. Our legend comes from ancient Greek Mythology. But we’re only reincarnated. Hindi alam ng mga nilalang sa mundong ito na nagpatuloy pa ang henerasyon naming mga imortal hanggang sa kasalukuyan. Maniwala ka man o hindi, hindi naman talaga rito nagtatapos ang aming kasaysayan. Pasalin-salin na ang mga lahi namin at ang mga magulang namin ay katulad din namin na may iba't ibang kakayahan. Alam kung malawak ang iyong pang-unawa. Maiintindihan mo rin ito ng unti-unti. Kahit sinong mortal ay hindi talaga maniniwalang may mga nag-exist pa na katulad namin sa mundong ito. Pero heto kami sa harapan mo. Believe it or not, we don’t want to tell averyone about our legend."
Noong una, suplado ang tingin niya kay Zeus pero ng ipaliwanag nito ang tungkol sa kanila ay may kung anong pagbabago sa tingin niyang iyon para sa binata. Hindi niya alam kung para saang pagbabago. Ngunit nababasa niya sa imahe nitong maawtoridad ito sa lahat. May bahagi ng kanyang katauhan ang naniwala sa myth noong mga panahon ng mga sinaunang griyego.
"Ang hirap paniwalaan pero nanggaling na lang din sa inyo, sige maniniwala ako. Pero bakit ninyo sinasabi ito sa akin? Ang alam ko kapag naiiba, hindi niyo maaaring ilahad sa sinuman ang inyong katauhan, tama?"
"You have that special attraction from your Inra. Hindi namin alam kung ano pero nahahatak kami nito palapit sa'yo. Hindi iyon normal na nangyayari sa amin. But, it’s the third time na may nakaapak sa lugar na ito na may Inra Scent tulad mo. Tawag sa mahalimuyak na Inra na dumadaloy sa katauhan ng isang nilalang." Pagpapatuloy ni Zeus.
Naalala niya ang sinabi ng nakalaban niya ng gabing iyon. Ang mahalimuyak niyang Inra na humahatak sa mga imortal.
"Kaya pala. Kaya pala sabi sa akin ng halimaw na iyon ay may mahalimuyak akong Inra."
"Yeah. Kaya ka siguro niya sinugod sa resthouse na tinutuluyan mo at sa..." Napasulyap si Apollo sa tsuka ng dalaga na nasa gilid nito. "At sa bagay na iyan."
Napasulyap ang lahat sa bagay na iyon. Ang tsuka. Kahit siya nahihiwagaan pa rin kung bakit ang katanang iyon ay nagliyab noong isang gabi.
Saan niya kaya nakuha ang katana? Aniya sa isipan niya.
Naalala niya ang kaibigang nagbigay sa kanya niyon. Akala niya souvenir lang ito noon at pampasuwerte raw kaya naman itinago niya ito sa pag-aakalang susuwertehen siya. Pambihira!
"Mitch! If you don't mind, saan mo ba nakuha ang katanang iyan?" Tanong ni Hercules. "Maaaring iyan ang isa sa dahilan kung bakit nakapasok na rito ang mga nilalang na iyon."
Napatingin siya sa katanang hawak ni Hephaestus ngayon. "Ibinigay lang sa akin iyan. Kaso hindi ko na alam kung nasaan siya ngayon. Kasi...aray!" Napahawak siya sa brasong may sugat. Kumikirot na naman ito. Lihim siyang napakagat labi.
"Mitch!" Agad namang dinaluhan siya ng binata.
Nakita na naman niya ang pag-aalala ni Hephaestus sa kanya. Kahit gusto niyang mag-isip, tila ayaw nang magpakawala ng anumang salita ang isipan niya dahil na rin sa umiiwas siyang may mabasa iyon lalo na ang mga imortal na nakapaligid sa kanya.
"Dumudugo pa ang mga sugat niya. Kailangan ko nang gamitan ng mahiwagang...alam niyo na. Those weird magic!" Lumapit si Hermes sa kanya. "Alalayan mo siyang humiga ng maayos, bro!"
Agad naman sumunod si Hephaestus sa inutos ng kaibigan nito. Para tuloy siyang nagmukhang babasagin na kailangang ingatan. Kahit si Hermes ay marahan lang din ang kilos habang unti-unti nitong binubuksan ang bendaheng nakapulupot braso niya.
"Papagalingin ko ang sugat mo. Mabilis lang ito, Mitch."
"S-seryoso?" Kinakabahan siya nang unti-unti na niyang nakikita ang sugat sa braso niya. Hindi naman siya takot sa dugo o anuman, lamang ay masasaksihan na niya ang gagawin nitong paggamot sa sugatan niyang braso na parang isang himala.
Immortal duties.
Habang ang ibang binata ay nakamasid lang sa ginagawa ni Hermes sa braso niya. Nakaramdam tuloy siya ng kaunting hiya dahil napapalibutan siya ng mga nagguguwapuhang mga Diyos ng Olympus.
"Oh Crap! Ayoko talagang makakita ng dugo!" Nag-react si Zeus nang matanggal na ang bendahe sa braso niya. Ni hindi ito makatingin ng diretso sa braso niya at malalim pala talaga ang hiwa.
"Are you still afraid of blood, Zeus? Ikaw lang ang kilala kung Zeus na takot sa dugo ng mga mortal. Pambihira!" Napapailing na sambit ng pinsan nitong si Hercules.
"I can do anything. Pero iyan..."
Napapailing ito. "Exit na muna ako."
"Naku tara na nga baka mahimatay itong si Zeus." Napapangiti na lang na niyaya ni Hercules ang iba pa upang daluhan si Zeus na kaunti na lang ay tila babaliktad na ang sikmura.
Ayaw man nitong magpakita ng kahinaan sa mga tao subalit hindi na nito naiwasan pa. Nagpaiwan sina Hermes at Hephaestus roon habang ginagamot nito ang sugat niya. Tulad ng inasahan niya, napagaling nga siya ng binata. Isang himala na rin kung maituturing pero hindi pa rin naalis sa isipan ang mag-alala. Ang mag-isip. Ang mga katanungan niya na hindi pa nasasagot.
Ang umatake sa akin ng gabing iyon, ano ang mga iyon? Bukod sa mga reincarnated Gods ay may iba pa bang mga nilalang na nabubuhay sa mundong ito? Anong hiwaga meron ang katanang hawak ko? Anong ibig sabihin ng mahalimuyak kong Inra? Anong Inra? Madami pa akong katanungang nais kong mabigyan ng sagot! At sana may sagot lahat ito. Ang paraisong hinahangaan ko ay may kaakibat pa lang hiwaga at misteryo. Mukhang ibang misyon ang mangyayari sa akin sa lugar na ito.