She faced her laptop and talked to her computer geek friend, Po. Marami na itong nai-detalye tungkol sa lahat ng laman ng cellphone ni Uzik subalit ni isa ay walang pumapasok sa isipan niya. She still remembers the face of that guy who caught her attention. Those massive-looking steel blue-grey eyes.
Putik! Bakit ba sa tuwing nakikita ko ang matang iyon nawawala ako sa konsentrasyon ko?
"Hoy bes! Kanina pa ako nagsasalita dito, nakikinig ka ba?" Sigaw ni Po sa kabilang screen.
"Ha?! A-ano nga iyon? Sorry, may iniisip lang ako. Saan na nga ba tayo?"
"Nawawala ka na ata sa sarili! Gutom ka ba?"
"M-medyo. Iniisip ko lang kasi si Jho. She's here," pagsisinungaling niya.
"Oh talaga? Si Jho nandiyan? What is she doing there?"
"Tourism. Pero tingin ko hindi dahil lagi siyang MIA, baka may misyon din."
"Oh, tapos? Kumusta na raw siya?"
"O-okay naman siya, walang pinagbago pero..." Saglit siyang natigilan nang may narinig siyang nabasag na kung ano sa unang palapag. "Oh s**t! Ano iyon? Saglit lang Po, may narinig akong nabasag na kung ano sa baba."
"Hmm? Oh, sige tingnan mo muna. Tawagan mo na lang ako later, bye!" Nawala na ito sa monitor.
Mabilis siyang kumilos. Tinungo niya ang isang drawer kung saan nakalagay ang baril niya at kinuha ito. Bilang isang spy at sa klase ng kanyang trabaho, kailangan niya ng proteksiyon sa sarili. Subalit, katabi ng baril na iyon ay ang isang bagay na malimit dalhin niya saan man siya pumunta. An odd thing that her friend gave to her. Ewan ba niya at naisipan niyang dalhin iyon kasama ang 45 caliber at itinago niya iyon sa likuran ng pantalon saka nagmamadaling lumabas siya ng kanyang kwarto.
Dalawang palapag lang ang resthouse at hindi naman iyon gaanong kalakihan kaya madali lang niyang mahahanap kung anong nabasag sa ibaba. Dahan-dahan siyang bumaba sa hagdan patungong sala. Tahimik ang paligid at siya lang mag-isa roon kaya nagtataka siya kung ano ang pinagmulan ng ingay.
Nakapagtataka kung may nakapasok dito. Sabi sa akin ni Aphrodite, lingguhan lang nagpupunta ang naglilinis dito. Malayo pa ang linggo kaya imposibleng may taong nakapasok.
Bumungad sa harapan niya ang pinagmulan ng basag na bagay. Mula sa sahig ng sala, naroon ang isang vase na nabasag na tila sinadyang basagin. Sinadyang basagin? Napaisip siya sa posibleng kaganapan bago pa man ito nabasag. Lumapit siya roon at pinag-aralan ang posisyon ng vase.
Ang pagkakabasag ng vase ay pinong-pino. Natural lang na ganito ang kahihinatnan ng pagkabasag niya kung nasa mataas ang posisyon ng pinaglalagyan nito. Subalit...hindi! Nasa center table lang ito nakaposisyon at wala pang tatlong pulgada ang taas ng mesa mula sa sahig. Kung mahuhulog ito ng hindi sinasadya, hindi ito ganoon ka teribleng mababasag! Sinadya itong iangat mula sa mataas na posisyon! Sana hindi nga ako nagkakamali sa kalkulasyon ko!
"Anong—— " Naalerto siya. Nahagip ng paningin niya ang tatlong taong nakasuot ng halos itim na mga kasuotan at tumatakbo palabas ng resthouse. Kitang-kita niya ito mula sa bintana ng sala. "s**t! Pinasok nga ako rito! Baka miyembro ng mafia!" Mabilis siyang kumilos at sinundan ang mga ito hanggang sa labas ng resthouse. Mga tauhan siguro sila ni Uzik!
Maliksi at mabilis ang mga galaw ng mga taong iyon. Tila hindi mga ordinaryong nilalang kung kumilos na napuna rin niya habang sinusundan niya ang mga ito. Kaya naman dinoble niya ang kanyang bilis upang makahabol. Ganoon siya kaagresibong habulin at hulihin ang mga lalaking iyon kahit pa nag-iisa lang siya. Bahagi na ng buhay niya ang makipaghabulan at maging matapang kahit pa dehado na siya. Hanggang sa nahabol niya ang isa sa mga ito sa gitna ng parang na tanging buwan lang at iilang ilaw ng poste ang nagsilbing liwanag. Tanging ang resthouse lang ang nakatayo roon at malayo na ito sa susunod pang mga establishments kaya kung anumang mangyari sa kanya walang makakakita.
"Hoy! Tigil! Humarap ka!" Sabay hablot niya rito at hinila niya ito paharap sa kanya saka niya pinakawalan ang kanang kamao niya. Mabilis naman na naalarma ang taong iyon kaya naiwasan nito ang suntok niya. Huh?!
Nang humarap ang taong iyon, saglit siyang nagitla! Balot na balot ang katawan nito na tanging mata lang nito ang nakikita at mga matang iyon ay hindi mata ng isang normal na tao.
Shit! Anong klaseng mga mata ang mga iyon? "Hah!" Imbes na mag-isip pa siya ng kung anu-ano, nakipaglaban siya rito gamit ang lakas ng kanyang kamao at mga paa. Ginamit niya ang natutunan sa martial arts na nakuha niya noon sa training.
Well, hindi na bago sa kanya ang eksenang nakikipaglaban sa kung sinumang pinasusubaybayan sa kanila. Sanay na siya. Ngunit ang kaharap niya ngayon ay hindi katulad ng lahat ng mga nakalaban niya dahil may kakaiba itong mga kakayahan na walang kaugnayan sa pagiging normal na nilalang. Ilang suntok, sipa at pagpapalipad ng katawan niya sa ere ang ginawa niya upang mapatumba lang niya ang lalaki. Oo. Lalaki ang kaharap niya ngayon. Base na rin sa tindig at porma ng katawan nito na parang isang ninja. Black Ninja!
"Itong sa'yo— haah!!" Isang matinding sipa sa kanan ang pinakawalan niya kaya napatumba niya ang isa.
"Uuugghhh!"
Napaigik ang lalaki at humandusay ito sa damuhan. Tinamaan niya iyon sa bandang leeg na may litid kaya huminto ang daloy ng dugo ng lalaki. Isa iyong technique sa martial arts na natutunan niya sa kanilang training noon.
"May dalawa pa!" Kuyom ang mga kamao niya at gigil na gigil sa labanan nilang iyon.
Sinalubong niya ang mga ito at katulad ng ginawa niya kanina sa nauna ay sabay na nagpakawala siya ng suntok at sipa rito. Ngunit hindi pala ganoon kadali iyon. Magkapanabay na inatake siya ng mga lalaking iyon na halatang may kaalaman din sa martial arts.
Malalakas ang mga kalaban niya. Hindi pang-ordinaryong lakas ng tulad ng isang ordinaryong tao at mas doble pa ang bilis ng mga ito. Kung hindi siya marunong sa larangan ng martial arts malamang kanina pa siya bumulagta sa damuhan at pinagpipiyestahan na ng mga langgam ang kanyang magiging duguang katawan.
"Haaahh!"
Bigay todo siya sa mga suntok at sipa na ginawa niya upang hindi siya magapi ng dalawa.
Sana kayanin ko ang lakas nila. Anong klaseng mga halimaw ang mga ito at tulad ng nauna, mapupula ang kanilang mga mata! Hindi sila mga tao! Paulit-ulit na sumagi iyon sa isipan niya.
Gustuhin man niyang makaramdam ng takot ngunit kailangan niyang harapin ang mga ito dahil buhay niya ang nakasalalay. Napatumba niya ang isa ng isang sipa sa ere ang ginawa niya. Tumama ang sipa niyang iyon sa batok ng kalaban tulad ng nauna. Napaigik din ito at humandusay din sa damuhan.
Isa na lang! Mukhang mahina ang parte ng kanilang batok at doon ko ipapatama ang susunod kung galaw!
"Ikaw? Anong ginagawa niyo sa tinutuluyan ko?" Aniya ng magkaharap na sila ng huling taong iyon.
Nagkaroon siya ng pagkakataong makausap subalit pinagmasdan siya nito at hinintay lang ang kanyang pagsugod.
"Hindi mo alam kung anong panganib ang kinaharap mo! Isang mortal!" Nanlilisik ang mga mata nito. Ang boses nito ay tila may dalawahang tinig na nakakarimarim sa pandinig ng sinuman.
"What the—" Nanlaki ang mga mata niya ng marinig ang boses ng lalaki.
"Hindi ka na dapat nakialam pa! Ang katulad mo ay hindi dapat mabuhay sa mundong ito! Sayang, ang inakala naming mahalimuyak mong Inra ay napakaespesyal. Iyon pala ay isa ka lang hamak na mortal na walang alam!"
"Anong pinagsasabi mo?!"
The man pulled out the sharp sword called katana from his back. With his glares, she could feel that he is determined to end his life. She quickly pulled out her forty-five caliber from her pocket, aimed it on him and pulled the trigger. Five gunshots were heard. But, like a speed of light, a flashing motion, the gunshots were stopped by the man with the sharp thing. Mas lalo lang din siyang nagulat sa ginawa nito. Noon lang siya nakadama ng takot. Napagtanto niya ngayong halimaw ang nilalang na kaharap niya.
"A-anong—" Kaya niyang sanggain ang bilis ng mga bala ng baril ko? Imposible! Hindi siya tao! Imortal siya!
"Walang anumang armas ang makakatalo sa amin, mortal! Hindi mo pa ba nakikita na hindi ako ordinaryong nilalang?!" Ang nakakatakot nitong boses ang nangingibabaw.
Ano? Pero paano nangyari iyon? May ganitong nilalang sa lugar na ito? Sa mundong ito?
"Hindi ko alam kung anong klaseng nilalang ka at kung anong gusto mong sabihin. Pero hindi ako masisindak sa kung anumang hiwaga na meron ka ngayon!"
Hindi niya alam kung saan siya humuhugot ng tapang nang sandaling iyon. Kahit takot at pangamba ang nararamdaman niya nang mga oras na iyon, tila may isang bahagi ng katauhan niya ang nagsasabing lumaban siya. Mula sa bulsa niya dinukot niya roon ang isang bagay na binigay ng isang kaibigan. Isang tsuka o handle ng Katana. Wala itong blade at tanging hawakan lang nito ang mayroon.
"Ayaw mo ng barilan, pwes pagbibigyan kita! Katana laban sa katana!" Iminuwestra pa niya ang katana sa harapan ng lalaki kahit wala itong talim.
"Anong— klaseng katana ang hawak mo? Nagpapatawa ka ba binibini?! Lalabanan mo ako sa isang tsuka lang at walang talim na kasama? Nababaliw ka na!" Sabay tumawa ng malakas ang kaharap niya.
Hindi ko alam kung bakit! Pero pakiramdam ko, nakikita ko ang talim niya!
"Wala nga itong talim! Kung may hiwagang nakabalot sa'yo at ng mga kasama mo, puwes naniniwala ako sa hiwagang iyon! At iyon ang tatapos sa iyo gamit ang bagay na ito!" Mahigpit niyang hinawakan ng dalawang kamay ang tsuka. I don't know where I’m getting my boldness inside! It seems that there's someone urging me to do this! Lord, ikaw na sanang bahala sa akin!
Suddenly, she deeply closed her eyes. Hephaestus...help me! Ewan niya at ang pangalan ng binata ang lumabas sa balintataw niya at ito ang hiningan niya ng tulong. May kung anong nagtulak na rin sa kanya na banggitin ang pangalan ng lalaki. Saglit na may naramdaman siyang init. Init na nagmumula sa tsuka ng katana niya kaya naman nagmulat siya ng paningin. And she was shocked when she saw a fire blazing blade emerge from here tsuka's! A blue blade of fire!
"Anong— " Namilog ang kanyang mga mata sa nasaksihang pag-alab ng katanang iyon. Anong—hiwaga meron ang bagay na ito? I-imposible!
Kahit ang kaharap niya ay saglit na natigilan sa nakitang pagliyab ng katana niya.
"Kamangha-mangha! Napakaganda talaga ng katana mo binibini! Hindi na ako magtataka kung bakit ninais ng master ko ang makuha iyan! A huge of power within! Pero balewala rin iyan kung hindi ka marunong gumamit nito! Ipapakita ko sa'yo kung paano kita tatapusin oras na mapasakamay ko ang katanang iyan!" Naghanda ito upang sumugod.
"Sige! Sumugod ka lang! Ngayon patas na ang ating laban!" Wala na siyang pag-alinlangan pa. Habang may buhay, may pag-asa! Now, I believe that quote!
Ngayon magsisimula ang tunay nilang labanan. Sumugod sila parehas gamit ang mga hawak nilang sandata. Isinantabi muna niya ang bawat katanungan niya sa sarili kung paano nangyari ang lahat ng ito at kailangan muna niyang matalo ang halimaw na hindi na siya pagbibigyan ng tiyansang mabuhay.
"Hah!!" Nagpakawala siya ng isang sigaw at mahigpit na hinawakan ang nagliliyab niyang katana.
Ang bawat alab ng katana niya ay sumasabay sa kilos at galaw niya para sa kalaban. Hindi niya hahayaan na ito lang ang tatapos sa buhay niya. Ang kanyang tapang! Ang kanyang pagnanais na magwagi sa laban! Ang kanyang pusong nag-aalab katulad ng hawak niyang sandata ngayon ay nagpapatunay lang na nararapat siya sa bagay na iyon at nais niyang magwagi sa laban. Ang imposible sa mundong ito ay nagiging posible kahit pa sa malapantaseryeng mundo lang niya ito nakikita. Napakahiwaga ng mundo kumpara sa mundong ginagalawan ng mga mortal na tulad niya.
"Hindi ko hahayaang sa kamay mo lang ako matatapos! Haaahh!" Sumugod siya rito ng buong tapang. Huwag mo sana akong hayaang masaktan kung anuman ka man na nagliliyab na katana!
Ginamit niya lahat ng nalalaman niya sa martial arts pati na rin sa paggamit ng katana na natutunan niya sa isang samurai class noon. Mula pagkabata niya ay hinasa na sila sa ganitong bagay upang maipagtanggol ang sarili sa darating na kung anumang panganib. Mga tunog na nagtatalimang katana ang tanging mauulinigan sa labanan nilang dalawa. Pilit nilang sinasangga ang bawat kilos at galaw ng isa't isa. Maling kilos lang nila ay isa ang titimbuwang at hahalik sa malamig na lupa.
"Mahusay ka! Magaling ang nagturo sa'yo pero wala pa ring silbi ang nagliliyab na apoy ng katana mo kung hindi ka marunong gumamit nito! Ibigay mo sa akin iyan!"
"Hindi ko ito ibibigay! Sino ka nga ba talaga? Haah!" Isang malakas na wasiwas ang ginawa niya sa katana patungo sa kalaban subalit nasangga pa rin ito at siya na ngayon ang sinusugod ng katunggali.
"Hindi mo malalaman! Dahil tatapusin na kita! Haah!"
Buong lakas nitong sinugod ang depensa niya hanggang sa mawalan na siya ng kontrol at tumalsik sa malayo ang hatanang hawak niya kanina. Her flaming blade katana was thrown away while her defense was caught unguarded. Tumusok ang duluhang talim nito sa lupa nang ito ay tumilapon sa malayo.
"Anong— hindi!" Nawalan siya ng balanse sa nangyaring iyon kaya nasalo ng malamig na damuhan ang kanyang katawan."Aagghh!"
"Tapos ka na!" Tiningnan nito ang katanang tumalsik at nakatusok sa damuhan. "Walang silbi ang katana dahil hindi mo alam kung ano ang nakapaloob rito!" Ibinalik nito ang tingin sa kanya at akma na itong tatapusin ang kanyang buhay.
"s**t!" Kuyom ang kamao niya. Ni hindi na niya magawang kumilos dahil sa malakas na pagkakabagsak niya sa lupa. Dehado siya.
"Pati ikaw wala ka na ring silbi! Tatapusin ko na rin ang buhay mo at ang katana ay mapapasakamay ko na!" Itinaas nito ang katanang hawak at itinuon sa kanya ang talim niyon.
God! Katapusan ko na ba? Ayokong matapos ang buhay ko at pakikipagsapalaran sa mundo nang ganito lang!
"Tapos ka na!!! Haaahh!!" Buong lakas na kumilos ang lalaki.
Noon siya muling nakadama ng sobrang takot sa sarili. Tanging mga iilang salita na lang ang paulit-ulit na rumirehistro sa kanyang isipan. Huwag naman sana ganito ang katapusan ko! Mamatay na lang ba ako sa ganitong paraan? Pilit niyang inaalala ang lahat ng mga kaibigan, magulang, ang misyon niya at ang lalaking iyon.
"Magpaalam ka na!!"
Hephaestus... Tanging sambit ng isipan niya.
She closed her eyes deeply and waited for the pointed kisaki, the tip of the sword prick into her. She waited for the sharp tip of katana to cut her flesh, but suddenly she didn’t feel any pain. She heard someone’s attempt to obstruct the sharp edge of her opponent's katana. Noon lang siya naglakas loob magmulat ng paningin kung bakit naudlot ang panggalaw ng lalaki.
She saw the man in front of her, holding her sword that was thrown away in a far distance. Huh?! Wala na sa kinaroroonan nito ang katanang kanina lamang ay nakatusok sa damuhan. Napatitig siya sa mga matang iyon na puno ng galit, matalim kung tumingin, subalit hindi pa rin nawawala ang matang laging nakatatak sa isipan niya. Those steel blue-eyes of him!
"You don't have the right to invade our land and harm any of our people! Shame on you!" Idiniin pa nito ang katanang nakatusok na sa puso ng lalaki.
"Aggggh!" Napaigik ito. "S-sino k-ka?" Garalgal na ang boses ng lalaki habang unti-unti ng pumapatak ang dugo nito sa damuhan.
Iyon lang ang nasabi nito nang biglang sumabog sa kawalan ang kanyang katawan na siyang ikinagulat niya ng husto. Kasama ring naglaho ang katawan ng dalawang taong natalo niya kanina na nakahandusay sa damuhan. Mga abo na lang ang naiwan kasabay ng pag-ihip ng malakas na hangin sa kapaligiran.
"Hep..." Sambit niya sa pangalan ng binata ngunit hindi rin niya naituloy. Pilit siyang tumayo ngunit hindi na niya nagawa pa dahil sa naramdaman na ng kanang braso niya ang hapdi at ang dugong dumadaloy roon. May s-sugat ako? P-paano? Wala naman akong naramdaman kanina habang naglalaban kami! Marahil ay hindi ko na napansin na tinamaan ako sa pag-atake ng lalaki kanina! P-pero—
"Huwag mo ng piliting gumalaw. Kailangang mapigilan ang pagdurugo ng iyong sugat." Dumukot ito ng panyo sa bulsa at agad tinali sa braso niya para maampat ang dugong hindi na nahinto sa pagdaloy."You will be alright," on his gentle voice.
Seryoso pa rin ito ngunit mababanaag naman niya rito ang totoong pag-aalala sa kanya kahit pa hindi naging maganda ang una nilang pagkikita. Subalit, palaisipan pa rin sa kanya kung paano at bakit naroon na ito sa tabi niya. Her knight with the flaming blades, Hephaestus!
Gusto niyang usisain ang lalaki. Gusto niyang malaman mula rito kung ano ang mga mahiwagang nangyayari sa paligid ngunit hindi na rin kinaya ng katawan niya ang sakit na dulot ng kanyang malalim na sugat. Hanggang sa nanlabo ang kanyang paningin dulot ng nakakapagod niyang pakikipaglaban at tuluyan na siyang nawalan ng malay.