Kasalukuyang nag-aalmusal sina Hephaestus at ang iba pa sa isang exclusive restaurant na para lamang sa members ng G&A. Sadyang itinayo iyon para mapangalagaan ang pribado nilang buhay dahil sa naiiba sila sa lahat, ang pagiging iba na madalas nilang ikinukubli sa karamihan.
"The tournament in Archery Club will be start next week. You all should prepare yourselves with your bows and arrows." Napapangiting sambit ni Apollo sa mga ito.
"Open tournament pa naman. Diba kasabay iyon ng tournament ng Martial Arts Club?" Si Demeter.
"Yeah. Excited na ang team ko na mag-tournament. Nag-champion pa naman kami last year." Pagyayabang ni Hercules.
"Ikaw Hephaestus, balita ko namasyal ka kahapon. How are you with your female guest?" Inungkat ni Dionysus ang nangyari kahapon dahil wala roon ang binata.
"You had a female guest, bro?" Mabilis na bumulaga si Thea sa kinaroroonan ng mga ito nang marinig ang tungkol sa bagay na iyon. Papasok pa lang ito roon upang mag-almusal din kasama ang ibang mga binata.
"Yes. At hindi ka na mahal ng kapatid mo!" Si Apollo na ang sumagot. Sinisimulan na naman nitong mang-asar sa dalaga.
"Heh! Ako lang ang babae ni Kuya! Diba, Kuya?" Naglalambing na naman ito kapatid.
"Kumain ka na." Niyaya na lang ni Hephaestus ang kapatid imbes sagutin iyon.
"You should know how to cook, Thea. Sooner or later mag-aasawa na ang kapatid mo." Hindi pa rin tinantanan ni Apollo na asarin ang dalaga.
"Depende kung may magustuhan si Kuya pero for sure wala kahit madami diyan 'no!"
"Feeling ko, you like that woman, bro! She has a sense of humor. Natatawa nga kami kahapon noong mabasa ang laman ng isipan niya." Singit ni Achilles sa usapan ng mga ito.
"That’s too bad! Hindi niyo dapat ginagawa iyan sa mga mortal. Ang sasama ng mga ugali niyo," sita ni Zeus.
"Malaman iyan ng ama ko lagot na naman tayong lahat."
"We did not break the rules! Nagtataka lang kasi kami ang lakas ng hatak ng Inra ni...ano nga uli ang name niya?" Nagkukunwaring hindi matandaan ni Anchises ang pangalan ng dalaga.
"Michelle..." dugtong ni Hephaestus.
"Oh yeah, Michelle. She doesn't have an ability. Pero may kakaiba sa kanya na hindi ko maipaliwanag. Lakas ng hatak ng Inra niya sa mga katulad natin."
"I agree. Malakas ang hatak niya sa mga imortal tulad natin. That’s weird."
"Hmm. I want to meet her sooner! Na-curious tuloy ako," si Thea.
"Leave her alone, guys! Lalo ka na, Thea." Banta ni Hephaestus sa mga ito.
"Bakit kuya? You like her?"
"No!"
"I don't believe you! Then, why are you protecting her?"
"I'm not protecting her! Just leave her alone!"
"Thea, leave that woman alone! Doon ka nga makigulo sa mga kapatid namin." Nagsisimula na naman sila magbanggaan ng tingin ni Apollo.
"Bleeh!" Binelatan nito ang binata. "Alis na ako baka masapak ko iyang si Apollo!" Agad naman itong nawala sa paningin nila. Naglaho na lang ito gamit ang isang mahika. A vanishing spell.
"Aba't—— your sister!" Gigil at saka napakamot na lang ulo si Apollo.
"Chill lang bro, si Thea lang iyon." Si Anchises.
"Whatever." Napapailing na lang din si Apollo.
Ipinagpatuloy na lang nila ang pag-aalmusal. Bagamat hindi lingid sa mga ito ang kanilang kakayahan, may mga batas pa rin silang sinusunod ayon na rin sa ipinapatupad nila. At si Hephaestus, hindi pa rin nawawala sa isipan nito ang imahe ng dalaga mula nang makita nito ang profile na pinakita sa kanya ni Aphrodite noon. Hindi man maganda ang unang pagtatagpo nila, sisiguraduhin niyang sa susunod ay makikilala na niya ito ng lubusan. For whatever reasons? Kahit siya ay kabilang sa mga nilalang na may kakaibang kakayahan ay tila naguguluhan pa rin hanggang sa ngayon.
Ano nga ba ang mayroon sa dalaga?
Ano nga rin ang papel nito sa buhay niya?
Sa kabilang dako naman, natapos na ni Michelle ang pamamasyal kasama si Uzik Umerged ngunit nadismaya lang siya nang wala man lang siyang makitang kakaiba sa lalaki. Pinasuri na rin niya ang laman ng cellphone nito sa kaibigan at kasamahang si Po.
Mukhang may mali sa imbestigasyon ko. At isa pa nawala na lang bigla si Jho. Hindi ko na mahagilap! Matinik din iyong kaibigan ko na iyon ah! Saan na naman kaya siya? Nakalimutan ko lang siya kahapon iniwan na niya ako.
"Michelle!" Tawag ni Aphrodite di kalayuan.
Naglalakad-lakad siya nang mga sandaling iyon sa ibang parte ng lugar ng Green Valley saka may tumawag sa kanya na boses ng isang babae. Mabilis na lumingon siya sa kinaroroonan nito. She glanced on the woman with sunglasses while wearing a sexy dress. The woman slowly walked towards her. Her alluringly beauty, if not too much to say, can equal that of Aphrodite’s.
"Yes, ma'am?" Nakilala niya ang babaeng tumawag sa kanya. Si Dione Aphrodite.
"Ma'am, again? Dione Aphrodite, kahit alin sa dalawa." Ayaw talaga nitong magpatawag ng ma’am sa kanya.
"Sorry, Aphrodite. Hindi pa ako sanay. At saka hindi ba nakakahiya?"
"It's okay. Hindi naman kasi lahat ng tao napapayagan namin tumawag sa kakaiba naming pangalan. You’re lucky." Naglalakad sila ng mabagal at sinabayan niya ito.
"Ho? You mean, hindi talaga kayo nagpapatawag sa pangalan niyong kinuha pa sa Greek Mythology?"
"Yeah. Exactly! Mga espesyal na tao lang ang pwedeng tumawag sa amin ng ganoon."
"Ahh. You mean, espesyal ako?"
"Sort of. Siguro dahil guest ka ni Hephaestus kahapon," may ibig sabihin ang ngiti nito.
"Naku! Nagkakamali ka sa iniisip mo!" Depensa niya saka nagpaliwanag siya dito na walang labis at walang kulang sa nangyari kahapon. "Tapos iyon na ang nangyari. Hindi naman porket guest niya ako ganoon na agad ang iisipin!"
"Ahh. Defensive agad! I was wondering. Hephaestus won't give special treatment to our guests. He is a snob type of person. He did not even had any affair with other women. But he acts differently with you, Michelle. Only for you." Napatingin ng diretso si Aphrodite sa kanya.
Affair? "I'm not special. Nagkataon lang iyon Ms. A. Siguro dahil sa utos na rin ni Persius na i-tour ako kaya ganoon siya. Oo at suplado talaga siya. Hindi ko nga alam kung bakit ang laki na ng galit niya sa amin kahapon! Wala naman kaming ginagawang masama ng kaibigan ko!"
"Oh! Bagay pa naman kayo ni Hephaestus. And speaking of Persius, alam mo bang inaway siya ng friend mo kahapon?"
"What?!" Bulalas niya. "Bakit daw?"
"Yeah. Your friend, Jho. Hindi natuloy na ipasyal siya ni Persius dahil nag-init na ang dugo ng kaibigan mo. Muntik pa nga niyang upakan ito. Poor Persius. Nakatikim na naman ng kalupitan ng isang babae. Medyo, may pagka-amazona rin ang kaibigan mo. She’s tough."
"Oh my God! Kaya pala di ko na siya nakita pa. Inaway niya talaga si Persius? Naku, sana okay lang si Sir. Pasensiya na kayo sa friend ko, Aphrodite. Mapanakit lang iyon pero may kabaitang taglay ang isang iyon." Hindi niya alam kung anong paliwanag ang gagawin niya dahil kilala niya ang kaibigan. Her friend is nice, beautiful, kind-hearted, though she's not the soft-spoken type of woman. Jho, anong ginawa mo kay Persius? Patay tayo diyan! Baka binalibag mo na sa gitna ng lupaing ito ang lalaking iyon!
"Kumusta na ang pag-iimbestiga mo? May lead ka na?" Untag ni Aphrodite sa kanya habang nag-iisip siya.
"Sort of. Medyo nahihiwagaan ako sa anak ng mafiang ito Ms. A. Pero hindi naman ako tumitigil na makahanap ng lead sa kaso."
"Good. Pagbutihin mo lang. Don't worry, may mga ilang katulad mo rin na tumutulong sa kaso na iyan, nagmamasid at kung may ginagawa na itong hindi maganda saka lang sila kikilos."
"Ah, ganoon po ba." Kamote may iba rin pa lang gumagawa eh di sila na lang sana. Hindi pa ako nakaranas ng kalupitan ni Hepopotamus!
"Ano?" Napahinto si Aphrodite.
"Ho? Ah, wala po Ms. A. Bakit po?" Napahinto rin siya at nagtaka. Wala naman siyang sinasabing iba maliban sa naisip niya kani-kanina lang.
"Hay! Alam mo ang lakas ng hatak niyo sa amin. I really wondered." Anito sa kanya na hindi naman niya naintindihan kung bakit.
"What do you mean Ms. A?"
"Nothing." Ngumiti ito. "Oh siya mauna na ako. Bye!" Kumaway na lang ito saka nag-iwan ng matamis na ngiti at naglakad na palayo sa kanya.
"Ano raw iyon?" Naguguluhan niyang sabi. Ang weird. Wala naman akong sinabi kanina diba? Pero bakit parang nababasa niya ang nasa isipan ko? Saka kami ay may malakas ang hatak sa kanila? Na ano? Wow! Kailan pa ako naging attractive sa babae? At sinong 'kami' tinutukoy niya? Naku! Nahihiwagaan na ako sa mga tao rito.
Naalala ko na naman si Hephaestus. Isa rin iyong weird. Makahanap na nga ng pagkain, nagugutom na ako dahil kaunti lang kinain ko kanina. Hinimas niya ng bahagya ang sikmurang kumakalam na. Ano kaya ang masarap kainin? Hmmm? Bahala na basta mabusog lang— Natigil ang pag-iisip niyang iyon nang may sumigaw sa malayong bahagi mula sa kinaroroonan niya.
"Watch out!!"
"Huh?!"
Napalingon siya sa malawak na field kung saan may mga naglalaro ng baseball. Narinig niyang may sumigaw sa gawi roon ngunit huli na ng palapit na sa kanya ang maliit na bola. Kaunti na lang at sapul na ang noo niya nang biglang may humagip sa kanya. It's like a speed of light and...BOOM! Someone already embraced her and caught the ball in an instant, time just froze again! Everything happened so quick she almost didn’t realize what happened. She couldn't even speak immediately. She just stared at those eyes and no matter how much she wanted to escape his piercing gaze, there was no more chance to flee.
"Are you okay?" May pag-aalala ang tono ng boses nito.
Hindi siya umiimik. Those steel blue-grey eyes gazed on her as she glanced at him. Her heart started to beat so fast and felt like it was about to burst out of her chest because of their awkward situation.
"Huh? Ah. O-oo!" Tila nagbalik ang kanyang isipan sa totoong pangyayari. Mabilis rin siyang kumawala sa pagkakayakap nito sa kanya. "O-okay lang ako!" Bahagya rin siyang nanginig ngunit mabilis niyang itinago iyon.
"Muntik ka na. Ayos ka lang talaga?"
Mababanaag sa mukha ng lalaki ang labis na pag-aalala nito sa kanya.
"O-oo! K-kung hindi mo nasalo ang bolang iyan baka hindi na ako okay, sir!"
"Hephaestus!" Pagtatama nito sa pangalan.
"Hep— sir!" Nahiya siyang banggitin ang pangalan nito nang maalala niya ang sinabi ni Aphrodite na espesyal lang ang mga taong tumatawag sa kanila sa ganoong pangalan.
"Is it hard for you to speak my ancient name?"
"No sir!" Nakakunot ang noo ng binata noong hindi niya masabi ang pangalan nito kaya binawi niya iyon agad. "I mean—Hephaestus," naririnig na niya ang malakas na pagreregodon ng kanyang puso.
Mabilis ring may lumapit sa direksiyon nila na isang magandang babae na medyo may hawig ang mukha sa binata. Ang nakababata nitong kapatid na si Thea.
"Sorry! Natamaan ka ba, Miss?"
"Thea, you almost killed her!" Baling ng binata sa dalagang dinaluhan sila.
"Pwede bang dahan-dahan mo lang pagpalo sa bola?" Tila alam ng binata na sinasadya iyon ng kapatid.
"Hindi ko naman sinasadya, Kuya!"
"Whatever your reason is, Thea, you still tried to kill her." Matalim ang matang ipinukol nito sa kapatid.
"Ah, teka." Pigil niya sa namumuong tensiyon sa pagitan ng dalawa. "Okay lang ako. Huwag na kayong magtalo pa. Hindi naman ako nasaktan!" Pilit niyang pinapakita sa mga ito na maayos siya.
"Next time, Thea." Mariin ang salitang iyon ng binata na tila isang banta para sa kapatid saka nito ibinigay ang bola.
"You, woman! Let's go!" Muli nitong hinawakan ang kamay niya at hinila siya palayo sa lugar na iyon.
"Huh? B-bakit?" Napasulyap siya sa dalagang si Thea. Kumaway lang ito at ngumiti sa kanila habang inilalayo siya ng binata roon. "Teka Hep— saan tayo pupunta?" Nagugulumihanan siya.
"You're hungry, right?" Patuloy pa rin sila sa paglalakad at hindi man lang binibitawan ang kamay niyang mahigpit nitong hawak.
"Huh? How did you know that I’m starving?" Naguguluhan na naman siya sa binata.
"I know you are. Hinimas mo ang sikmura mo kanina bago ka kamuntikang matamaan ng bola. She's my sister. I am sorry for what she did." Ito na ang humingi ng paumanhin para sa kapatid.
So, kanina mo pa ako pinagmamasdan niyan? "Ah, I see. Oo, nagugutom nga talaga ako dahil kaunti lang kinain ko kaninang umaga."
She felt that awkward feeling again as he held her hand. It sent shivers through her spine. She never had a boyfriend before and this is the first time someone held her hand like this. Only Hephaestus can make her tremble and feel the butterflies in her stomach.
"Then, let's eat. I'll cook for you. Pambawi man lang sa ginawa ng kapatid ko."
"No." Mabilis na binawi niya ang kamay mula sa pagkakahawak ng binata. "K-kaya ko pa ang sarili ko. Thanks, anyway!" Nagmamadali niyang tinalikuran ito at naglakad pabalik ng resthouse.
Sorry, Hephaestus! Ayoko lang talaga haluan ng kakaibang feelings ang misyon ko na ito. Isa pa, matapos niya kaming pagsungitan ng kaibigan ko, heto siya mang-aalok ng pagkain. At ang nangyari kanina? Salamat pero hindi na kailangan. Kasalanan naman ng kapatid niya kaya hindi na siguro ako magpapasalamat sa pagsagip niya sa akin. At paano niya nagawang saluhin ang bola nang ganoon kabilis? Kanina pa ba siya sa gilid o likuran ko?
Nakapagtataka na talaga. Hindi ako nababahala sa misyon ko rito subalit nababahala ako sa mga ikinikilos nila. Weird!
Samantala, sa gawi ng binata ay nasundan na lang niya ng tingin ang dalagang papalayo. Narinig pa niya ang sentimiyento nito sa isipan. Naalala nito ang sinabi ng ina niya sa kanya. Hindi naman sila pinipigilang magmahal o magkaroon ng koneksiyon sa mga mortal basta siguraduhin lang na ang taong iyon ay nararapat para sa pagmamahal nila.
Napabuntong-hininga na lang itong bumalik sa pinaggalingan kanina. Hindi niya masisisi ang dalaga kung bakit aloof ito sa kanya ngayon dahil sa nangyari kahapon. Ngayon, nauunawaan na niyang kailangan niyang maging malapit rito upang malaman niya ang dahilan ng pagiging kakaiba nito sa lahat ng mga normal na nilalang.