Chapter 4 - Tour Guide

1504 Words
"Hop in!" Utos na naman ng lalaking iyon na walang ibang ginawa kundi ang pagsungitan siya ng bongga mula pa sa guests lounge hanggang pag-utusan ito ni Persius na ipasyal siya sa buong paligid. It wasn't her fault she got separated from the group of guests but she prefers to be with them. And the worst thing is, she has a tour guide alone. Relax lang! Hindi masisira ng lalaking ito ang diskarte ko. Nahiwalay pa ako kay Jho! "Hey!" Untag ng binata sa kanya. "I said, hop in!" His forehead wrinkled. Nyemas talaga! "Sasakay tayo diyan, Sir?" Sabay turo nito sa isang club cart. "What do you expect to ride? A horse? Or roam around using your own feet? Baka bukas ka pa makabalik," sarkastiko pa rin nitong tugon . Isa na lang talaga, jujumbagin na kita! "Stop thinking! You’re annoying me." Sita ulit ng binata habang hinihintay siyang sumampa sa minamaneho nitong club car. Inis na sumakay na lang siya sa club car na iyon kung saan ang binata mismo ang nagmamaneho para sa kanyang tour 'kuno'. Stop thinking! You’re annoying me! Ahh! Paulit-ulit iyong tumatak sa isipan niya. Ang laki ng kasalanan ko sa bruhildong ito at kung makapagsungit sa akin ay ibang level. Cannot be reached! Meron ka ba ngayon, kuya? "I said stop thinking," medyo mababa na ang tono ng boses nito habang nagsimula nang imaniobra ang kanilang sinsasakyan. "What do you mean, sir?" She asked in a calm voice as she turned to him. Gusto na niyang itanong dito kung nababasa nga ba nito ang nasa isipan niya dahil mula pa noong umpisa ay napapansin na niya iyon ngunit umaasa pa rin siya na hindi dahil imposibleng iyong mangyari. When her eyes met his gaze as they're sitting staring while each other, time froze. His eyes fluttered open, revealing steel blue-grey that were framed with thick long eyelashes. She was dead nervous, she did not know how scary and intimidating his eyes could be. Iniwas niya ang tingin sa binata na ilang segundo ring nakatitig dito at itinuon na lamang niya ang atensiyon sa buong paligid na higit pa yata sa paraiso. Kapag hindi pa niya iiwas ang tingin dito ay baka tuluyan na siyang malunod sa emosyong nararamdaman niya mula pa noong una niya itong nakita. There are different flowers around the place mostly tulips, hyacinth, daffodil and lily of the valley. No words can define how beautiful this place is. Whatever she conceives in her mind, napapaisip pa rin siya sa sinabi nito. Alam ba ng kumag na ito ang nasa isip ko? He is weird! Isinantabi niya ang pag-iisip sa lalaking iyon. Nag-concentrate siya sa pagmamasid sa paligid baka sakaling makita niya ang isang guest na kanina pa dapat niyang sundan. Kinuha niya ang cellphone sa bulsa ng sling bag na dala niya saka siya kumuha ng iilang shots sa buong paligid. Kumuha rin siya ng ilang video mula sa magandang tanawin na iyon. Mabuti na lang at summer sa London. "This place is full of different flowers and different clubs." Basag ng binata sa katahimikang namayani sa pagitan nila. "I see." Tanging tugon niya. Oo nga pala, muntik ko na siyang makalimutan. "Is this your first time being here?" Mahinang tanong ng binata sa kanya. "Yes." "Ah. You have business here or—— " "Tourism," tipid niyang sagot. Mainam na hindi muna siya magsabi ng dahilan niya at alam niyang confidential iyon kahit pa member ito ng Gods & Angels. Wala namang sinabing magkuwento, ang sabi lang ay kilalanin. At baka alam din naman ng mokong na ito ang pakay ko sa lugar na ito. "Okay. Gusto mo pa bang makita ang Center Valley?" Inalok siya nitong maglibot pa sa ibang bahagi. Mukhang nagsisimula na itong maging tour guide niya kahit hindi niya tinatanong sa binata. Saglit na napaisip siya kasi alam niyang hindi naman talaga paggagala ang pinunta niya roon. Nahagip ng tingin niya ang mga guests kanina sa lounge kasama ang kanilang tour guide at ang taong pakay niya na kanina pa hinahagilap ng kanyang paningin. "Ah, sir! Next time na lang. Ihinto mo na lang dito at sasabay na lang ako sa kanila. Baka makita ko ang kaibigan ko at para hindi na rin ako makaabala sa inyo." Ang totoo niyan ayaw niyang makasama pa ito ng matagal at baka hindi na siya makapagpigil sa damdamin niya. Inihinto ng binata ang club car na minamaneho. Saglit siya nitong pinagmasdan na tila pinag-aaralan nito ang kanyang sinasabi. Hindi na niya nahintay pa ang sasabihin nito at inunahan na niya. "Ahm. Thank you very much for your time, sir. Pasensiya na po sa istorbo. Have a nice day." Mabilis siyang bumaba roon at hindi na nilingon pa ang lalaki. Kahit papaano ay magalang pa rin siya rito kahit na sukdulan na ang kasungitang pinapakita nito sa kanya. Patakbo na sana siya nang bigla siyang tinawag ng binata. "Michelle..." He called her in a gentle voice. Kilala niya ako? Napaligon siya sa kinaroroonan nito. "Yes, sir?" "Call me Hephaestus and not sir!" He stared at her for a moment. Ewan ba niya at kaybilis ng pintig ng kanyang puso nang sandaling maglapat muli ang kanilang paningin. Maya-maya pa ay iniwas na nito ang tingin at minaniobra na ang club car palayo. Nasundan na lang niya ng tanaw ang papalayong binata. Haist! Kung hindi ka pa sana naging malupit sa akin eh di sana mahaba-haba pa ang pagsasama nating dalawa. Sayang, gwapo ka pa naman. Nuknukan ka lang ng kasungitan! Whatever! Back to reality. Napabuntong-hininga na lamang siya saka niya binalik ang sarili sa totoong kaganapan. Sakto lang ang dating niya at kakarating lang din pala ng shuttle na para sa mga guests. Sakto! Asan kaya ang kurimaw na Uzik Umerged na iyon? Hayun! Buti na lang tanda pa niya ang mukha nito. That guy is full-blooded German. He is tall, more or less 6 footer sa tantiya nya. Wew! 5'7 lang ako bes. Mukhang titingala na naman ako sa buwan nito. Infairness ah, pogi siya sa personal. I wondered if this guy is a son of a b***h mafia! Kailangan ko makalapit sa kanya. Buti nag-iisa siya. Buti na lang at abala ito sa pagkuha ng pictures kaya sinamantala niya ang pagkakataon. "Hi!" Binati niya ito saka sinabayan niya ng kaway. "You want me to take you some photos?" "Oh, Hi! Ahm, yeah. That would be awesome if you don’t mind. It’s really hard to take pictures on your own. Is it okay with you?" He grinned wide. Pa-cute si kuya! "Sure! It's my pleasure. I’m alone too." "Alright. Here's my phone." Ibinigay nito ang phone sa kanya. Maluwang ang pagkakangiti niya nang abutin iyon. "You can pose over there," turo niya sa isang pwesto kung saan makakakuha siya ng ilang shots. "Oh, right here? Is this good?" "Yeah! That's good!" Nagthumbs-up pa siya. Sinimulan niyang ituon ang cellphone camera sa lalaki at sinimulan na rin niyang kuhanan ito. Saglit na may ginawa siya sa cellphone nito upang ma-itransfer lahat ng mga naka-record na files, contacts, photos at iba pa. Huli ka ngayon mafiang balbon! "Okay sir, hold that pose! One, two, three!" Sabay click ng camera sa phone nito. "Another one sir! Sayang naman ang lugar ganda pa naman!" "Oo nga eh." Ngumiti itong muli. Saglit siyang natigilan. "Huh? Did you understand that, sir?" "Of course. I lived in the Philippines for five years kaya natuto ako," anitong slang pa rin ang pagsasalita ng tagalog. "Ah. Hehe. Nice one, sir. Take a pose again, sir. Kukuhanan pa kita ng maraming shots. Mamaya dito sa phone ko. For souvenirs only." "Yeah. No problem." No problem kang kurimaw ka! Sakto tapos na ang pagta-transfer ko ng mga data mula sa phone niya. Malalaman ko na ang lahat ng transaction niya at mga koneksiyon niya sa pagpapalaganap ng droga. Hindi na kayo nakakatuwa. Pati ba naman dito sa ibang bansa ay laganap pa rin ang droga? Hindi mo pwedeng dungisan ang paraisong lugar na ito! Habang kasama niya ito ay marami rin siyang nakuhang impormasyon tulad na lang ng dahilan kung bakit ito naroon. Nagpunta raw ito roon para sa turismo. At katulad niya ay nagliliwaliw rin sa lugar na matagal na rin nitong gustong puntahan. Madaldal ito at nagkukwento ng mga iilang mga lugar na napuntahan ng lalaki. Ni wala siyang makitang bahid na anumang kasamaan dito lalo pa at tumutulong rin ito sa mga mahihirap. Front lang niya ang pagiging matulungin pero ang totoo, isa siyang drug lord na walang alam kung hindi manira ng kinabukasan ng mga kabataan. Alam ko na iyan! Madalas ginagawa iyan ng mga taong gustong mapalaki ang kanilang koneksiyon sa mapanirang bawal na gamot na iyon! Tumutulong nga sa masama naman napupunta! Pambihira! Pagngingitngit ng kalooban niya. Masaya siyang umuwi sa tinutuluyan niya na may na-accomplish sa araw na iyon. At least hindi na mahirap sa kanya ang manmanan ito dahil bukod pa sa binigay ng lalaki ang contact number nito, niyaya pa siya nitong mamasyal sa susunod na araw.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD