Muling pumasok ang isang lalaki sa kinaroroonan nina Michelle at tantiya niya ay iyon ang nagngangalang Zarck. Nakangiti na naman ito sa kanila at tila may magandang ibabalita. "Kumusta kayo?" tanong nito sa kanila. "Mabuti kami," tugon ni Andromeda. "Kinausap na namin si Zifir at pinalabas naming suportado pa rin namin siya. Kailangan lang magpanggap kayo na hindi niyo alam ang nangyayari. Andromeda, isama mo ang isa sa kanila at ang isa ay sasama na kay Zifir." Humarap sa kanila si Andromeda. "Tulad ng napagkasunduan ay sasama si Jho sa akin. Ikaw naman Mitch ay kukunin ni Zifir dito. Alam mo na ang nasa plano." "O-oo," sabay tango niya. "Tayo na, Jho." Sumulyap si Jho sa kanya. "Mag-ingat ka," sabay niyakap siya nito. "Salamat," napahigpit din siya ng yakap dito. Maya-may

