Nagtipon-tipon ang lahat ng mga White Casters na nasa matataas na antas sa Root Valley at pinaghahandaan ang digmaang mangyayari bukas ng kabilugan ng buwan. Si Zeus ang namumuno sa mga pagpaplanong ito. "The red spots are the places where Zifir's battalion where coming from," tinuturo ni Zeus ang mga lugar sa malaking mapang nakalatag sa malaking mesa. "May labing-isa ang mga red spots na sumisimbolo sa ating mga White Gods. Ito ang gusto niyang mangyari na isa-isa tayong pabagsakin." "Huwag siyang pakakasiguro at baka siya ang mahulog sa mga kamay natin. Can't wait to smash," gigil na wika ni Ares. Tinapik naman ito ni Achilles. "Ayan ka na naman, bro. Isipin mo na bihag nila ang tatlong carrier. Kahit bihag na rin natin ang nagpapanggap na mga carrier ay wala silang pakialam dito."

