Walang nagawa ang grupo ni Mitch kundi ang sumunod sa mga hindi nila kauri. Naisip din nilang buhay nila ang iniingatan ng mga ito. Habang nagliligpit sila upang lisanin ang hotel at tumungo ng Olympus Palace ay may biglang kumatok sa pintuan ng kwarto nila. "Ako na ang magbubukas," presenta niya. Tinungo niya ang pintuan at umaasa siyang ang mga IIA na ito na susundo sa kanila at magdadala roon. Pinihit niya ang doorknob saka niya binuksan ito ng maluwang. Bumungad sa kanya ang tatlong matitipunong kalalakihan na may suot na halos puting damit at may mga puting buhok. Magaganda ang mga mata nito at nakangiti sa kanya ang nauna. "Hi! Kami ang inatasan na susundo sa inyo papuntang Olympus. Are you ready?" Tumango siya. "Ah, oo. Pasok po kayo." Pinapasok niya ang tatlo at sakto naman

