Kinabukasan, walang sinayang na oras sina Mitch upang tukuyin ang halimaw na si Zifir sa Green Valley. Ayon kay Anchises, nagpapanggap na isang business tycoon ito na nasa mid thirties at nagpagala-gala sa lugar. Hinihintay lang nila ang eksaktong profile ng halimaw bago nila sundan. Ang tatlong carrier naman ay naghiwa-hiwalay upang magmatyag sa paligid. Deja vu! Ganito rin ako kay Uzik noon. Hay, pambihira! Nasa Center Valley si Mitch at pasimpleng sumisipsip ng ice mocha large size at normal na naglalakad. Naka-sumbrero siya na kulay puti, maong pants, at sleeveless. Naka-sunglasses din siya para magmukhang totoong bakasyunista siya sa lugar. May bluetooth siya sa tenga na siyang maging daan ng pag-uusap nila ng mga kaibigan. Gamit ang anyo ng isang sikat na artista ay malaya siyang

