Na-divert sina Mitch kasama ang dalawang kaibigan at napunta sa isang lilim ng malaking puno. Mabuti na lamang at mangilan-ngilan lang ang taong nagdaraan roon at hindi naman sila napansin. "Huh? N-nasaan na tayo?" Inilibot niya ang tingin sa buong paligid. "Teka..." Kagyat na may naalala siyang pamilyar sa mga nakapaligid sa kanila. "Ito na ang..." "Tama," inilibot ni Jho ang paningin sa paligid. "This is the Green Valley. Naalala ko na rin ngayon ang nangyari sa atin sa lugar na ito." "Natatandaan ko ang mga sinabi ng mahiwagang salamin pero nakalimutan ko na kung paano tayo nakarating doon," nagtataka rin si Khorie. "Kasama iyan sa sinabi niyang wala tayong matatandaan. Hindi bale. Ang mahalaga ay nalaman nating nilinlang tayo ni Zifir. Kailangan nating gumawa ng plano. Jho, may na

