Nagmamadali ako sa pagkilos dahil alam kong mainipin si Kelly. Humarap ako sa malaking salamin habang tinitingnan nang mabuti ang aking suot. Kulay puti iyong bistida. Nagmukha akong anghel sa suot ko kahit sa totoo lang ay may sa demonyo ang aking ugali.
“Gail Ericka ang tagal-tagal mo diyang bata ka!”Rinig kong sigaw ni mama sa labas ng pintuan. Napasimangot ako, nakakahiya kapag narinig 'yon ni Kelly.
“Teka ma, 'wag ka namang magsisigaw. Nakakahiya kaya.”Sabi ko habang inaayos ang buhok ko. Napangiti ako ng makontento sa ayos ko. Lumabas ako habang nakakagat labi. Hindi ko alam kong bakit ako kinakabahan.
“Aba, saan ang lakad mo? Ayos na ayos ah.”
Napapitlag ako dahil sa boses na iyon. Hindi pa pala umaalis si mama, nasa gilid lang siya nakatayo habang nakataas ang kilay sa'kin.
“Mama naman ih, diyan ka na nga.”Napairap ako at nagsimulang maglakad.
“Aba'y ikaw na bata ka! Tinatanong pa kita, jusko.”Rinig ko pang daldal ni mama kaya napailing na lamang ako.
Sa sala'y nadatnan kong nakaupo si Kelly. Nakatabing ang maikli nitong buhok sa makinis nitong mukha. Nang maramdaman sigurong may nakatingin sa kaniya ay napalinga-linga ito hanggang sa tumigil ang mga mata nito sa'kin. Bahagyang napaawang ang labi nito saka umiwas ng tingin.
"Elle, b-bakit? Naparito ka?”Utal na tanong ko habang nasa likod ang mga kamay, kasalukuyan kong kinukurot ang sarili dahil sa kaba.
“Ayos ka lang ba?”Seryosong tanong nito habang nakatitig sa'kin. Napabuntong hininga ako ng malalim bago ngumiti ng pilit.
“Hehehe, oo n-naman bakit?”
“Namumula ka kasi.”Sabi nito kaya mas lalong uminit ang pisngi ko.
“Nako, ang init kasi.”Pagdadahilan ko. Napasinghap lang ako ng maramdaman ko ang kamay nito sa balikat ko.
“T-teka, K-kelly.”
“Relax, Gail. Llalagyan lang kita ng towel sa likod para 'di ka pawisan.”Mahinang sabi nito sa bandang tenga ko kaya nagtayuan ang mga balahibo ko sa katawan. Ano bang ginagawa niya? Hindi naman siguro mangyayari 'yong sa panaginip ko diba?
“Hmnn, ang bango mo.”Bulong nito habang sinisinghot ang leeg ko.
“T-teka.. Teka nga.”Alma ko sabay tayo. Napaatras ito habang nakatingin sa'kin. Napaiwas ako ng tingin. Ang lalim nito kong tumitig, hindi ko kaya.
“Ano bang sadya mo?”Diretsong tanong ko.
“Magpapaturo sana ako sa Bio.”Sabi nito kaya napakunot ang noo ko.
“H-ha? Magaling ka doon ah, bakit ka magpapaturo sa'kin?”
“Gusto ko lang magpaturo, hindi ba pwede?”Seryosong tanong nito. Napakagat labi ako.
“S-syempre a-ano, p-pwede.”Mahinang sagot ko. Hindi ko alam kong bakit hindi ako mapakali.
“Saan ba tayo?”Tanong ko habang nakayuko.
“Sa kwarto mo.”Sabi nito kaya napalunok ako. Hindi ako kakabahan, hindi, hindi..
PERO BAKIT MUNA SA KWARTO?
~❤️