Kabanata 2

372 Words
“Saan ba tayo?”Tanong ko habang nakayuko. “Sa kwarto mo.”Sabi nito kaya napalunok ako. Hindi ako kakabahan, hindi, hindi.. PERO BAKIT MUNA SA KWARTO? Napalunok ako. Sunod-sunod. “A-ahh ehh k-kasi E-elle ano ih.”Utal ako dahil sa kaba kaya kinakagat ko ang dila ko ng mariin. Naramdaman ko ang kamay ni Kelly sa balikat ko. Napaangat ako ng tingin dito. “Hey are you okay? Did i make you feel uncomfortable?”Tanong nito. Halata sa boses nito ang pag-aalala kaya napangiti ako ng pagak. Lumayo ako ng konti bago nagsalita. “Ano ka ba E-elle. Bakit naman hindi ako magiging komportable. Halos 2 years na kitang kaibigan tapos maiilang pa ko sa'yo.”Sabi ko habang pilit na tumatawa. Napatigil lang ako ng makitang seryoso pa din ang mukha nito. Nakatitig sa mukha ko. “H-hoy, a-ano ka ba. Nakakatakot ka naman eh.”Iniiwasan ko ang mata nito habang nagsasalita. “Tara. May pupuntahan tayo.”Sabi nito saba'y hila sa kamay ko. “Teka, akala ko ba magpapaturo ka.”Alma ko ngunit hinigpitan lamang nito ang pagkakahawak sa pulsuhan ko. "Sumunod ka nalang. Akong bahala sa'yo.” Bumilis ang t***k ng puso ko dahil sa narinig. Ano ba 'tong ikinikilos niya? Ang hirap pa naman umasa. Nakarating kami sa zoo. Hindi ko alam kong bored lang ba siya or what. Nagtataka kasi ako kong bakit dito niya 'ko dinala sa dinami-dami na pwede puntahan. "Anong gagawin natin dito?" Bulong ko habang nakatingin sa leeg nito. Ang kinis kasi. 'Parang ang sarap singhutin, dilaan' 'Ay omg, ang harot Gail!' "Hey Earth to Gail Ericka!" Kuha nito sa atensiyon ko. Bahagyang nakakunot ang noo nito. Nakatingin sa'kin nang seryoso. "Do you have a problem?" Seryoso nitong tanong kaya napakunot noo na din ako. "Nako, wala ah. Ano ngang gagawin natin dito?" "Mamamasyal." Kaswal nito sagot saka ako hinila sa mga unggoy. Napanguso ako. "Tingnan mo, mukha ka ng unggoy dahil nakanguso ka diyan." Bulong nito sa tenga ko kaya agad akong lumayo. " A-ano ba" Utal na sabi ko habang umiiwas. Bumibilis kasi 'yong t***k nang puso ko. Mabilis. Hindi ko mahabol at ayokong isipin kong ano ang kahulugan nito. ~❤️
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD