Simula ng araw na iyon ay palagi ko nang nahuhuling nakatingin sa'kin si Kelly. I mean magkatabi lang kami sa upuan, kaya ramdam ko sa peripheral vision ko ang lantarang pagtingin niya sa'kin. Hindi ako komportable syempre. Tinatanong ko siya kong may problema ngunit iiling lang ito nang seryoso saka titingnan ang buong mukha ko. Sa huli'y napapayuko ako upang itago ang pag-iinit noon.
"Hoy Ericka." Sabi ng isang boses na nakakairita sa pandinig ko. Tinawag akong Ericka? Kingina nito.
"Damn you, layas." Gigil na bulong ko. Ang ayaw ko kasi sa lahat ang tinatawag ako sa pangalawang pangalan ko, at alam niya 'yon ngunit hindi ko alam kong bakit patuloy niya pa ding sinasabi.
"Sungit mo, miss you babe." Bulong nito habang nakangisi. Nais kong masuka sa kakornihan ng lalaking 'to.
"Eww, Sean." Nakakunot ang noo ko habang umaarteng nasusuka. Nakakadiri naman talaga siya. Pagkatapos niya makipandian sa mga flings niya lalapit siya sa'kin?
"Akala ko ba mahal mo 'ko." Sabi nito habang nagkukunwaring malungkot. Napatirik ang mata ko dahil sa inis. Nakakairita.
"Umalis ka sa harap ko, Adulfo." Seryosong sabi ko. Biglang nanlaki ang mata nito sa itinawag ko sa kaniya.
"Hey, that's a foul." Walang ngiting sabi nito. Inis na ipinalibot nito ang mata dahil nakikinig din ang iba naming classmate. Kinikilig ang mga ito kaya mas lalo akong nairita.
"Layas na sabi." Urat ha sabi ko habang inaayos ang mga gamit. Isang linggo na din mahigit simula nang guluhin ni Sean ang tahimik kong buhay. Para siyang aso kong sumunod sa'kin. Hindi lang siya makalapit kapag nasa paligid si Kelly. Ewan ko ba, pero minsan parang takot 'tong si Sean sa kaibigan kong 'yon. Hindi ko lang alam kong bakit.
"Paano kong ayo-"
"Alis." Putol ng isang seryosong boses sa sinasabi nito. Bumilis ang t***k ng puso ko bago sulyapan ang seryosong si Kelly. Napasulyap ako sa suot nitong croptop na pinatungan ng leather jacket at leather pants sa baba. Napalunok ako dahil doon.
'Ang sexy niya.'
"Ginugulo ka na naman ba nito, Gail?" Seryosong tanong nito habang nakatitig ng matalim kay Sean. Napahugot ako ng hininga bago tumayo at hawakan si Kelly sa kamay.
"Hey calm down Elle. Ayos lang ako." Sabi ko saka bumaling kay Sean. Sinenyasan ko ito na umalis na bago pa sila magsabong dalawa. Napabuntong hininga ko bago ito binitiwan. Napalingon lang ako dito ng hawakan nito ang kamay ko. Mabilis ako nitong hinila sa kong saan.
'Saan na naman ba 'ko dadalhin ng babaeng 'to'
Tumigil kami sa kotse niya. Pinagbuksan niya ko ng pinto. Tuliro man dahil sa hilo ay agad akong pumasok doon. Tinted iyon at kaya namangha ako. Maya-maya pa'y pumasok si Elly na seryoso pa din.
"Woy, ayos ka lang ba? Kalma na." Sabi ko dito. Nag-alala ko baka atakehin siya dahil sa stress.
"Bakit ba kasi lapit sa'yo nang lapit 'yong lalaking 'yon? Gusto mo ba siya?" Tanong nito. Napakunot noo ako dahil mukhang inis ito. Napangisi ako.
"Selos ka?" Asar ko dito pero inirapan lang ako nito.
"Woy, Elle. Hindi ko 'yon gusto okay." Sabi ko habang tinutusok ang tagiliran nito. May kiliti kasi siya doon.
"Hey stop it. Baka hindi ko mapigil ang sarili ko." Seryosong sabi nito. Bumilis na naman 'yong kabog nang puso ko ng makitang nakatingin ito sa labi ko. Agad akong napayuko.
'Ano 'yon? Ano bang sinasabi niya?! Nakakabaliw.'
"Gail." Tawag nito sa'kin. Napatingin ako dito. Namumungay ang mata nito habang nakatingin ng diretso sa nga mata ko. Lalong bumilis ang t***k ng puso ko sa tingin na ipinapakita niya.
"I want to tell you something." Sabi nito kaya napakagat labi ako. Doon napunta ang mata niya kaya huminga ito ng malalim.
"Damn, I can't wait any longer." Bulong nito bago ako siniil ng halik. Napahawak ako sa balikat nito habang nanlalaki ang nga mata.
~❤️
Salamat sa pagbabasa! Appreciated:>