TULALA akong naglalakad kasama ang mga kaibigan ko sa mall. Hindi ko parin lubos maisip na kinuha ni Radzkier ang FIRST KISS ko!
Nang iwan niya ako kanina sa loob ng kwarto ay halos magsisisigaw ako kanina dahil sa inis. Hindi ko alam kung ilang oras akong natulala sa loob.
“Hooyy Safira! Alam naming lutang ka pero wag naman ngayon! Namamasyal tayo o. Enjoy the moment! Hello?!” Masungit na sabi sa akin ni Anthon nang mapansin niyang nakasunod lang ako sa kanila.
“Ano na naman bang iniisip mo? Ha? Mukhang napapadalas na yang pagiging tuleleng mo!” Sabat naman ni Vince.
Ewan ko ba. Simula rin nang lumipat kami ng bahay ni Mama ay kung anu ano na ang naiisip ko at natutulala na ako lagi. May engkanto yata sa loob ng Mansion ng mga Lopez kaya ganoon ang ugali ni Radzkier at Riva. May mga saltik! Kaya ganito ako ngayon.
Ngumiti nalang ako sa mga ito at sumabay sa kanila sa paglalakad.
“Wait! Si Cairo Fabian ba yon??” Gulat na tanong ni Rita sa amin at pati ako ay napatingin din sa tinuro ni Rita.
“Ayy! Shuta ka! Siya nga!” Sabi naman ni Vince.
‘Kilala nila si Cairo? Paano?’ Tanong ko sa isip.
“Ang gwapo talaga ni Papa Cairo! Grabe!” Sambit naman ni Anthon.
“Tara! Papicture tayo!” Sabi ni Rita na halatang excited.
“Sikat ba yan?” Tanong ko sa kanila at sabay-sabay pa silang tumingin sa akin.
“Hoy Safira! Saang lupalop ka ba ng mundo nakatira at hindi mo kilala si Cairo?? Siya lang naman ang isa sa pinakasikat na Piloto sa bansa at ang pamilya nila ang may-ari ng Fab Airlines!” Sabi naman ni Vince sa akin at tiningnan pa ako ng masama.
Pagkasabi ng mga iyon ni Vince ay unti unting nagflashback sa utak ko ang sinabi ni Rayver noong unang nakasabay ko sila sa dinner.
Bakit ko nga ba nakalimutan?
“Dito nalang ako. Hintayin ko kayo dito.” Dahilan ko sa kanila dahil ayokong lumapit dito. Nahihiya ako sa ginawa ko sa party niya! Tsaka sabi nga ni Radzkier diba? Wag na wag kong kakausapin si Cairo.
“Napaka KJ mo talaga! O siya! Kung ayaw mong magpapicture e kami nalang ang kunan mo ng litrato!” Sabi naman ni Anthon at pilit akong hinila ng mga ito palapit sa kinaroroonan ni Cairo.
May mga nagpapapicture pa rito kaya hinintay muna naming umalis ang iba.
At nang sila na ang magpapapicture ay tinuro pa nila ang gawi ko para dito tumingin si Cairo. Halos ipantakip ko ang cellphone sa mukha ko para lang hindi ako makilala nito.
“Hoy Sapphire! Magbilang ka naman!” Sigaw ni Vince sa akin kaya natawa pa ang ibang tao. Nakita kong pilit na sinisilip ni Cairo ang mukha ko kaya mas lalo ko pang inilapit ang mukha ko sa cellphone.
Sinunod ko naman ang mga ito at sumenyas nalang ako ng ‘Ok’ na hindi parin nilalayo ang cellphone sa aking mukha at mabilis akong tumalikod at naglakad palayo sa mga ito. Tinatawag pa ako ng mga ito ngunit hindi na ako lumingon pa.
Mabuti nalang at dinumog uli ito ng mga kababaihan kaya sumunod na rin sa akin ang tatlo.
Hapon na nang makauwi ako ng bahay at mabilis akong umakyat ng kwarto nang makita kong walang tao sa sala.
Pagkababa ko ng bag ko ay hinubad ko na rin ang sapatos ko. Nagsuot naman ako ng tsinelas saka bumaba sa kusina dahil nauuhaw ako. Maaga pa naman kaya hindi pa bababa sila Tito Mon para kumain.
Kumuha ako ng bottled water at ininom ito agad habang nasa tapat parin ako ng nakabukas na ref. Nakaramdam ako ng ginhawa nang maubos ko ito at nang akmang isasara ko na ito ay nagulat ako dahil may pumigil na kamay sa mga braso ko.
Nang lingunin ko ito ay halos mahalikan ko na ang pisngi nito kaya mabilis akong umatras pero wala na akong aatrasan pa dahil tumama ang likod ko sa nakabukas na refrigerator.
“A-anong ginagawa mo??” Tanong ko dito at tila may sinisilip ito sa likuran ko.
Nagulat ako nang mas lalo pa niyang ilapit ang mukha niya sa akin at napapikit nalang ako. Hinihintay kong may gawin ito sa akin pero nagtaka ako nang wala paring dumadapong kung ano sa mukha ko.
Napamulat ako ng mata at nakita kong umiinom na ito ng tubig habang nakatingin sa akin.
Sinamaan ko ito ng tingin at saka padabog na sinara ang ref.
“Expecting for a part two huh?” Sabi pa nito nang daanan ko ito. Liningon ko naman ito at nakita kong nakangisi ito.
“Part two mo mukha mo! Bakla!!” Sabi ko dito at tinalikuran ito. Nakita kong nawala ang ngisi nito kaya mabilis akong naglakad paakyat ng hagdan at nagtungo sa pinto ng kwarto ko.
Agad kong binuksan ang pinto ng kwarto ko at pumasok. Isasara ko na sana ito nang may kamay na humarang dito. Nang mag-angat ako ng tingin ay halos mamilog ang mga mata ko at pwersahan kong tinulak pasara ang pinto. Para kaming mga batang nagtutulakan sa pinto.
Pero mas malakas ito kaya naitulak niya ang pinto at tuluyan na itong nakapasok sa loob ng kwarto ko.
Dahan-dahan niyang sinara ang pinto at napalunok pa ako nang marinig kong nilock niya ito.
“Anong ginagawa mo dito? Diyan ka lang. Wag kang lalapit.” Sabi ko dito saka umatras.
“What? Are you scared? Don’t worry. Bakla ako, kaya wala akong gagawing masama sayo.” Nakangiting sabi pa nito sa akin na ngayon ko lang nakita simula nang dumating ako dito.
“Bakit naman ako matatakot? Hindi ako natatakot sayo!”
“E bakit ka umaatras?”
“Pwede ba Radzkier! Lumabas ka na!” Sabi ko nalang dito dahil wala akong maisagot sa tanong niya.
“Lalabas ako.. Pero gusto ko muna ng part 2.” Nakangising sabi nito kaya mas lalo pa akong kinilabutan.
“Sige! Gawin mo! Isusumbong kita kay Tito o kaya sa jowa mo!”
“Kaya mo?” Nanghahamon na sabi nito.
“Oo naman! Try me!” Sabi ko dito at nilabanan ko ang mga titig niya.
“Gusto mong subukan kita?” Tanong nito at ngumiti pa ito ng nakakaloko.
“Ugh! Radzkier! Get out!” Sigaw ko rito dahil nawawalan na rin ako ng pasensya sa kanya.
Nagulat ako nang mabilis itong lumapit sa akin at bigla nalang akong hinalikan sa labi. Sa pangalawang pagkakataon!
Hindi agad ako nakakilos nang humiwalay ito sa akin.
“Sssh. Quiet.. Dad might come here.” Sabi pa nito sa pagitan ng mga labi namin. Saka niya uli ako hinalikan sa labi.
Para akong estatwang nakatayo lang at hinahayaan itong gawin ang gusto niya. Hindi gumagana ang isip ko kung anong gagawin. Gusto ko itong itulak ngunit ayaw ng katawan ko at tila nagugustuhan nito ang mga halik ni Radzkier.
Nang ipapasok na sana nito ang dila sa loob ng labi ko ay bigla kaming nakarinig ng katok mula sa labas ng kwarto at mabilis kaming naghiwalay na dalawa.
Agad siyang pumasok sa loob ng banyo ko at ako naman ay lumapit sa pinto para buksan ito.
Nang buksan ko ito ay bumungad sa akin si Nana Ines at para akong nakahinga ng maluwag.
“Nana Ines, kayo po pala.” Sabi ko rito at ngumiti naman ito sa akin.
“Ayos ka lang ba iha? Namumutla ka.”
“Ayos lang ho a-ako. Galing po kasi ako sa labas kanina, mainit po.” Palusot ko rito.
“Ganoon ba? O siya bumaba ka na at kakain na kayo ng hapunan.” Sabi nito at tumango naman ako. Isasara ko na sana ang pinto nang magsalita uli ito.
“Iha? Nakita mo ba si Radzkier? Wala kasi ito sa kwarto niya. Hindi naman iyon lumabas.” Sabi nito at mas lalo pa akong kinabahan.
“Hindi po e. A-ah b-baka nandyan lang ho sa tabi tabi nagpapahangin.” Sabi ko nalang dito para hindi na ito magtanong pa. Tumango lang ito at ngumiti saka umalis. Mabilis ko namang sinara ang pinto at nakahinga ng maluwag nang marinig ko ang yabag nito palayo.
Bumalik naman ang mabilis na t***k ng puso ko nang makita kong lumabas ng banyo ko si Radzkier at may hawak na bra.
Halos takbuhin ko ito at pilit na inaabot ang hawak niya.
“Amin na yan!” Sabi ko dito pero mas lalo pa niyang itinaas ang kamay niya. Matangkad kasi ito kaya hindi ko ito maabot.
“Amin na yan sabi!” Inis na sabi ko rito pero hindi parin ito natinag. Nagulat ako nang halikan uli niya ako sa labi but this time tinulak ko na siya.
“Nakakarami ka na ha! Kinuha mo na nga ang first kiss ko! Wlaang hiya ka!”
“Wow! Really? Congratulations!” Nanunuksong sabi nito. “Ayaw mo non? Bakla ang first kiss mo?” Dagdag pa nito kaya mas lalo akong nainis.
“I hate you!” Sabi ko dito at ramdam kong namumula na ako sa inis.
Tinawanan lang niya ako saka binigay sa akin ang bra ko na kinuha niya sa loob ng banyo.
“Oh, sayo na. Hindi naman malaki.” Sabi pa nito at tiningnan pa ang bandang dibdib ko bago umalis.
Namimilog ang mga mata kong tumingin dito dahil sa sinabi nito saka ako mabilis na naglakad palapit sa kama at dumampot ng unan saka ibinato rito pero mabilis itong nakalabas kaya sa likod ng pinto ito tumama.
Napabuga nalang ako ng marahas at pilit na pinakalma ang sarili bago bumaba sa dinning area.