“SAPPHIRE, tawag ka ni Sir Bryle.” Sabi ni Kate habang naghuhugas ako sa kusina. Lumingon ako dito at mabilis akong naghugas ng kamay.
“Bakit daw?” Tanong ko dito habang nagpupunas ako ng kamay sa apron na suot ko ngayon.
“Ililipat ka yata ng trabaho. Nagresign na kasi si Melissa. Hindi ako sigurado e puntahan mo nalang si Sir Bryle.” Sabi nito sakin kaya tumango nalang ako.
Mabilis akong naglakad papunta sa office ni Sir Bryle at huminga muna ako ng malalim saka kumatok sa pintuan ng opisina nito.
Nang marinig ko ang boses nito ay saka ko lamang binuksan ang pinto.
“Sir? Tawag niyo raw po ako?” Sabi ko dito saka ako pumasok sa opisina nito.
“Yes, Sapphire. Kailangan kitang ilipat. Simula bukas sa dinning area ka na as waitress.” Walang paliguy ligoy na sabi nito.
Napabuntong hininga nalang ako at tumango dito. Kahit ayaw ko ay wala naman akong magagawa dahil ito ang boss.
May mga sinabi pa ito sa akin bago ako nito pinalabas ng opisina.
Magaadjust na naman ako nito.
Nang umuwi ako sa bahay ng mga Lopez ay nagtaka ako dahil sa ingay na naririnig ko sa loob. Nasa labas palang ako ay naririnig ko na ang tawanan ng mga tao saktong alas siete palang ng gabi nang makauwi ako.
“Aaaww thank you tita mommy!” Rinig kong sabi ni Riva at sa tingin ko ay si Mama ang kausap nito. Mukhang nagkakasundo si Mama at Riva. Hindi ko rin naman masisisi si Riva dahil sanggol palang ito nang mamatay ang mommy niya at hindi na naranasan ang magkaroon ng ina.
Sumilip muna ako sa pinto at mukhang hindi nila ako napansin. Doon ay malaya ko silang napagmasdang lahat. Masaya silang naguusap usap habang isa isang binibigay nila Mama at Tito Mon ang mga pasalubong nila galing Japan sa apat na magkakapatid.
Dumating na pala sila. Hindi man lang nagsabi sa akin di Mama. Pilit kong pinapasigla ang nararamdaman kong inggit at selos sa nakikita ko ngayon. Umatras ako at dumaan sa likod para hindi nila ako mapansin pero nakita parin ako ni Tito Mon.
“Sapphire! Come here, iha.” Sabi nito sa akin at napatigil silang lahat at sabay-sabay na lumingon sa akin.
“Sapphire, kauuwi mo lang?” Tanong naman sakin ni Mama.
“Kanina pa po. Akyat na po ako, pagod kasi ako.” Sabi ko nalang sa mga ito at nagtuluy tuloy na ako sa pag-akyat. Wala na akong narinig na pagtutol sa sa mga ito at doon ako lalong mas nainis. Mabuti nalang din at kumain na ako sa restaurant kanina kaya hindi ko na kailangang bumaba para makisalo sa mga ito.
Pagkasarang pagkasara ko ng pinto ng kwarto ay mabilis akong pumasok ng banyo at nagtanggal ng damit saka pumasok sa shower at mabilis na naligo saka nagpatuyo ng buhok.
Ilang minuto rin akong nakaupo sa tapat ng vanity mirror nang may pumasok sa kwarto at napalingon ako sa pinto.
“Anak? Pwede ba tayong mag-usap?” Tanong sakin ni Mama nang makapasok ito ng kwarto.
Tiningnan ko lamang ito at saka ko tinuloy ang pagpahid ng lotion sa aking katawan.
“May problema ba?” Tanong nito uli nang hindi ako umiimik.
“Wala naman.” Tanging sagot ko lang dito.
“Bakit ganyan ang inaakto mo?”
“Pagod lang ako.” Walang kagana ganang sagot ko rito.
“Hindi dapat ganon ang ipinakita mo kanina sa harap ng Tito Mon mo at sa mga anak niya.”
“Paano ba dapat?” Tanong ko dito.
“Sapphire. Wag kang bastos. Kinakausap kita ng maayos.” Medyo mataas na ang boses nito pero tiningnan ko lamang ito.
“Hindi ko alam kung bakit ka nagkakaganyan. Hindi ka nagsasabi sa akin!” Galit na sabi nito pero may halo ng pagaalala sa boses nito.
“Ma, pagod lang ako, kung wala na kayong sasabihin ay matutulog na ako.” Sabi ko rito at umakyat na ako ng higaan.
“H-hindi mo ba ako namiss?” Tanong nito at pilit ang ngiting binigay nito sa akin.
“Namiss. Ikaw ma? Namiss mo ba ako? Ni minsan ba sumagi ako sa isip mo noong nasa Japan ka?” Puno ng sarkasmo ang boses ko nang tanungin ito.
Natahimik ito bigla at gulat ang nakita ko sa mukha nito nang tanungin ko rin ito. “O-oo naman.” Sagot nito sa akin saka ngumiti.
“Mm.. okay! Good night ma.” Sabi ko nalang dito saka ako humiga sa kama at nagtalukbong. Narinig ko nalang ang mga yabag nitong palabas ng pinto at ito na mismo ang nagpatay ng ilaw sa loob ng kwarto ko.
Hindi ko naman napigilan ang mga luha ko nang masiguro kong wala na ito sa loob ng silid.
Kinaumagahan ay maaga akong bumaba sa kusina para kumain ng almusal dahil may lakad kami ngayon nila Vince. Sabado kasi ngayon kaya napagplanuhan naming mamasyal ngayon sa bagong bukas na mall na malapit sa school. Ayaw ko rin kasing makita sng mga tao sa bahay.
Nagsuot lamang ako ng oversized shirt at ni’tuck-in ko sa loob ng highwaist sexy short ko saka puting sneakers sa paa. Korean Style na outfit ang peg ko ngayon. Hindi na ako nagpaalam pa kila mama at lumabas na ng silid.
Saktong paglabas ko ng pinto ng kwarto ay nakita ko naman si Radzkier sa pasilyo. Hindi ako napansin nito dahil tutok na tutok ito sa cellphone niya. Halatang kagagaling lang nito sa labas na nagjogging dahil sa suot nito at pawisan niyang katawan. Pero mukhang mabango parin ito.
‘Ganito rin kaya siya pagpawisan sa kama?’ Tanong ko sa isip at pati ako ay napasinghap sa naisip. Kahit wala pa akong karanasan ay kung anu ano na ang naiisip ko simula nang makilala ko ito.
Pinilig ko nalang ang ulo ko at nagtuluy-tuloy sa paglalakad.
Dadaanan ko na sana ito at magpapanggap na walang nakita nang higitin nito ang braso ko at pati ako ay nagulat sa ginawa nito.
“B-bakit?” Utal na tanong ko dito.
“Where are you going?” Tanong nito at pakiramdam ko ay lalabas ang puso ko dahil sa lakas ng t***k nito.
“S-sa labas.”
“Alam kong sa labas. Tell me the specific place.” Sabi pa nito kaya kumunot ang noo ko dito. Kailan pa ito naging interesado sa mga lakad ko?
“Kailangan ba?” Tanong ko dito.
“Oo. Sa akin ka pinapabantayan ni Dad. So, where are you going?” Tanong pa uli nito.
“Pwede ba? Nandito na sila, kaya no need na sundin mo ang mga sinasabi nila.” Sabi ko dito at inirapan ito.
“Bakit ba ang tigas ng ulo mo?” Medyo mataas na ang boses nito.
“E bakit ba feeling kuya ka ngayon? Alam ko namang ayaw mo sa akin kaya kung pwede? Wag ka nang magpanggap?!” Inis na sabi ko dito pero hindi parin niya binibitawan ang braso ko.
“SAAN KA PUPUNTA?” Mariing tanong uli nito sa akin at ramdam kong nainis ito sa sinabi ko.
“Sa mall. Ok na?” Sabi ko dito at marahas na binawi ang braso ko dito.
“Sinong kasama mo?” Tanong pa uli nito sa akin kaya napairap ako sa kawalan.
“Alam mo Radzkier? Hindi ko alam kung ano talaga ang gusto mong palabasin. Ang hirap mong intindihin. Minsan ang sungit mo, tapos eto ka ngayon feeling kuya sa akin. Naiinggit ka ba sa ganda ko ha??” Mahabang litanya ko rito at napakunot noo pa ito sa sinabi ko.
“What are you trying to say now?” Parang nanghahamon pa ito.
“Hay nako Radzkier! Oo, alam ko na. Ramdam ko naman naiinggit ka sa akin dahil babae ako at maraming lumalapit sa aking lalaki. Ilabas mo ang totoong ikaw sis! Walang mawawala sayo.” Sabi ko dito at tinapik tapik ko pa ang braso nito bago ko ito iwan.
Inaasahan kong magagalit ito sa akin o di kaya ay aamin na rin sa wakas na bakla din siya tulad ni Renz, pero hindi. Mataman lang niya akong tiningnan at humalukipkip pa ito habang nakatingin sa akin kaya nailang ako.
“Ano? Totoo diba? Na bakla ka? Sus! Alam ko naman yun e. Ok lang sa akin. Hindi ko sasabihin kay Tito. I’m a keeper. Sige, mauna na ako sayo.” Sabi ko dito saka ito tinalikuran.
Akmang aalis na sana ako nang bigla ako nitong hilahin sa loob ng bakanteng kwarto at mabilis akong sinandal sa pader.
“Radzkier!” Sambit ko sa pangalan nito dahil sa gulat.
“You said you’re a keeper right?” Tanong nito sa akin at dahan-dahan naman akong tumango rito. Sobrang lapit ng mukha niya sa akin at parang ako pa ang nahihiya sa posisyon namin ngayon dahil sinandal din niya ang mga kamay niya sa magkabilang gilid ko para wala akong kawala.
“Pwede ka namang umamin na hindi ganito kalapit.” Sabi ko dito at napaiwas ng tingin dito.
“If you’re a keeper, can you keep this a secret?” Sabi pa nito at naguguluhan akong tumingin dito.
“Ang alin ba? Na bakla ka?” Inis na sabi ko dito dahil andami pa nitong sinasabi!
“No.” Maikling sagot nito.
“E ano?”
“This.” Pagkasabi nito ng salitang iyon ay bigla nalang ako nitong hinalikan sa labi. Halos mamilog ang mga mata ko at hindi nakagalaw sa ginawa nito. Hindi ko alam kung anong irereact ko o gagawin sa ginagawa niya ngayon sa labi ko.
Kitang kita ko kung paano niya ipinikit ang kanyang mga mata at ninamnam ang pagkakalapat ng mga labi naming dalawa.
Gusto ko itong itulak ngunit wala akong kakayahan dahil pakiramdam ko ay nanlalambot ako sa ginagawa nito. Nakakalunod ang bawat galaw ng malambot at maiinit niyang labi.
Tulala ako nang humiwalay ito sa paghalik sa akin at tumitig uli sa mga mata ko.
“Now, tell me, gaano kagaling humalik ang bakla?” Sabi nito at ngumisi bago ako iniwan sa kinatatayuan ko saka lumabas ng pinto.