Chapter 8

1650 Words
NANDITO ako ngayon sa pintuan ng Mansion ng mga Lopez at nakatayo habang hinihintay kong tumila ang ulan. Napabuntong hininga nalang ako habang yakap-yakap ko ang mga libro ko para sa mga subject ko ngayong araw. Hindi ko na rin kasi naabutan si Mang Jaime para makisabay sana ako kay Renz at Riva sa sasakyan kahit hanggang sa terminal nalang ng tricycle sa labas na diretso sa school. Kaya heto. “Sapphire? Ba’t nandito ka pa?” Napalingon ako sa aking likuran nang marinig ko ang boses ni Rayver. “Hinihintay ko lang kasi na tumila ang ulan.” Sagot ko rito saka tumingin uli sa labas nang makita kong nasa likuran na rin nito si Radzkier at matamang nakamasid sa amin. Nakabihis na rin ang dalawa ng pangopisina at mukhang papasok na rin sa trabaho. “Ganon ba? Sumabay ka na sa akin. Saan ba ang school mo?” Tanong pa nito. “S-sa Ma**** University po.” Sagot ko naman dito. “Oh? Malapit lang doon yung Company, pwedeng kay Radzkier ka nalang sumabay para idaan ka nalang niya doon. Out of way kasi yung office ko doon e.” Suhestiyon naman nito at tumingin pa ito kay Radzkier. Bumaling naman si Radzkier sa akin at malamig lamang na tingin ang ipinukol nito sa akin. “O-okay lang. Hihintayin ko nalang na humina ang patak ng ulan.” Pigil ko naman dito. Ayaw kong makasama si Radzkier na kaming dalawa lang! “I insist. Maghapon na malakas ang ulan. Baka hindi ka na makapasok niyan.” Sabi pa uli ni Rayver. “Isabay mo na siya bro.” Baling uli nito kay Radzkier. Tiningnan ako ni Radzkier at dinaanan lang ako nito papuntang garahe. Infairness ang bango niya. Nakaadik. Parang ang sarap idukdok ng mukha ko sa dibdib nito. Nakagat ko tuloy ang ibabang labi ko sa naisip. Napabuntong hininga nalang ako nang pumasok ito sa sasakyan niya at naisip kong ayaw ako nitong isabay na ipinagpasalamat ko na rin. “Mauuna na ako sa iyo Sapphire, mukhang ayaw mo talagang sumabay. Tatawagan ko nalang si Mang Jaime para ihatid ka in case nandito ka pa mamaya.” Sabi nito at tumango na lamang ako. Nang makita kong sumakay na rin ito sa sasakyan niya ay nauna pang umalis si Rayver kaysa kay Radzkier at binusinaan pa ako ni Rayver para magpaalam sa akin nang tumapat ang sasakyan nito sa akin. Tumango naman ako dito. Nang makalabas na ng gate si Rayver ay sumunod naman si Radzkier dito kaya yumuko na lamang ako para kunwari ay hindi ko ito nakita. Nakatitig lamang ako sa patak ng tubig sa gilid ko nang mapansin kong hindi umaalis ang sasakyan ni Radzkier sa harap ko. Napaangat ako ng tingin dito at saktong nagtama ang paningin naming dalawa kaya napaiwas ako ng tingin. “Get in.” Bigla ay sabi nito kaya napatingin uli ako dito. “H-ha?” “I know you heard me. Sumakay ka na bago pa tayo malate.” Malamig na sabi nito kaya natataranta akong lumapit sa pintuan ng sasakyan niya. Nang bubuksan ko na sana ang pinto ng back seat ay nagtaka ako dahil nakalock ito. Maglalakad na sana ako papunta sa gawi nito para sabihing nakalock ang pinto pero nagulat ako nang buksan nito ang pinto sa passenger’s seat. Dahan-dahan akong lumapit dito at halos kumabog ng malakas ang puso ko nang inis itong bumaling sa akin. “Make it fast! I’m late!” Sabi nito kaya mabilis akong sumakay at sinara ang pinto ng sasakyan. Wala kaming imik na dalawa habang nasa biyahe at dinig na dinig ko ang paghinga nito na tila nakakaakit. Tumingin nalang ako sa labas ng bintana para hindi ko gaanong maramdaman ang presensya nito at hindi kung anu ano ang naiisip ko. Maya-maya pa ay narinig kong tumunog ang cellphone nito at mabilis naman niyang sinagot ang tawag. “Hi, babe” Sabi nito at lihim akong nagulat sa itinawag nito sa kausap. May girlfriend pala ito. Para naman akong nalungkot sa isiping iyon. ‘Jusmiyo Sapphire! Bakit ka malulungkot aber?! May gusto ka ba sa halimaw na iyan?!’ Ani ko sa isip at nakuyom ko ang palad ko sa naisip. Hindi ko na inintindi pa ang pinaguusapan nila ng girlfriend niya hanggang sa patayin nito ang tawag at nakita ko ang reflection nito sa salamin ng bintana na sumulyap ito sa akin saka tumingin uli sa daan. Magkaka’stiff neck yata ako dito sa tagal ng biyahe! Pakiramdam ko ay napakatagal ng biyahe. Gusto ko nang bumaba! Maya-maya pa ay nakita kong malapit na kami sa school kaya hinanda ko na rin ang mga bitbit kong gamit. Nang itigil nito ang sasakyan sa harap ng school ay halos magtinginan pa ang mga estudyante dahil siguro may mamahaling sasakyan ang tumigil dito. Lumingon naman ako dito para magpasalamat at pinagsisisihan ko ito dahil nakatingin din ito sa akin. “S-salamat.” Sabi ko nalang dito saka ako mabilis na bumaba ng sasakyan at sinara ito. Mabuti nalang at tumila na ang ulan at konting ambon nalang kaya hindi ko na binuksan ang payong ko at mabilis akong tumakbo papasok sa loob. “Hoy! Safira! Sinong naghatid sayo?!” Bungad ni Vince sa akin nang pumasok ako ng room. “Huwag kang magsinungaling. Nakita ka ni Rita!” Sabi naman ni Anthon. “Eto o!” Saka niya pinakita ang picture ko na lumabas ng sasakyan na sinend nito kay Anthon. “Grabe talaga ang radar ni Rita! Nasaan ba yon?!” Tanong ko sa kanila. Sakto naman pumasok ng room si Rita at may dala pang pagkain. “Yes Miss Sanchez? Looking for me?” Sabi nito na nakangiti. “Sino nga naghatid sayo?” Usisa uli ni Vince sa akin at pati si Rita at Anthon ay naghihintay din ng sagot. “S-si Radzkier.” Pagkasabi ko non ay biglang nagtilian ang tatlo at halos salpakan ko nang papel ang mga bunganga nila. “Ano ba?!” Sita ko sa mga ito nang tumigil sila sa pagtili dahil napatingin din sa amin ang iba naming kaklase. “Oh my gosh! I’m so happy for you!” Sabi naman ni Anthon sa akin na ikinakunot ng noo ko. “Bakla! Hinatid lang ako kasi umuulan kanina! Wag kayong OA!” Sabi ko sa mga ito at inirapan sila. “Pero bakla! Baka may gusto sayo!” Sabi naman ni Rita kaya halos mamilog ang mata ko sa sinabi nito. “Hoy! Magtigil nga kayo! Step brother ko yon!” “Bakla! Hindi kayo magkadugo! Kaya keri lang!” Sabi uli ni Vince. Napailing nalang ako at hindi na pinansin ang iba nilang sinasabi dahil naging okupado na ni Radzkier ang isip ko lalo na sa nalaman ko na may girlfriend pala ito. Pero saglit nga? Girlfriend nga ba? O boyfriend? Napabuntong hininga nalang ako at pilit na nagfocus sa mga sumunod pang subject namin ngayong araw. Nang matapos ang klase ko ngayong araw ay as usual, mabilis na naman akong nagbihis sa CR at pumasok sa trabaho. Mabuti nalang hindi ako late ngayon. Kung hindi ay baka sinesante na ako ni Sir Bryle. Mabilis na lumipas ang mga araw at mag-iisang buwan na pala kaming nakatira dito sa bahay ng mga Lopez at sa isang buwan na iyon ay pakiramdam ko ay andaming nangyari. Malapit na ring umuwi sila mama galing bakasyon sa Japan. Ngunit ni ha ay wala man lang itong paramdaman sa akin. Para akong ipinagkatiwala nalang basta basta sa magkakapatid na kasama ko dito sa bahay. Nasa higaan ako ngayon at kanina pa ako paikot ikot kaya naisipan ko munang bumangon at magpahangin sa may hardin tutal ay wala naman akong klase bukas dahil may meeting ang lahat ng professor sa school. Tulog na rin naman ang lahat dahil alas diyes na ng gabi. Tuluy-tuloy lang ang lakad ko hanggang marating ko ang hardin at umupo ako sa pool. Mainit ang panahon kaya naman hinayaan ko lang ang paa kong nakababad sa tubig. Maliwanag dito sa hardin dahil sa mangilan ngilang nakasinding ilaw sa bawat sulok nito. Parang angsarap matulog dito sa labas dahil sa preskong hangin. “Can’t sleep?” Napaigtad ako sa boses na narinig ko at agad na napalingon sa pinanggalingan nito. “Rayver??” Sambit ko sa pangalan nito na may halong inis. Ang hilig hilig kasi nilang manggulat! Prenteng nakaupo ito sa round table sa gilid ng hardin na nakaharap sa pool at umiinom ng beer nakaapat na yata ito. “Come on, join me here.” Yaya nito sa akin at inalok pa ako ng alak. “No, thanks.” Sabi ko lang dito at humarap na uli sa pool. “Oo nga pala, baka malasing ka na naman. Hindi pa naman kita mabubuhat ngayon at nakainom din ako.” Sabi nito at tumawa pa ng nangaasar. Tiningnan ko naman ito ng masama na mas lalo pa nitong ikinangiti. “Thanks for bringing me home pala noong WASTED ako.” Sabi ko dito at diniinan ko pa ang salitang wasted. “Don’t thank me. Hindi ako ang naguwi sayo.” Sabi nito na nakangiti kaya napalingon uli ako dito. “It’s Radzkier.” Pagtatama nito sa akin at nagulat ako sa sinabi niya. “S-siya rin nagbuhat sa akin paakyat sa kwarto? Sorry. Wala na talaga akong maalala e. Nagising nalang ako kinabukasan nasa kama na ako.” Sabi ko dito na naguguluhan. “Yes, sweetheart. Hindi kita kayang buhatin dahil inaalalayan ko na rin si Renz that time.” Sabi nito na nangingiti. Wala sa sariling natampal ko ang sarili kong noo at mabuti nalang hindi nito nakikita ang pamumula ng mukha ko ngayon. Pilit kong inaalala ang itsura ko noong oras na iyon at ngayon palang hiyang hiya na ako! Pakiramdam ko ay wala na talaga akong mukhang maihaharap kay Radzkier! Hinding hindi na talaga ako iinom ng alak!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD