Chapter 7

1736 Words
RADZKIER’s POV Masaya kaming nagkekwentuhan ng mga kaibigan ko sa isang mahabang mesa nang lumapit si Fritz sa amin galing labas at saka bumulong. “Your hot step sister is drunk.” Agad akong tumayo at lumabas ng bahay. Napatingin din sa amin ang iba naming kaibigan. Paglabas ko ay nakita kong nakadukdok si Sapphire sa table katapat nito si Renz na lasing na rin. Nakatayo sa tabi nito si Cairo at Riva. “What’s happening here?” Tanong ko sa mga ito at humarap sa akin si Riva na galit na galit. “Kuya! Look! Lasing na yung dalawa! Sinukahan pa ni Sapphire si Cairo!” Napatingin ako kay Cairo na nasukahan nga ang damit nito. Napahilot ako sa aking sentido at marahas na bumuntong hininga. Mabilis akong naglakad papunta sa tabi ni Sapphire. Pilit kong binangon ang ulo nito at ginising. Hinawakan ko ang pisngi nito para maalalayan ko ang ulo nito. Ang lambot ng mukha niya parang ang sarap halikan ng bawat sulok nito. “Sapphire. Wake up.” Sabi ko dito at dahan-dahan siyang nagmulat ng mata at nagtama ang paningin naming dalawa. Ngayon ko lang ito natitigan at nakakaakit ang kulay berde nitong mata. Biglang bumilis ang t***k ng puso ko na hindi ko maipaliwanag. Pilit kong winaksi ang kung anumang tumatakbo sa isip ko at tinanong uli ito. “Can you walk?” Inis na tanong ko dito dahil sa itsura niya ngayon. Bigla itong tumayo na ikinagulat ko at akala ko ay sa akin siya babagsak pero napakunot ako ng noo nang saluhin siya ni Cairo. Nakita ko kung paano hawakan ni Cairo ang mga braso niya kaya nakuyom ko ang mga palad ko. ‘Bakit ba kasi nagpakalasing ito kung hindi naman pala niya kaya?!’ Ani ko sa isip. “Careful.” Bulong pa ni Cairo dito kaya nagtagis ang mga bagang ko. Napalingon din ako kay Rayver na kararating at inalalayan si Renz. “I’ll carry her. Where’s your car?” Prisinta ni Cairo at nagpantig ang tenga ko sa sinabi niya. Step sister ko ang babaeng kulang nalang ay yakapin niya ngayon! Responsibilidad ko ito kaya ako dapat ang gagawa ng bagay na yon. “No, asikasuhin mo nalang ang ibang bisita mo Cairo. Kami na ang bahala dito.” Sabi ko dito saka hinila si Sapphire sa kanya at binuhat. Inayos ko rin ang damit nito lalo pa at nandito ang mga kaibigan kong alam ko ang likaw ng mga bituka. Napabuntong hininga nalang ako nang makita kong nakapikit na uli ito nang ibaba ko ito sa upuan ng kotse. Ramdam ko ang init ng katawan niya dahil sa alak at may kung anong nabubuhay sa loob ko ngayon. Inayos ko ang pagkakaupo nito at binaba ko rin ang upuan ng sasakyan para makahiga ito ng maayos. Napalunok ako ng ilang beses nang hindi sinasadyang masagi ko ang hindi dapat masagi nang abutin ko ang seatbelt nito at inayos ang pagkakakabit nito. Narinig ko pang umungol ito kaya mabilis akong tumayo dahil baka hindi ako makapagpigil. Nang maisara ko ang pintuan ng sasakyan sa passenger’s seat at iikot na sana ako papuntang driver’s seat ay nagulat ako kay Cairo na nakatayo ngayon sa likuran ko. “Bro! What the f**k?” Gulat na turan ko rito. “Is she okay?” Tanong nito na ang tinutukoy ay si Sapphire. “Nakita mo naman diba?” Sagot ko naman dito. “Init talaga ng ulo mo kahit kailan.” “She’s dead drunk bro, what do you expect?” Sabi ko dito at natawa nanan ito. “Sabi ko nga.” “We have to go. Magkita nalang tayo sa susunod na mga araw bago ka na naman lumipad.” Paalam ko rito at nagfriendly hug pa kaming dalawa saka ako naglakad papuntang driver’s seat at sumakay sa loob ng sasakyan. Nang makita kong sumakay na rin si Riva sa kotse ni Rayver ay binuhay ko na ang sasakyan at nagmaneho pauwi. Hindi ko naman maiwasang tingnan ang babaeng mahimbing na natutulog ngayon sa tabi ko at nakaharap pa sa akin ang mukha nitong natatabingan ng buhok nito kada may madadaanan akong traffic light. Napapabuntong hininga nalang ako at nadidilaan ko ang sarili kong labi kada maririning ko ang mahihina nitong daing. “Fuck.” Wala sa sariling nasabi ko. Buti nalang tulog ito kaya hindi niya ako naririnig. Pagdating namin ng bahay ay pinark ko na agad ang sasakyan saka umikot sa gawi nito at binuhat siya. Muli na namang naginit ang katawan ko nang muling magdikit ang mga katawan namin. Buhat-buhat ko ito hanggang nasa tapat na kami ng kwarto niya at tinawag ko pa si Riva para tulungan akong buksan ang pinto nang matapos rin niyang pagbuksan ng pinto si Rayver habang akay nito si Renz. Inis naman itong lumapit at binuksan ang pinto. Nang mabuksan niya ang pinto ay padabog din itong umalis saka ako pumasok at dahan-dahan akong naglakad at inihiga ito sa kama. Tinanggal ko rin isa-isa ang sapatos niya saka ko ito kinumutan at nagmamadali akong lumabas ng kwarto nito. Kailangan kong maligo! SAPPHIRE’s POV “Sapphire, tawag ka ni Sir Radzkier, nasa baba sila.” Sabi ni Maya nang pagbuksan ko ito ng pinto. Bigla akong kinabahan sa sinabi nito dahil alam kong tungkol ito sa nangyari kagabi. Pinangako ko sa sarili ko na hinding hindi na ako maglalasing tulad kagabi. May ilan akong naalala at ang huli kong natandaan ay tumayo ako at may narinig pa akong bumulong sa akin ng ‘Careful’ nang muntik na akong bumagsak at pagkatapos non ay wala na, nandito na ako sa aking silid nang magising ako kanina at naligo agad para mahimasmasan at matanggal ang hangover ko. Inayos ko muna ang sarili ko saka ako sumunod kay Maya sa baba. Nang nasa hagdan na ako ay nakita ko ang apat na magkakapatid sa sala. Nakaupo si Renz sa mahabang sofa, si Riva naman ay sa kabilang upuan, si Radzkier at Rayver naman ay nakatayo sa harap ni Renz. Nang makita ako ni Riva ay ngumisi ito saka bumaling kay Radzkier. “Oh! There she is!” Sabi nito at parang excited pa ito sa kung ano man ang mangyayari. “Come down here.” Mariing sabi ni Radzkier at mabilis naman akong naglakad habang nakayuko saka tumabi kay Renz na nakasandal pa sa sofa at parang wala lang sa kanya ang mga sinasabi ni Radzkier. Si Rayver naman ay natatawa sa gilid. “Do you even know what you two did in the party?” Tanong ni Radzkier sa amin. “We got drunk?” Puno ng sarkasmong sagot ni Renz dito. “You know what Renz? Hindi ko alam ang pumasok sa kokote mo at sinama mo pa sa paginom itong si Sapphire!” “Party iyon. Anong gusto mong gawin namin? Magbible study doon?” Sagot uli nito at parang lumalabas na ngayon ang isang katauhan niya na hindi alam ng mga kapatid. “H-hindi naman niya ako pinilit. Hindi namin namalayan na marami na pala kaming nainom.” Dagdag ko pa para naman hindi lang ito ang madiin. “Am I talking to you?!” Galit na sabi nito at napapahiya akong yumuko. Nakita ko naman sa gilid ng mata ko ang pagngisi ni Riva. “Ayoko nang maulit ito Renz!” Baling uli nito kay Renz. “Now, Go!” Sabi ni Radzkier at tumayo na si Renz. Tatayo na rin sana ako nang pigilan ako ni Radzkier. “And you! Stay here! Hindi pa tayo tapos mag-usap!” Sabi nito sa akin kaya umayos uli ako ng upo at napalunok ng ilang beses dahil pakiramdam ko ay nanunuyo ang lalamunan ko. Pinagsalikop ko rin ang dalawang kamay ko na kanina pa nanginginig. “Alam mo bang sinukahan mo si Cairo?” Tanong nito sa akin na ikinagulat ko. “H-ha??” Maang na tanong ko dito at napasapo ako ng noo nang maalala kong may nasukahan nga akong lalaki at dahil blurred na ang paningin ko noon dahil sa sobrang hilo ay hindi ko ito nakilala. “Nakakahiya ka! Sinukahan mo lang naman ang isang Cairo Fabian!” Singit ni Riva sa usapan namin. “S-sorry.. Hindi ko sinasadya..” Nakayuko kong sabi sa kanila. “Hindi mo ba alam na pinagtitinginan ka na kagabi ng mga tao? Huh?! Ano nalang sasabihin ng Mommy mo at ni Daddy sa amin? Na hindi ko namin binabantayan?” Galit na sabi nito sa akin. Heto na naman ako sa pagaakalang concern ito sa akin. Hindi pala. Sila Mommy na naman ang iniisip nito. Tuluyan na akong hindi nakaimik sa mga sinabi nito at kagat kagat ko ang labi ko para pigilan ang luha ko. Pakiramdam ko ay andami kong maling nagawa netong mga nakaraang araw na wala sila Mommy. “I want you to apologize to Cairo!” Singit uli ni Riva sa usapan namin at napatingin ako dito. “Riva? Could you stop interrupting?!” Sabi ni Radzkier dito na tila nawawalan na rin ito ng pasensya sa kapatid. “But, Kuya? Nagkalat siya kagabi sa party ni Cairo so she needs to apologize!” Giit pa ni Riva. “No! Hindi siya hihingi ng sorry!” Mariing sabi ni Radzkier nang bumaling ito kay Riva na pinagtaka ko dahil kung tutuusin ay tama naman si Riva sa sinabi niya dahil sa pagkakalat ko sa party. Pati si Riva ay nagulat din. “And you, hindi mo kakausapin si Cairo! Is it clear?!” Tila galit na sabi nito at ultimo si Rayver ay gumuhit ang pagtataka sa mukha nito at nang makabawi ay nangingiting umiling iling ito. Para akong bata na mabilis na tumango sa sinabi ng isang ama habang pinapagalitan ang anak. Pagkatapos ay umalis na ito sa sala at basta nalang akong iniwan na nakaawang ang labi. Si Riva naman ay tumayo na rin at umirap pa sa harap ko bago ito sumunod sa taas. Bagsak ang balikat kong sumandal sa sofa at para akong yelong biglang natunaw nang umalis ang mga ito. “You ok?” Biglang tanong ni Rayver sa akin. Nakalimutan kong nandito pa pala ito. Tumango nalang ako bilang sagot. “You’re so wasted last night.” Natatawang sabi nito at umirap ako dahil pinaalala pa niya ang nangyari. “But, you still look cute, though..” Nakangiting sabi nito saka umalis. Ang weird talaga ng magkakapatid na ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD