Chapter 6

1721 Words
ISANG katok ang nagpabalikwas sa akin ng bangon at mabilis na tinungo ang pinto ng aking silid. Nandito ako ngayon sa kwarto at nagkukulong dahil nandito rin sa loob ng bahay ang apat na magkakapatid. Hindi sila lumabas kaya hindi rin ako lumabas ng kwarto dahil ayaw ko ring makita si Radzkier at Riva. Ewan ko ba. Para kasing bantay na bantay nila ang bawat kilos ko. Pagbukas ko ng pinto ay ang nakangiting si Rayver ang napagbuksan ko ng pinto. Nakangiti ito ng todo kaya nginitian ko rin ito. “Magbihis ka.” Sabi nito at nakakunot ang noong tumingin ako rito at nakita kong may inaabot itong paper bag sa akin. “B-bakit?” “May pupuntahan tayong pool party. Wear this.” Sabi nito. “H-hindi ba pwedeng wag nalang akong sumama?” Nahihiyang tanong ko dito. “Hindi pwede. Mag-isa mong maiiwan dito sa bahay.” “Ok lang nandyan naman sina Lara.” Dahilan ko pa rito. “Magbibihis ka? O bibihisan kita?” Sabi nito at gulat na hinablot ko sa kanya ang paperbag na kanina pa niya inaabot. Narinig ko pa ang tawa nito nang isara ko ang pinto. Nang buksan ko ang paper bag ay isang kulay silver na casual sexy dress ang bumungad sa akin na sa tingin ko ay hanggang sa gitna lamang ng hita ko ang haba nito. Wala naman akong magagawa kung ito ang binigay niyang dress sa akin baka ito siguro ang theme ng party. Bored na rin ako dito sa bahay dahil sabado rin ngayon. Ang bilis lumipas ng araw. Nang matapos akong maligo at magpatuyo ng buhok ay sinuot ko na ang binigay ni Rayver at hindi rin ako makapaniwala sa itsura ko ngayon. Bumagay sa akin ang dress at lantad ang mga mapuputi kong hita at braso dahil manipis lang ang strap nito. Kita rin ang cleavage ko rito. Hindi naman ganon kalaki ang dibdib ko at hindi rin naman ito maliit. Sakto lang. Hahaha! Pinaresan ko nalang ito ng puting sneakers para naman hindi masyadong formal tong suot ko. Hindi na rin ako nag-abalang maglagay ng make up sa mukha. Tanging polbo at lipgloss nalang ang nilagay ko saka kinulot ko ang dulo ng mahaba kong buhok. Nang makontento na ako ay lumabas na ako ng kwarto at laking gulat ko nang makita ko ang apat na magkakapatid na nasa sala at bihis na bihis na rin. Nakakahiya dahil ako nalang yata ang hinihintay nila. Mukhang tama lang ang suot ko ngayon dahil casual lang din ang suot nila. Nakangiting tumingin sa akin si Rayver at Renz. Nakita ko namang pinasadahan ako ng tingin ni Radzkier. Nang makita nitong nakatingin ako sa kanya ay bigla itong nag-iwas ng tingin. Weird. Nakita ko naman si Riva na umirap sa akin at tulad ng suot ko ay sexy rin ito sa medyo mas daring nitong itim na dress na pinaresan niya ng stiletto. “Let’s go” Yaya ni Rayver at tumayo na rin sa pagkakaupo si Radzkier. Dalawang sasakyan pala ang gamit namin. Si Radzkier at Riva ang magkasama sa isang sasakyan at kami namang tatlo nila Rayver at Renz sa isang sasakyan. “Diyan ka na sa harap. Ako na dito sa likod.” Sambit ni Renz sa akin nang sasakay na sana ako sa backseat. “Sure ka?” Tanong ko sa kanya. “Oo naman.” Sagot naman niya kaya sumakay na ako sa harap. May kalayuan din pala itong pupuntahan namin dahil halos isang oras din ang biyahe. At habang nasa biyahe kami ay panay sulyap sa akin si Rayver at maya’t maya ang ngiti nito sa akin. “Bakit?” Tanong ko dito dahil baka mamaya ay may muta pala ako o dumi sa mukha. “Nothing. The dress fits to you perfectly.” Sabi nito at kumindat pa. “T-thanks” sabi ko nalang dito at nginitian nalang niya ako. Nang makarating kami sa pupuntahan namin ay isang malaking bahay ang nadatnan namin. Marami nang nakapark na sasakyan sa gilid ng kalsada at naririnig na ang mga taong nagkakasiyahan sa loob. Pagbaba namin ng sasakyan ay siya ring dating ng dalawa. Sabay-sabay na kaming pumasok sa loob at namangha ako sa nakikita ko ngayon dahil first time kong umattend sa mga ganitong party. Mukhang mayayaman at sanay sa party ang mga taong nandito ngayon. May mga naliligo sa pool at may mga nasa gilid lang at umiinom. ‘Ganito pala magparty ang mayayaman.’ “Radzkier! Rayver!” Tawag ng isang boses sa dalawa at nakita kong ito yung lalaki sa bahay nila noon si Fritz. Binati nito ang dalawa at sumunod ay binati rin niya si Riva at Renz. “Glad, you two came” Sabi nito sa dalawa. “Yes kuya. Hindi naman pwedeng hindi kami pumunta sa pawelcome home party mo kay Kuya Cairo.” Sabi ni Riva dito. “Where is he? I wanna see him.” Parang sabik na turan ni Riva dito. “Nasa loob siya. May inaasikasong ibang bisita. Tara pasok tayo sa loob.” Yaya ni Fritz at sumunod kami dito. Nasa likod lang ako ng apat kaya hindi ako napapansin ng mga tao ultimo si Fritz ay hindi ako nakita dahil nasa likod ako ni Radzkier. Habang naglalakad ay palinga linga ako sa paligid at namamangha ako sa mga kakaibang furnitures ng bahay. Nang marinig ko na tinawag ni Riva ang kanina pa nilang binabanggit na Cairo ay napalingon ako dito ngunit hindi ko nakita ang lalaki dahil naharangan ito ng katawan ni Radzkier at isa isang lumapit ang magkakapatid dito maliban kay Renz. Naiwan ito at bumaling sa akin. “Umiinom ka ba?” Biglang tanong nito sa akin. “Ahm.. Oo, pero konti lang.” Sagot ko naman sa kanya. “Let’s go grab some drinks, I’m bored.” Sabi nito at ngumiti. Nginitian ko nalang din ito. Nakasunod lang ako sa kanya habang naglalakad kami papuntang pool kung saan naroon din ang ibang mga bisita na halatang tipsy na rin. Nang may makita itong bakanteng table ay doon niya ako pinaupo saka nagpaalam ito sa akin para kumuha ng maiinom. Pagbalik nito ay ngiting ngiti ito habang may dala dalang inumin. “Bakla! Nginingiti ngiti mo dyan?” Sabi ko dito at gulat napalingon ito sa akin. “What did you just call me?” Gulat na tanong nito sa akin. “A-ahm alin don?” Kinakabahang tanong ko dito. Nagalit yata. “Bakla?” “Ah eh wala yun! Expression ko lang yun.” Palusot ko dito kahit ang totoo ay tinawag ko siyang ganon dahil sa mga ngiti nito tulad ni Vince at Anthon kapag may nakitang gwapo. “Halata ba?” Bigla ay tanong nito sa akin kaya natawa ako. “Bakla! Halatang halata!” Sabi ko dito at sa isang iglap ay bumigay ito sa harapan ko at pinaghahampas nito ang balikat ko. “Kailan mo napansin?” Tanong nito sa akin kaya napangiti ako. “Unang kita ko palang sayo noh!” Sabi ko dito at napahagalpak ako ng tawa nang maharot itong tumawa. “Oh my gosh! Wag mong sasabihin kila kuya please.” Pagmamakaawa nito at natawa ako. “Oo naman. Your secret is safe with me.” Sabi ko dito at nakipag-apiran pa ito sa akin. Habang umiinom kami ay hindi ito magkamayaw sa pagtuturo ng mga hot at poging lalaki sa paligid. Kaya tawang tawa ako dahil ngayon lang yata nito nailabas ang totoong siya. Baka naman pati si Radzkier ay bakla din kaya may pagkadisgusto ito sa akin at ayaw nito ang nalalamangan. ‘Posible!’ Aniya ko sa isip at natawa. Para kaming lantang gulay ni Renz nang matapos naming ubusin ang ilang bote ng alak at ramdam kong umiikot ang paningin ko kada gagalaw ako. Napasobra yata kami ng inom na dalawa. Wala sa sariling dumukdok ako sa lamesa ganon din si Renz. Maya-maya pa ay naalimpungatan ako sa mahihinang tapik sa aking braso. Dahan-dahan akong umayos ng upo at napalingon sa kung sinuman ang tumapik sa braso ko. Mataman kong tiningnan ang lalaki at parang pamilyar ang mukha nito. Magsasalita palang sana ako ng pakiramdam ko ay babaliktad ang sikmura ko at .. Narinig ko ang pagsinghap ng lahat at pati ako ay nagulat din nang masukahan ko ang lalaki ngunit napabalik uli ako sa pagkakadukdok sa lamesa sa matinding hilong nararamdaman ko. “Hey! Sapphire!” Rinig ko ang boses ni Riva ngunit hindi ko talaga kayang iangat ang ulo ko dahil sa hilo. Niyugyug pa nito ang mga balikat ko at narining kong pinigilan ito ng lalaki. “Riva, it’s ok..” Sabi ng lalaki ngunit naririnig kong hindi ito nagpaawat. “No! It’s not ok! Look at you! Your clothes are in totally mess!” Galit na sabi nito. “What’s happening here?” Maya-maya pa ay narinig ko ang boses ni Radzkier na kausap ang mga ito. “Kuya! Look! Lasing na yung dalawa! Sinukahan pa ni Sapphire si Cairo!” Sumbong ni Riva kay Radzkier. Maya-maya pa ay naramdaman ko ang isang kamay at pilit na binangon ang ulo ko mula sa pagkakadukdok ko sa lamesa. “Sapphire. Wake up.” Sabi nito sa akin. Minulat ko ang mga mata ko at ganon nalang ang gulat ko nang makita kong sobrang lapit ng mukha ni Radzkier sa mukha ko at ang isang kamay nito ay nakahawak sa mukha ko. “Can you walk?” Masungit na tanong nito sa akin at akmang tatayo na ako nang mabuwal ako dahil sa panlalambot ng mga tuhod ko. Akala ko ay matutumba na ako pero nagulat ako nang may sumalo sa akin mula sa likod ko. “Careful.” Rinig kong sabi ng lalaking sumalo sa akin sa likod. Nakita ko rin si Rayver na lumapit sa amin at inalalayan si Renz na nakadukdok din sa lamesa. “I’ll carry her. Where’s your car?” Prisinta ng lalaking nasa likod ko pero tumanggi si Radzkier. “No, asikasuhin mo nalang ang ibang bisita mo Cairo. Kami na ang bahala dito. Aalis na rin kami.” Sabi ni Radzkier dito at mabilis akong hinila nito palayo saka niya ako binuhat na parang bagong kasal. Gusto ko pa sanang tumutol pero wala skong lakas hanggang sa naramdaman kong lumapat ang likod ko sa upuan ng sasakyan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD