“HOY Sapphire Sanchez! Ke aga aga tulala ka na naman!” Sabi ni Vince nang makalapit sila sa akin at umupo sa bakanteng upuan sa tabi ko habang naghihintay ng prof para sa first subject namin.
“Baka puyat na naman kakareject ng mga manliligaw!” Segunda naman ni Rita.
“Sira! Pagod lang.” Sagot ko sa kanila dahil hindi ko naman masabi sa mga ito ang tumatakbo sa isip ko.
“Pagod? Umagang umaga Sapira!” Sabad naman ni Anthon.
“Bakla! Don’t tell me may pinasukan ka na namang raket sa umaga bago pumasok? Natutulog ka pa ba?” Tanong ni Vince sa akin at tinawanan ko lang ito.
“Naglakad lang naman ako ng napakalayo papuntang paradahan ng tricycle mula sa village nila.” Sagot ko rito. Alam din kasi nila na lumipat na kami ng tirahan ni Mama at sa Mansion na ni Tito Mon kami nakatira. Silang tatlo ang mga kaibigan ko na walang sawang nakikinig sa mga rant ko sa buhay. Mula highschool ay kasama ko na ang mga ito at pare pareho kami ng kinuhang kurso nang tumuntong kami ng kolehiyo at sabay sabay ding gagraduate. Tiwala lang.
“Ewan ba kasi namin sayo at bakit nagpapakahirap ka pa e ang yaman yaman naman ng step dad mo!” Sabi ni Rita sa akin.
“Bonus pa na gwapo ang mga step brother mo!” Sabi naman ni Anthon.
“Tumigil nga kayo, may hiya din ako oy! Kung tutuusin ay hindi naman talaga ako kasama dapat sa pagtira ni mama sa kanila. Sabit lang ako. At paano niyo nalaman na gwapo ang mga step brother ko? Aber!”
“Hoy bakla! Outdated ka na naman! Lagi kaya silang laman ng social media! Lalo sa page ng Saint Rose International kung saan sila nagtapos!” Sabi naman ni Vince. Mas may alam pa yata ang mga ito sa akin tungkol sa mga anak ni Tito Mon.
“Grabe Safira! Napakaswerte mong bakla ka!” Sabi ni Rita.
“Hindi ako maswerte!”
“Aba! Kung tulad mo na lagi ko silang nakikita ay baka inakit ko na ang isa sa kanila! Lalo na iyong panganay Safira! Makalaglag panty! Pag ako tiningnan non baka naghubad na ako! Kusa kong ibibigay ang sarili ko pati kululuwa ko!” Kinikilig na sabi ni Vince at nagtawanan silang tatlo.
“Bunganga mo Vince!” Suway ko rito.
“Excuse me? It’s Vina!” Pagtatama nito sa akin.
“Vina Morales?” Si Rita.
“Vinavakla!” Sabi naman ni Anthon at nag-apiran pa sila ni Rita.
“Makapagsalita ka diyan Anthonio!” Pikon na sabi naman ni Vince dito.
“It’s Tonet!”
“Tonet na low budget!” Ganting sabi naman ni Vince kay Anthon. Napailing at natawa nalang ako sa mga ito at natigil lang ang asaran nila nang dumating ang prof namin. Kapag talaga nagsama sama kaming apat ay asahan mong walang tigil ang tawanan at asaran sa aming apat lalo at bakla ang dalawa naming kasama ni Rita kaya sasakit talaag ang tiyan mo kakatawa.
Nang matapos ang klase kinahapunan ay nagpaalam na rin ako sa kanila dahil papasok pa ako sa trabaho. Sa restaurant ni Sir Bryle.
Mabilis akong pumasok ng CR at doon nagpalit ng damit. Naghilamos lang ako ng mukha at tinanggal ang light make-up na nakalagay sa aking mukha. Dishwasher kasi ang trabaho ko doon. Kaya ok lang kahit hindi ako mag-ayos.
Hinayaan ko nalang na nakalugay ang medyo umaalon alon kong buhok dahil pagdating doon ay magsusuot din naman ako ng hairnet.
Mabilis ang mga hakbang kong lumabas ng university at nang nasa labas na ako ay lakad takbo ang ginawa ko para makarating sa restaurant. Medyo malapit kasi ito sa school at kayang kayang lakarin ng kinse minutos.
Dahil sa pagmamadali ay muntikan na akong mabundol. Hindi ko napansin na naka Go na pala ang stop light. Mabuti nalang at naipreno agad ng driver ang kanyang mamahaling sasakyan. Oo! Mamahalin nga ang sasakyan niya dahil ito yung bagong labas na napapanood ko sa TV.
Halos mamilog ang mata ko sa nangyari. Para akong nabato sa kinatatayuan ko.
“Miss? Are you ok?” Isang boses ang nagpabalik sa akin sa katinuan at nakita ko ang isang bulto ng taong lumabas sa driver’s seat at humahangos na lumapit sa akin.
Napaangat ako ng tingin sa kanya nang marahan niyang haplusin ang ulo ko at animo’y jowa kung magalala.
Nagtataka naman akong nag-angat ng tingin dito dahil ito lang yata ang mahinahong driver na muntikan nang makabundol dahil sa katangahan ko.
Umawang ang labi ko nang tingnan ko ang mukha nito at magtama ang mga mata naming dalawa.
‘Ang gwapo naman ng lalaking ito!’ Sabi ko sa isip. Parang napapansin ko lately, puro gwapong lalaki na ang nakikita ko at ang kikisig pa. Hindi tulad ng mga nakikita ko sa school at mga gustong manligaw sa akin na gwapo nga pero totoy parin.
“Miss?” Tanong uli nito sa akin at natatarantang tumango ako dito at mabilis na lumayo.
“O-opo! Ok lang po ako! Sorry po!” Hinging paumanhin ko dito at yumuko pa ako saka mabilis na tumakbo paalis dahil late na ako sa trabaho.
Narinig ko pang tinatawag ako nito ngunit hindi ko nalang ito pinansin at mas binilisan ko pang tumakbo.
Nang makarating ako ng restaurant ay dali-dali akong pumasok sa backdoor at nilagay ko na sa locker ko ang mga gamit ko.
Isa-isa kong sinuot ang apron, hairnet at sapatos ko saka dumiretso sa loob at niswipe ko ang ID number ko para makapasok sa loob. Dito kasi sa system na ito nagbebase si Sir Bryle kung pumasok ba kami o hindi.
“Late ka yata ngayon?” Tanong ni Mae. Kasama ko sa trabaho.
“Paano. Muntikan na akong mabundol sa pagmamadali kong makarating dito.” Sabi ko dito at nagsuot ng gloves para tulungan ito sa paghuhugas. Medyo marami-rami ang hugasin ngayon dahil maraming customer ang kumakain ngayon dito sa restaurant.
“Lutang ka kasi minsan kaya ayan! Sa susunod mag-ingat ka na.” Sabi nito sa akin at tinawanan ko nalang ito saka nagfocus na kami sa paghuhugas. Tama naman kasi ito. Marami na nga rin ang nagsasabi sa akin na lutang ako kaya madalas akong napapahamak.
Nang matapos ang part time ko ay nagpaalam na ako sa mga kasamahan ko sa trabaho at nauna nang umuwi. Apat na oras lang kasi ang part time ko.
Alas nwebe na ng gabi nang makita ko ang oras kaya mabilis akong pumara ng taxi at nagpahatid sa Village kesa hindi ako makauwi. Wala na kasing jeep dumadaan ngayon at kung mayroon man ay puno naman.
Nang nasa tapat na ako ng Mansion ay huminga muna ako ng malalim saka nagdoor bell at mabilis naman akong pinagbuksan ng gate ng guard.
Dire-diretso ang pasok ko sa loob ng mansion at parang malalaglag ang puso ko nang may bigla nalang nagsalita sa gilid ko.
“Ganito ba ang oras ng uwi ng isang matinong babae?” Puno ng sarkasmo ang boses nito. Parang napahiya ako sa klase ng tanong nito.
“Kuya Radzkier..” Sambit ko sa pangalan nito at nakita kong kumunot ang noo niya.
“Don’t call me that. You’re not my sister.” Sabi nito at pakiramdam ko ay napahiya ako sa sinabi nito.
“P-pasensya na. May ginawa pa kasi ako.” Simpleng paliwanag ko dito at para akong maiiyak sa sinabi nito pero pinigilan ko.
“Sa susunod na malelate ka ng uwi magsabi ka para alam namin kung ano ang sasabihin namin sa mom mo pag tinanong ka niya sa amin.” Mariin na sabi nito sa akin. Hindi ito concern sa akin kundi iniisip lang nito ang sasabihin nila mama at Tito Mon sa kanya.
“Hindi na m-mauulit.” Tanging nasabi ko nalang dito habang nakayuko at hindi na ito sumagot pa dahil nauna na itong umakyat sa akin.
Nakuyom ko ang palad ko nang mawala ito sa paningin ko. Napakasama talaga ng ugali ng hayop na yon! Gusto ko itong sagutin ng pabalang ngunit pinigilan ko ang sarili ko dahil inisip ko nalang si Tito Mon.