SABADO ngayon at walang pasok. Nakahiga lang ako dito sa loob ng kwarto dahil wala akong magawa at isa pa ay wala si Mama at Tito Mon pumunta ng Japan, nagbakasyon. Isang buwan silang mawawala kaya bagot na bagot ako dito sa mansyon nila. Wala rin kasi akong makausap dahil busy naman sila Nana Ines na maghanda ng pagkain dahil darating daw ang mga kaibigan ni Radzkier at Rayver.
Bumangon ako sa pagkakahiga at nang icheck ko ang oras ay alas kwatro na ng hapon. Wala sa sariling lumabas ako ng kwarto dahil pakiramdam ko ay mababaliw ako sa loob.
Mas mabuting tumulong nalang ako sa kusina kesa mahiga lang doon. Pagbaba ko ay naabutan ko silang tatlo na nagluluto.
“May maitutulong po ba ako?” Tanong ko sa kanila nang makalapit ako ng tuluyan.
“Naku, iha hayaan mo na kami dito. Nakakahiya. Kaya na namin ito.” Sagot ni Nana Ines sa akin.
“Ok lang po yon Nana Ines. Para kasi akong mababaliw sa loob ng kwarto. Hayaan niyo na po akong tumulong sa inyo.” Pilit ko dito at wala na silang nagawa nang kunin ko ang kutsilyo at chopping board para maghiwa ng mga sahog na ilalagay sa iba’t ibang mga putahe.
“Iha, gusto mo bang maunang kumain nalang mamaya?” Tanong ni Nana Ines sa akin habang naghihiwa ako ng bawang at sibuyas.
“Bakit ho?”
“Wala kasi si Sir Renz iha, nagovertime sa hospital, si Mam Riva naman ay natulog sa bahay ng kaibigan niya. Pero ikaw? Kung ok lang sayong makisabay sa pagkain kila Sir Radzkier at mga kaibigan nila ay ayos lang din kung hindi ka sanay kumain mag-isa.” Mahabang paliwanag ni Nana Ines.
‘Aba’y! Pabor na pabor po sakin iyon.’ Sabi ko sa isip.
“Ok lang po Nana Ines, mauuna na po akong kakain mamaya.” Sabi ko nalang dito at tumango naman ito.
“Sigurado mamaya, babaha na naman ng alak sa hardin.” Sabi ni Lara at animo’y kinikilig.
“Kung di mo naitatanong Sapphire. Kay gagandang lalaki rin ng mga kaibigan ni Sir Rayver at Radzkier. Talaga namang mabubusog ang mata mo.” Bulong pa ni Lara sa akin kaya napailing nalang ako. Sanay na rin kasi akong makakita ng gwapo lalo na sa school. May mga nagpaparamdam rin sa akin na nagaaral sa mayamang eskwelahan at lahat sila ay may maibubuga ngunit hindi ko lang pinapansin. Nitong huli nga lang ay may nireject akong anak ng Governor sa bayan na tinirhan namin ni Mama. Kaya nga marami akong haters sa school lalo na mga babae.
Pagsapit ng alas sais ng hapon ay kumuha na ako ng plato para kumain at baka maabutan pa ako ng magkapatid dito.
Pagkakuha ko ng pagkain ay akmang uupo na ako nang biglang pumasok sa dirty kitchen si Rayver.
“Sapphire?” Gulat na tanong nito at pati ako ay napalingon dito.
“Anong ginagawa mo? Kakain ka na ba? Sabay ka na sa amin. Parating na rin ang mga kaibigan namin.” Sabi nito na kinataranta ko.
“A-ahm gutom na po kasi ako e.” Palusot ko dito. Ayaw kong makisabay sa kanila sa pagkain lalo na kung nandyan din si Radzkier.
“Is that so? Ok.” Pagpayag nito saka ngumiti. Nginitian ko nalang din ito. Saka ito umalis.
Pag-alis nito ay dali dali din akong kumain para pagdating ng mga bisita nila nakaakyat na ako ng silid.
Pagkatapos kong magbihis ng pantulog ay nahiga na ako sa kama saktong alas nwebe na rin kasi ng gabi kaya pinatay ko na ang main na ilaw at tanging lamp shade nalang ang iniwan kong nakabukas dahil takot ako sa dilim.
Pilit akong bumangon nang maalimpungatan ako na pawisan. Nagsisi akong pinatay ang aircon sa loob ng aking silid. Hindi kasi ako sanay sa aircon para akong magkakasakit. Pakiramdam ko ay nanuyo ang lalamunan ko sa init. Nang tingnan ko ang oras ay alas dose na ng gabi. Tumayo ako sa kama at lumabas ng kwarto para uminom ng tubig sa kusina dahil parang di ko kakayanin ang uhaw ko ngayon.
Hindi na ako nag-abala pang magpalit ng damit dahil alam kong tulog na ang lahat sa loob ng bahay. Hindi ko na rin inayos pa ang magulo kong buhok.
Dire-diretso lang ako sa paglalakad at mabuti nalang hindi pinapatay ang mga lamp shade sa bawat sulok ng bahay kaya hindi ko na inabalang buhayin ang ilaw ng pumasok ako ng kusina.
Papikit pikit pa ako ng mata habang naglalakad dahil sobrang inaantok pa talaga ako.
Dahan-dahan akong nagtungo sa refrigerator at binuksan ito. Awtomatiko namang nabuhay ang ilaw sa loob nito kaya agad kong nakita ang mga bottled water.
Kumuha ako ng isa at dito ko na ito ininom habang dinadama ng katawan ko ang lamig na nanggagaling sa refrigerator at napangiti nang maibsan ang uhaw ko. “Ugh! Heaven!” Ani ko sa isip at napaliyad habang nakapikit parin ang aking mga mata.
“Why don’t you turn on the lights?” Napaigtad ako sa boses na aking narining at dali-dali kong hinanap ang pinanggalingan ng boses na iyon.
Halos mamilog ang mga mata ko nang may makita akong isang bulto ng malaking tao na nakasandal sa lababo at nakaharap sa akin. Kulang nalang ay mabitawan ko ang iniinom kong tubig sa gulat.
Maya-maya pa ay biglang lumiwanag ang buong kusina at narinig ko ang pamilyar na boses.
“Radzkier, what took you so long?” Tanong nito at tama nga ang hula ko. Si Rayver ito at hindi lang iyon. May kasama pa itong lalaki. Hindi lang basta lalaki. Isang gwapong lalaki at tulad nito ay matangkad din ito.
Parang hindi pa ako napapansin ng mga ito at gulat parin ang mga mata kong nakatingin kay Rayver at sa kasama nito na nakatayo sa pintuan ng kusina na nakatingin sa taong tinawag nito. Unti-unti akong lumingon sa gilid ko kung saan ko nakita ang isang bulto ng tao na nagsalita kanina at nakita ko si Radzkier na titig na titig sa akin habang nakasandal parin sa lababo.
Halos umawang ang labi ko at hindi makapagsalita sa gulat.
“Sapphire? Anong ginagawa niyo dito?” Nagtataka ang mga tanong ni Rayver nang mapansin din ako nito.
“A-ahm—.” Hindi ako makapagsalita ng ayos dahil tatlong naggagwapuhang lalaki ang nasa harap ko ngayon at naiilang ako dahil sa uri ng pagkakatitig nila sa akin at pinasadahan pa nila ako ng tingin mula ulo hanggang paa.
“Obviously, we’re drinking water.” Si Radzkier na ang nagsalita at tinaas pa nito ang iniinom na tubig.
“Na nakapatay ang ilaw?” Tanong uli ni Rayver at tila hindi kuntento sa sagot na narinig mula kay Radzkier.
“Andaming kwarto ng bahay niyo Radzkier. Are you for real?” Tanong ng kasama ni Rayver kay Radzkier at mabilis na binato ni Radzkier ang lalaki ng pinaginuman nito ng tubig na nasalo naman ng lalaki.
“f**k you Fritz!” Mura ni Radzkier dito at tumawa lang ng malakas ang lalaki.
Pasimple kong binaba ang suot kong t-shirt na hanggang gitna lamang ng hita ko kaya lantad na lantad ang mapuputi kong binti sa mga ito. “Aakyat na ako. Mauna na ako sa inyo.” Sabi ko nalang sa kanila at mabilis na naglakad patungong pintuan. Nagbigay naman ng daan si Rayver at ang kasama nitong lalaki. Nakita kong todo ang ngiti ng lalaki habang nakatingin parin sa akin.
“Hot.” Sambit pa nito at sinuntok ni Rayver ng mahina ang braso nito.
Mabilis ang lakad kong umakyat ng hagdan at ngayon ko lang napagtanto na wala pala akong sapin sa paa.
Nang makapasok ako ng silid ay nilock ko ito agad at umakyat na ng kama.
Ngayon ko lang napagtanto na may mga bisita pala ang mga ito at tila palabas na nagplay sa utak ko ang sinabi ni Lara kanina na babaha ng alak sa hardin dahil magiinuman din ang mga ito. Nawala kasi iyon sa utak ko at hindi ko naman alam na aabot sila ng madaling araw na magiinuman.
Ngayon lang naging malinaw sa akin lahat nang marinig ko ang tawanan ng mga lalaki sa labas ng bahay at tila marami sila. Nang sumilip ako sa bintana ay tama nga ako walong naggagwapuhang lalaki ang nakikita ko ngayon kabilang na doon si Radzkier, Rayver at ang kasama nila kanina na tinawag nilang Fritz.
Napabuntong hininga nalang ako at bumalik sa pagkakahiga sa kama at pumikit. Ngunit ang mukha ni Radzkier ang nagpop up sa utak ko. Ang mga titig nito sa akin kanina na nakakapanlambot.
Wala sa sariling nahawakan ko ang aking dibdib at natampal ko ang aking noo nang mapagtanto kong wala nga rin pala akong suot na bra kanina kaya kitang kita ang bakat na u***g ko sa suot kong damit.
Gusto kong magpapadyak at sumigaw dahil sa kahihiyan. Napabuga nalang ako ng marahas at pilit na winawaksi sa aking isipan ang tagpo na iyon kanina.