FLASHBACK KATANA POV In the Naked Island Tahimik lang akong nakasunod kay Kaius at Zach habang pinagtutulungan nitong buhatin ang walang buhay na katawan ni Adam pagkatapos kong itarak sa kaniyang puso ang punyal na hawak ko. Nasa tabi ko naman ang dalawang Diyosa na walang imik rin na naglalakad tulad ko. Nang tuluyan na kaming nakapasok sa Forbidden Cave ay maingat na ibinaba nina Zach at Kaius ang katawan ni Adam sa malamig na sahig dito sa sala. Silence filled the air for an instant. No one dares to breaks the silence between us nor made an unusual sound that could get rid of it. Gayunpaman ay ramdam ko pa rin ang pagdadalamhati at galit nina Zach at Kaius dahil alam kong itinuring na ng mga ito si Adam na kanilang kaibigan at ka-tropa o baka nga sobra pa sa dito sa inaakala ko.

