SOMEONE POV Lulan ng dalawang dragon ang mga Diyos at Diyosa habang naglalakbay sila sa kalangitan patungo sa tahanan ni Adam. Gabi na ngayon at nagkataon pang walang buwan sa kalangitan kaya isa itong magandang pagkakataon para ibalik si Adam sa totoo nitong tirahan ng walang nakakapansin sa kanila. Alam na ni Katana kung saan matatagpuan ang tinitirhan nito noon dahil lahat ng mga taong napapadpad sa kaniyang isla ay kinukuhanan niya ng impormasyon, a part of her responsibility as the owner of the Naked Island. Pagkatapos ng ilang minutong paglalakbay ay tuluyan na rin nilang narating ang kanilang destinasyon. Mabilis lang ang paglalakbay nilang ito kasi dragon naman ang gamit nila as a mode of their transportation. “Get ready. We’re here,” Katana informed her fellow Gods. They’r

