MARK POV Sana hindi nalang ako bumalik kanina sa silid na iyon. Sana itinuloy ko nalang ang pag-alis ko kanina at dagling pinuntahan ang anak ko. Sana ginamit ko nalang ang kotse ni Adam kahit hindi ko na hingin ang permiso nito. Tanginang buhay to! Ang Daming sana! “Mark!” Tuloy-tuloy lang ako sa pagtakbo at hindi ko pinansin ang paghabol sa akin ni Adam. Hindi ko rin inalitana ang lahat ng nakamasid sa amin habang nakikipaghabulan ako sa kaniya. I need space to think and breath. I need time to process what I had heard and discovered. “Mark, sandali!” Patuloy niya pa rin akong hinabol hanggang sa marating ko ang parking lot kung saan ko ipinarke ang kotse niya. Dagli akong pumasok sa kotse at dagling binuhay ang makina ng kotse pero bago ko pa ito mapatakbo ng mabilis ay na

