ADAM POV Kasama ko pa rin ngayon si Mark habang tinatahak namin ang kahabaan ng hallway patungo sa VIP room na inuukupa ng aking ama. I just do hope that everything went well. Nang marating namin ang pintuan ng silid, pansamantala akong tumigil dahil nagdalawang-isip pa ako kung itutuloy ko pa ba ito o uuwi nalang. Pero dito na ako at huli na rin ang lahat para sa akin dahil ang gagong sekretarya ko ay agad na binuksan ang pinto. I glared at him. Kung nakakamatay lang ang tingin, naghihingalo na ito ngayon. “Bakit Boss?” takang tanong nito sa akin. Nilingon naman nito kaagad ang lahat ng nasa loob ng silid at pagkuwan ay bumati, “Goodmorning po sa inyong lahat.” Nginitian naman ito ng lahat at pagkuwan ay pumunta ito sa aking likuran at pinagtulakan ako papasok. “Stop it Mark!”

