NAKED 35

1203 Words
ADAM POV Kanina ko pa napapansin ang pagiging snob at iritable sa akin ni Devin. Hindi na ito katulad nung una na malumanay at may respeto sa akin kung magsalita. Naging bastos na itong kausap ngayon. Anyways, nandito kami ngayon sa loob ng nag-iisang elevator nila dito. Akala ko hindi uso ang elevator sa kanila dahil may pakpak naman sila para makalipad pero nagkamali ako. Well, expect the unexpected nga talaga. “May problem kaba sa akin, Devin?” bulong ko sa katabi ko na kanina pa ako hindi pinapansin. Wala naman akong matandaan na masamang ginawa ko maliban nalang sa pagbitin ko sa moment ng asawa niya kanina. Binulungan ko lang ito dahil katabi pa rin nila ang kaniyang asawa na  I sighed when he remain silent. “Look, I’m sorry if I cut your sweet moment with your wife. Kung nabitin ka ituloy niyo nalang sa kwarto- f**k!” Nagtataka naman akong tiningnan ng iba pang kasama namin. Pilit akong ngumiti habang iniinda ko ang tagiliran ko na malakas na siniko ni Devin. “Okay lang ako. May langgam lang na kumagat sa tagiliran ko,” pagrason ko nalang. “Gusto mo gamutin kita?” Devin’s asked but I instantly shooked my head. “No need. Baka mamatay pa ako,” sabi ko but seeing the reaction of Devin’s wife, I felt that I she got offended by what I said. “I have a very strict girlfriend. She will kill me if you touch me,” I explained. Nakita ko naman na muling sumilay ang ngiti nito sa labi pero si Devin ay nanatili namang madilim ang anyo. “Mahal na mahal ka talaga ng girlfriend mo.” Natigilan naman ako ng marinig iyon sa kaniya. “Bakit mo naman nasabi iyan?” I asked right away. Hindi ko pa naman naririnig kay Katana ang mga salitang iyon. “Because she’s very territorial and possessive to you. Diba ganun ka rin sa kaniya?” tanong nito pabalik sa akin na wala sa sariling tinanguan ko. Totoo bang naturuan na ni Katana ang puso niya na mahalin ako? Wala sa sariling napangiti ako pero dagli ko rin naman iyong pinawi dahil ayokong maniwala sa sabi-sabi lang ng iba. Mas maganda kung sa kaniya ko mismo marinig ang mga salitang iyon.  “See? Sigurado rin akong mahal ka ng girlfriend mo,” she added that put a smile in my lips. “Hindi ba puwedeng naging ganun lang siya dahil gusto niya lang ako. Hindi pa kami ganun katagal na magkakakilala kaya parang imposible naman na mahal na niya ako ngayon,” mahabang litaniya ko. “Nagawa mo nga siyang mahalin sa loob ng maikling panahon, siya pa kaya?” sagot naman nito. “You know what, just asked your girlfriend about what she truly feels for you. Opinyon ko lang naman ito base from my own experience.” Pagkuwan ay tiningnan nito si Devin. “Ako kasi minahal ko si Devin, noong unang kita ko palang sa kaniya kaya hindi na ako nag-aksaya ng panahon at niligawan ko siya.” Nagulat naman sa huling sinabi nito. Hindi makapaniwalang tiningnan ko rin si Devin. “Ang asawa mo ang nanligaw? Seriously Devin?” Sa unang pagkakataon ay tiningnan niya ako. “May problema ka ba dun ?” Inakbayan ko ito. “Alam mo kasi Devin, tayo dapat na mga lalaki ang nanliligaw sa mga babae. That’s our way to prove out worth to them as their other half.” “Asawa ko na siya, hindi na kailangan niyan,” he coldly said. “You’re wrong Devin,” I disagreed to his statement. “Gustong-gusto ng mga babae ang feeling na nililigawan sila. Sa panliligaw kasi nararamdaman nila kung gaano sila ka-espesyal sa atin. At hindi magandang rason na dahil sa mag-asawa na kayo ay titigil ka na sa panliligaw sa kaniya. Dapat nga mas pinagbubutihan mo pa ang panliligaw sa asawa mo dahil mahal mo na. Ikaw din, baka maagaw pa iyan ng iba.” Nakita ko naman na mas dumilim ang anyo nito. “And do you think I will let someone steal my wife?” he dangerously said that made me smirk. “That’s good to hear from you but you need to work harder to secure that she’ll stay with you forever,” sabi ko sa kaniya.  “Huwag mong hayaan na unti-unting mawalan ng interes sa’yo iyang asawa mo dahil hindi natin alam kong pati ba pagmamahal niya ay mawawala na rin ng tuluyan kapag nanatili kang ganiyan. Huwag lang puro salita Devin, dapat may gawa ka rin.” “May problema ba kayong dalawa?” Napalingon kami ni Devin sa asawa niya ng bigla nitong itanong ang bagay na iyon sa amin. Dagli naman kaming umiling at nginitian ito. “No, we’re just talking something very important and confidential,” sabi ko nalang. “Okay. I understand. Go ahead.” I tap Devin’s shoulder. “You’re very lucky to your wife,” sabi ko sa kaniya pero tulad ng mga nauna naming usapan ay sinabi ko lang iyon ng mahina. Sina Death at Deth naman ay wala namang paki sa pinag-uusapan namin kaya wala kaming problema sa kambal. At sa wakas, ngumiti na rin si Devin. “I know and I’ll keep her to the rest of my life.” “By the way, why you look so annoyed of my presence?” i asked and just like that, his face become dark again. “Huwag mo ng tanungin. Mas lalo akong naiinis sa’yo,” anito na muling nagpanumbalik sa kunot sa aking noo. “But I already apologized to you earlier. Para ka namang babae kung suyuin,” reklamo ko. Inalis niya ang braso ko sa kaniyang balikat. “I’m not gay you dumbass.” “I know. Why so defensive?” He snorted. “Don’t talk to me. Naalibadbaran ako sa iyo.” I tried to read his mind but it was well-censored. Siguradong may barrier na humahadlang para hindi koi yon magawa sa kaniya. “Nag-aaway ba kayo?” tanong muli sa amin ng asawa ni Devin. Inakbayan ko muli si Devin at mas idinikit ang katawan ko sa kaniya.  “Friends don’t fight.” “I beg to disagree,” ani ng asawa ni Devin.  “Nag-aaway din kaya ang magkakaibigan. Nag-aaway nga kayo ng nobya mo, itong si Devin pa kaya.” Ngumiti ako. “Our friendship is just so special.” Nagtaka naman ako ng nanlaki ang mata nito pagkatapos kong sabihin iyon. “May past kayong dalawa?” “Ewww!” dagli akong itinulak ni Devin palayo sa kaniya. “YUCK! Hindi ako sumusubo ng lollipop.” “I’m not gay,” sabi ko naman.   “So am I,” Devin seconded. Nakita ko naman na parang nakahinga ng maluwag itong asawa ni Devin. “Thanks God. Akala ko nag-asawa ako ng isang bakla.” I chuckled but I instantly stop when Devin glared at me. Matapos niya akong patahimikin ay sinunod naman nito ang asawa niya. May ibinulong ito sa tenga ng kaniyang asawa at nakita ko ang pagtahimik nito habang namumula ang kaniyang magkabilang pisngi. SPG alert and it’s none of my f*****g business. TO BE CONTINUED
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD