NAKED 34

1999 Words
ADAM POV Sa unang beses palang na tumapak ang aking mga paa sa Dragon Realm ay agad tumuon ang aking atensiyon sa isang napakalaki at napakatayog na puno na hindi ko alam kung anong bang klase ng puno ito. This is my first time to see an extraordinary tree like this.  Ang punong ito ay nagmistulang buhay na kastilyo ng mga dragon na kung saan labas masok sa malaking entrance nito sa ibaba ang ilang mga dragon habang ang iba naman ay labas-masok sa napakaraming bintana ng puno. Hindi rin normal ang kulay at laki ng mga dahon nito dahil bawat dahon nito ay may sukat na hindi bababa sa kalahating metro ang haba at may ibat-ibang kulay. Wala naman akong makitang bunga sa puno na ibig sabihin lang ay katulad ito ng puno ng mahogany, belete at iba pang mga punong nature na nila ang hindi magkaroon ng bunga. Kapansin-pansin rin sa punong ito ang ang malaking pugad na nasa pinakatuktok ng puno. Halos hindi ko na ito mapakaaninag kanina dahil sa mga kumpol ng ulap na nagkukubli roon pero dahil may pagka-abnormal na ngayon ang aking paningin, nakikita ko na ito ng klarong-klaro. I wonder what was in that nest. Nandoon kaya ang hari at reyna nila? “Welcome to the Dragonaire Tree,” sabi sa amin ni Devin habang patuloy kami sa paglalakad patungo sa entrance ng puno. “Ito ang nagsisilbing tahanan naming mga Dragon at-“ saglit itong tumigil at pagkuwan ay tumingala sa kalangitan. “-iyon ang Dragon’s Nest.” Itinuro nito ang napakalaking pugad sa tuktok ng puno na kanina ko pa pinagmamasdan. “That nest is the sacred place for the Dragon King and Queen.” Nagpatuloy kami sa paglapit sa puno pero pansin ko naring unti-unti ng dumarami ang mga kauri ni Devin na nakakapansin sa amin. May ilang mga dragon na nagliliparan ang bigla nalang lumapag sa lupa at bigla nalang nag-anyong tao. “Is that Prince Devin?” Napatingin ako kay Devin ng marinig iyon sa mga nakatingin sa amin. So, he’s a prince huh? “He is.” “Oh my God! He’s finally back.” “I wonder what happened to him for the past 25 years.” Agad kong napansin na nag-iba ang timpla ng mukha ni Devin ng marinig iyon sa kauri nito. “I thought he’s already dead.” “Pero sino iyang tatlong kasama ni Prince Devin?” “His friends, I think.” “Well, you might be right and they all look so handsome.”  “Yeah, I agree. But that guy with a sunglass is the most of them all.” “He’s so hot.” Mas lalong naging magulo habang papalapit na kami ng papalapit sa entrance ng puno. Makalipas lang ang isang minuto ay tuluyan ng naging crowded ang buong paligid dahil sa mga dragon na ngayon ay naka-anyong tao. “Oh s**t!” Kaagad naman akong pumagitna kina Death at Deth ng maalala ko ang habilin sa akin ni Katana. I need to stay away from women but they’re too many now. “What’s your problem, Master?” Napalingon naman ako kay Deth ng bigla itong magtanong sa akin. “Too crowded,” naiinis kong tugon rito. Maging si Death ang kakambal nito ay napatingin rin sa akin but he remain calm and silent. “Do you want us to dispose them all?” Kinilabutan naman ako ng marinig ko iyon kay Deth. Lalo na ng pinalabas na ng kambal ang kanilang mga sandata. Death is now holding a sharp scythe while Deth has a very sharp spear in his right hand. “Just scare them,” sabi ko sa kanilang dalawa at tulad ng inuutos ko ay nagpalabas sila ng kunti nilang kapangyarihan para palayuin ang mga dragonire sa paligid namin. Binalutan din nila ng kanilang kapangyarihan ang hawak nilang mga sandata pero pinanatili lang nilang nasa control ang antas niyon. “Is this enough, Master?” Death asked this time. Nakangiti akong tumango ng mapansin kong hindi na ganoon ka compressed ang mga dragonaire sa paligid namin. Nakahinga na ako ng maluwag pagkatapos. Hindi nagtagal ay tuluyan na naming narating ang tarankahan pero kusa nalang itong nagbukas at iniluwa niyon ang isang magandang dilag na may suot na kulay asul na gown. May suot din itong korona at siguradong isa itong prinsesa. “DAD!” Kasunod ng babae ang dalawang binatilyo na tuwang-tuwa na tumakbo sa kanilang direksiyon at kaagad nitong dinambahan ng yakap si Devin na marahas na bumagsak sa lupa. Imbes na magulat at magreklamo ay nagawa pa ni Devin na mahinang matawa at pagkuwan ay ginulo ang buhok ng dalawang binatilyo, ang kambal niyang mga anak . His sons grew up so well and I can see how happy Devin is seeing his sons again after 20 years. “Draco, Drago, that’s enough!” Pagputol ng babae sa moment ni Devin at ng kaniyang mga anak. Ramdam ko ang tampo ng babae kay Devin at dahil doon ay agad napawi ang ngiti ni Devin sa labi. This woman is no other than Devin’s wife and this reaction from her was already expected. Tumayo na ang mag-ama ngunit nanatiling nakatayo sa tabi ni Devin ang kaniyang mga anak. “Pumasok na kayo sa loob,” the woman commanded again and the twin can’t complain when they saw how scary their mom is right now. “Okay,” tanging nasabi ng kambal. Bagsak ang balikat na naglakad papasok ang dalawa hanggang sa naiwan nalang kaming nakatayo sa harapan ng babae. “Ba’t bumalik ka pa?”   DEVIN POV “Ba’t bumalik ka pa?” Parang may kung anong tumarak na matalim na bagay sa puso ko ng marinig ko ang tanong niyang iyon sa akin. “Sana hindi ka na bumalik? Na kaya mo na ring kalimutan kami sa loob ng 25 taon diba? Dapat nilubos-lubos muna!” “Tania,” I stated her name. Nakita kong mas nagalit ito ng tawagin ko ang pangalan niya. I missed her so much but look like she didn’t feel the same way like I do. “Don’t call me by my name!” she shouted angrily. “I don’t like hearing my name coming out in your mouth! I really hate it right now!” Hindi ko na napigilang maluha habang nakatingin sa kaniya. She already changed a lot. Hindi na siya ang babaeng minahal ko at nagmahal sa akin. Mapait akong napangiti. Umasa lang naman ako na kahit na sa mahabang panahon na wala ako sa piling niya at sa piling ng aming mga anak ay mahal niya pa rin ako. Umasa lang pala ako sa wala. “Sorry,” tanging nasabi ko at napayuko nalang. “Your sorry means nothing to me!” galit pa rin na sabi nito sa akin. “Bakit hindi mo na ako matawag na ‘Baby’ ngayon? Bakit, may iba kanang baby huh? May iba kang babae maliban sa akin?” Nakakakunot ang noo ko ng muli ko siyang tiningnan pagkatapos ng sunod-sunod nitong mga katanungan. “W-What?” “Tangina naman Devin! My question was so simple to answer. Why can’t you answer it in an instant!” she shouted angrily. “B-Baby?” Mas tumalim ang mga mata nito pagkatapos ko iyong sabihin. “Hindi kana sigurado? Tangina mo Devin! Matagal akong naghintay sa’yo tapos ito ang isasalubong mo sa akin?” Kaagad akong umiling. Galit lang ba ito dahil hindi ko siya tinawag na baby? “Wala akong naging babae,” sabi ko sa malumanay na tono ng aking pananalita. “I’d been so faithful to you for so long.” She remained cold and dark. Hindi kumbinsido sa sinabi ko.  “Saan na iyong baby?” Kumunot ang noo ko. “Anong baby? Ikaw lang naman ang binuntis ko.” “Tangina mo! Iyong endearment mo sa akin saan na?” Nagulat naman ako ng marinig ko iyon sa kaniya. Seriously? “Bakit? May iba ka na bang tinatawag na ganun? Mapapatay talaga kita Devin kapag nalaman kong nambabae ka. Huwag mo akong niloloko! Mapapatay talaga kita!” “Baby, wala akong babae,” I said and just like that she smile. Talaga bang hindi ito galit sa akin kahit na matagal akong nawala sa kaniyang tabi? Bakit? Do I deserve this amazing woman? She’s so perfect for someone like me. But then, i'm thankful to  God that he gave me a wife like her.    “Come here, payakap ako,” malambing na sabi nito kaya nakangiti akong lumapit sa kaniya at ikinulong ito sa aking mahigpit na yakap. “I miss you baby,” masayang sabi ko sa kaniya habang hindi ko mapigilan ang pagtulo ng aking luha sa aking mga mata. It’s tears of joy. “I miss you too,” tugon naman nito pabalik at pagkuwan ay tiningala ako. “Masaya ako na nakabalik kana,” masaya nitong wika. Napangiti nalang ako ng marinig ko iyon sa kaniya. I then dried her tears because I don’t want to see her crying. Lalo na kapag ako ang naging dahilan ng pagluha nito. “Akala ko hindi mo na ako mahal,” sabi ko sa kaniya. “Natakot ako na baka sa pagbabalik ko ay wala ka ng nararamdaman sa akin, maliban nalang sa galit at poot. Gayunpaman ay umasa ako na mahal mo pa rin ako kahit kunti lang. Maraming salamat at tinanggap mo muli ako.” She smiled. “Nangako ako sa’yo diba? Na kahit anuman ang mangyari sa ating dalawa ay mamahalin pa rin kita ng higit sa buhay ko. Kaya kanina kinakabahan ako dahil akala ko sa pag-uwi mo may mahal ka ng iba. Hindi mo kasi ako tinawag na baby. Akala ko tuloy may iba ka ng baby.” Kinurot ko ang pisngi because she’s so cute and lovely right now. “Ang cute mo kaya masarap kang i-baby at gawan ng baby.” “Eww!” Kaagad namang naputol ang moment namin ni Tania ng marinig ko iyon sa isang pamilyar na tao. “Pwede na ba tayong pumasok?” bagot na bagot na sabi ni Adam. “You know, I’m so happy to both of you but can you just continue your sweet moment when we’re already inside. Masyado kayong PDA.” “Who is he?” Tania asked. Hindi pa kasi nito nakikita noon ang God of Wrath kaya hindi pa niya ito nakikilala. “He’s my Master-”  “OH MY GOD!” I was cutted off when Tania freak out. “You are the GO-hmmp!” dagli kong tinapalan ng aking kamay ang matabil nitong bibig at pagkuwan ay hinila ko ito palayo kay Adam. “Huwag mo siyang tatawagin sa pangalan niya,” mahinag sabi ko kay Tania. “Hindi pa niya kailangan malaman kung sino siya.” Kunot noo naman niya akong tinitigan. “But why?” “I can’t tell it to you. It’s a Guardian thing,” Tumango naman ito sa sinabi ko dahil matagal niya ng alam na may mga bagay na hindi dapat niyang malaman patungkol sa pagiging Guardian ko sa God of Wrath. “Baby, may sasabihin pala ako sa’yo,” sabi nito kaya napatitig ako sa kaniya. Nakahawak ang kaliwa kong kamay sa isa rin nitong kamay habang ang isa ko namang kamay ay hinahawi ang buhok nito na nagkukubli sa maganda nitong mukha. “Spill it,” sabi ko habang hindi ko siya nilulubayan ng tingin.  “Promise ka muna na hindi ka magagalit.” Nagtaka naman ako sa sinabi nito. “Bakit naman ako magagalit?” takang-tanong ko sa kaniya. “Eh basta! Just promise me that you’ll never get mad after I said it to you.” I sighed. “Fine! I promise.” “Walang bawian na iyan ha?” Nakangiting tumango ako pero dagli rin iyong napawi ng marinig ko ang sinabi nito.  “I think crush ko na ang God of Wrath!” WHAT THE f**k! TO BE CONTINUED
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD