SOMEONE POV
“Welcome back to Dark Castle, Master.”
Tahimik na pinagmasdan ni Adam ang estrukturang na nasa harapan niya at napansin niya kaagad na nasa harapan siya ng isang malaki at mataas na kastilyo na kulay itim. Parang kastilyo ito ng mga bampira na napapanood lang niya noon sa tv.
Nilingon niya kaagad ang dragon para sana magtanong rito pero kaagad siyang napaatras ng napansin niyang unti-unting nagbabago ang sukat nito hanggang sa muli na niyang nasilayan ang totoo nitong sukat at anyo.
“ROAR!”
“f**k!”
Natagpuan niya nalang ang kaniyang likuran na lumapat sa malaki at mataas na pintuan ng Dark Castle matapos umatungal ng pagkalakas-lakas ang dragon. Kaakibat kasi ng sigaw nito ang malakas na pwersa ng hangin na sapat na para paliparin ang kaniyang maskuladong katawan.
“What was that for?” galit na tanong niya sa dragon pagkatapos niyang makabawi sa pagkakatilapon.
Nakita niya naman na bahagyang umuklo ang ulo nito at pagkuwan ay humingi ng tawad sa kaniya.
“I’m sorry Master,” anito. “I’m just so happy that I’m finally in my real form.”
Kumunot ang kaniyang noo ng marinig ang sinabi sa kaniya ng dragon.
“What do you mean your real form?” he asked. “I already saw you in that form before right?”
He’s referring to their first meeting in his dream.
“Master, that’s just my soul,” the dragon explained. “My real body lies in this dimension that you made. Pagkatapos mong mama-”
Nagtaka naman siya ng bigla nitong pinutol ang dapat sasabihin nito sa kaniya.
“Continue,” he ordered but the dragon refused to follow him.
“I can’t Master. It’s not yet the right time to reveal to you what happened 25 years ago.”
Nakaramdam naman siya ng inis ng marinig iyon.
“But why? I have the right to know-”
“Because she will die if you’ll know the truth Master!” the dragon cut him off.
Natigilan siya ng marinig iyon. Hindi na niya kailangang tanungin pa ang dragon kung sino ang tinutukoy nito dahil alam nang kaniyang puso kung sino ito.
‘Katana. Anong kinalaman ni Katana sa nangyari sa akin?’
Gusto niyang magtanong pero pinigilan niya ang kaniyang sarili na gawin iyon para sa pinakamamahal niyang Diyosa. Mas gugustuhin pa niyang maghintay ng mahabang panahon bago tuluyang matuklasan ang lahat kaysa matuklasan niya ngayon ang lahat pero kapalit naman nito ay ang buhay ni Katana.
“You knew the Goddess of Lust?” he asked. Ito nalang ang itinanong niya para hindi maging komplikado ang lahat.
“Of course Master. Her name is very well-known in my world,” the dragon answered. “Pero una ko siyang nakilala dahil po sa inyo.”
Kumunot muli ang kaniyang noo ng marinig ang sinabi nito.
“Don’t force yourself to remember everything Master,” agad na paalala sa kaniya nito.
Marahas siyang bumuga ng hangin pagkatapos marinig ang sinabi sa kaniya ng drago.
Gustong-gusto na niya talagang magtanong patungkol sa lahat ng sinasabi nito pero nakaukil naman sa isipan niya na hindi pa ito ang tamang panahon para malaman niya ang mga kasagutan sa lahat ng kaniyang mga katanungan.
“Just be patient because there’s a perfect time for that,” the dragon added.
“I know, I know. No need to remind me!” naiinis niyang sabi habang masamang tinitingnan ang dragon.
“Calm down your highness. Be patient like me,” sabi pa ng dragon sa kaniya na lalong ikinainis niya.
“You don’t understand!” he exclaimed. “I don’t want to live like this anymore. Ayoko ng mamuhay na hindi ko kilala ang aking buong pagkatao. Kung ikaw ang nasa kalagayan ko, maiintindihan mo rin ako.”
“I completely understand your situation Master,” anang dragon. Nahihimigan niya ang kalungkutan sa boses nito ngayon. “Habang wala kang naaalala, hindi ko rin nakakasama ang aking pamilya.”
Na guilty siya sa lahat ng kaniyang isinumbat sa dragon. Akala niya siya lang ang nagdurusa sa loob ng mahabang panahon pero pati pala ito.
“I don’t know now how I could redeem their love and trust for me again after 25 years of not showing myself to them. But I will still try my best to win them back.”
“You can leave now,” sabi niya kaagad rito.
“Habang hindi pa nanunumbalik ang boung kapangyarihan mo Master ay hindi rin ako makakabalik sa sarili kong mundo. Nakadepende sa lakas ng mga Guardian ang lakas na mayroon sa kanilang mga Master.”
He sighed. “Then let’s do it now,” determinadong sabi niya. Ayaw niyang mas magdusa pa ito dahil sa kaniya. “Sabihin mo kung anong gagawin ko para ibalik ang dating estado ng aking kapangyarihan?”
“We need to go first inside of your castle, Master,” sabi nito na dagli niya namang ginawa. Wala namang kawal na magbubukas sa kaniya kaya naman siya na ang gumawa niyon para sa kaniya.
The moment the door opens, he saw many demons inside of it. Kaagad siyang napaatras dahil sa takot.
They’re his enemy. Kauri nila ang lumusob nitong mga nakaraang araw sa Naked Island.
Muntik na siyang mapatalon sa gulat ng may tumapik sa kaniyang balikat at nakita niya ang isang lalaki na may kulay itim na buhok at mga matang kulay dugo. May suot itong isang kulay itim rin na baluti at may pulang kapa sa likod niyon. May dalawang espada rin ito sa likuran na nakapa-ekis ang pagkakalagay doon.
“W-Who are you?” naitanong niya rito.
The man just smile and then he finally introduce himself.
“I am Devin Drake Dragunov, your Guardian, Master.”
His lips parted on shocked seeing that the dragon earlier is now on its human form.
“Let’s go, Master. They’re all waiting for you.”
Hindi naman siya kaagad kumilos kaya nagtataka siyang tiningnan ni Devin.
“What’s the problem Master?” tanong nito sa kaniya.
“They’re our enemies,” galit na sabi niya habang pinupukol ng masama ang bawat nakabaluting mga demonyo na nasa loob ng palasyo.
“They’re your armies, Master and not your enemies. They will never hurt you,” pangumbinsi nito sa kaniya. Napatingin naman siya sa mga demonyo ng nagbigay ito ng pugay sa kaniya.
“Those demons that attacked the Naked Island were nothing compared to your own armies. They’re just a low life creature but your armies are the real one.”
Nagsimula na siyang maglakad at si Devin naman ay nakasunod lang sa kaniya.
The demons inside the castle look like real royal knights that showed too much respect from their king. Nakalihera ang mga ito ng maayos sa dalawang magkaibang panig habang nanatili ang mga itong nakatayo at may hawak na matatalim na mga sibat.
Habang naglakad sila ni Devin sa kahabaan ng red carpet ay napatingin siya sa isang itim na trono na nakikita niya lang noon sa tv. Sa magkabilang bahagi ng trono ay may nakatayong dalawang lalaki at sa unang tingin ay napagtanto niya kaagad na kambal ang dalawa.
May parehas silang built ng katawan, itsura, kulay ng balat, tangkad, at maging sa pananamit ngunit nagkaiba lang sila sa kulay, hindi lang sa kulay ng suot ng bawat isa ngunit pati na rin sa kulay ng kanilang mga mata at buhok.
The man in the left side of the throne was wearing a black shihakusho while the other one wear a white shihakusho. Kung anong kulay ng kanilang kasuotan ay ganoon din ang kulay ng kanilang mga mata, at buhok. Wala silang hawak na anumang sandata at maging ng mga pakpak sa likuran tulad ng mga demons. Ngunit, ang taglay nilang kapangyarihan ay sapat na para sila ay katakutan at i-respeto ng iba.
“Welcome Back, Master!”
Sabay na sabi ng dalawa ng magbigay pugay ito sa kaniya.
“The white one is Death-” pagpapakilala ni Devin sa lalaking may puting kasuotan at pagkuwan ay pinakilala din nito ang isa pa. “- while the next one is Deth.”
Kumunot naman ang kaniyang noo ng binalingan niya ng kaniyang tingin si Devin.
“The white one is Death, spell as D-E-T-H while the black one is Deth, spell as D-E-A-T-H.” Devin explained clearly to him.
“What kind of name was that?” tanong niya dahil nakakalito ang pangalan ng kambal.
Devin chuckled. “Ako dapat ang magtanong niyan sa iyo master. After all, you’re the one who gave that name and raise them like your real child.”
Hindi makapaniwalang tinuro niya ang kaniyang sarili.
“Me? I don’t remember-“ kaagad niyang pinutol ang kaniyang sasabihin dahil masyado ng obvious ang sagot roon. He just sighed after that.
“Master, it’s time” sabi sa kaniya ni Devin na agad naman niyang ikinatango. It’s time to awaken his full power. Ano kaya ang mangyayari sa kaniya kapag nagising na ang natutulog niyang kapangyarihan? At ano ang kinalaman ni Katana sa nangyari sa kaniya?
TO BE CONTINUED