ADAM POV
Mabilis lang na lumipas ang araw pero kailangan ko pa muling maghintay ng isa pa bago ko muling masilayan ang pinakamamahal kong Diyosa. Corny mang aminin pero miss na miss ko na talaga siya. Lakas talaga ng tama ko kay Katana and I am hoping that she feel the same way than I do.
Anyways, enough of my chessiness.
Mag-isa lang ako ngayon sa aming silid dito sa Forbidden Tower of Lust and Pleasure dahil wala naman si Kaius. Tulad ng aking nakagawian nitong nagdaang araw ay ilag pa rin ako sa mga babae tulad na rin ng habilin sa akin ni Katana bago ito umalis.
Gusto ko nga sanang magkulong nalang rito sa loob ng dalawang araw pero I just can’t. I still need to go out to eat in the cafeteria. Minsan naman ay nandoon ako sa may dalampasigan nag-i-exercise- nag-jojogging, doing push ups and sometimes swimming at the sea all by myself. Wala namang gym dito that’s why I did all those stuffs just to make sure that my body is healthy and remains in good condition.
Kung nabo-bored naman ako minsan ay laman ako ng library para magbasa ng mga libro tungkol sa tamang paggamit ng aking kapangyarihan. I just want to know as well if I was still considered as a human despite of all the abilities that I already discovered. Nagbabakasakali ako na may espesyal na libro roon na magiging susi para tuluyan ko ng ma-unlock ang misteryo sa aking pagkatao. At tiyak ko na rin sa sandaling ito na pati sina Kaius at ang asawa nito na si Sandara ay pinagdududahan na rin ang pagiging mortal ko.
Who wouldn’t be right?
I sighed and then I covered my face with the new book that I borrowed in the library. Habit ko ng magbasa ng nakahiga sa kama kaya naman hindi na nakakapagtaka pang hindi ko pa natatapos itong bagong libro na binabasa ko dahil tinutulugan ko ito minsan.
This book was entitled “Damon Ruthless: The Mysterious God of Wrath”.
From the title itself, this book contains all the information regarding the God of Wrath but then, because its pages was not that thick compared to the other books that I read, I already expected that this book contains limited information about the said God.
Hindi na rin ako nagtaka pa dahil kahit nga si Katana ay kunti lang ang alam sa misteryosong Diyos, itong author pa kaya nitong libro?
Bumuntong hininga muli ako bago ko alisin ang libro sa aking mukha. Tumutok kaagad ang mga mata ko sa kisame at pagkuwan ay nagtanong, “Kailan ko kaya makakausap ang Dragon na iyon sa aking panaginip?”
I was referring to the dragon that showed up in my dream. I have this feeling that only that dragon can tell who I am.
But how can I possibly meet that dragon again?
Naagaw naman ng libro na hawak ko ang aking atensiyon ng bigla nalang itong nagliwanag sa hindi ko malaman na kadahilanan. Nababalutan ito ngayon ng kulay pulang ilaw at bigla ko itong naitapon sa sahig dahil sa gulat ng bigla nalang itong nagliyab.
Pagkaraan ng ilang segundo ay bigla nalang itong lumipad sa hangin at pagkuwan ay kusang nagbukas ng kaniya lang. Kita ko kung paano ito nagpalipat-lipat ng pahina hanggang sa pagkaraan ng dalawang minuto ay bigla nalang itong tumigil ng kusa.
I was just staring confusedly at the book when it started to went near me, still flying on its own. Hindi na ako umatras dahil parang tinatawag ako ng libro. Nang akmang aabutin ko na ito ay bigla nalang itong nagpakawala ng itim na kapangyarihan na direktang pumasok sa aking bunganga.
I tried to close my mouth but the black magic was just too powerful and persistent to enter my mouth.
W-What’s happening?
My body started to tremble in so much fear as the book continues to release black smoke like magic inside me. I tried to reach my mouth with my hand to cover it but a black thread of magic started to wrap my body that was enough to refrains myself from moving.
Sinubukan kong magpumiglas sa pagkakagapos nito sa akin pero ubod ito ng tibay kaya wala akong nagawa kundi ang mahiga sa ibabaw ng aking kama at hayaan ang aking sarili na maging sunod-sunuran rito sa libro.
After a few minutes, finally the book stops giving me black magic by force. Todo akong pinagpapawisan pagkatapos niyon at ng akmang babangon na ako ay bigla nalang akong nanibago sa aking katawan. I felt too much power inside my body and I felt so hot right now.
Nung una ay okay pa sa akin ang lahat pero pa-unti-unti ay mas lalong tumataas ang temperatura ng aking katawan na hindi na normal sa isang tulad ko. Buong katawan ko ay tila sinisilaban ng apoy pero hindi naman ako napapaso nito, maliban nalang sa kama ko na unti-unting nasusunog kaya dali akong umalis sa ibabaw niyon.
‘Water,’ I said in my mind when I suddenly realize that water could possibly help me decrease my body temperature.
Dali-dali kong tinakbo ang banyo at kaagad nag-shower pero wala pa ring epekto ang tubig sa kakaibang init na bumabalot sa aking katawan. Pataas pa rin ng pataas ang temperatura ng aking katawan na kahit ang tubig sa shower ay walang nagawa para pababain ito kahit na bahagya man lang.
Kaagad ko ng pinatay ang shower dahil kahit sobrang lamig na ng tubig ay wala pa ri itong epekto. Ngayon naman ay sinubukan kong magbabad sa bath tub pero wala pa rin naman iyong naitulong sa akin dahil napansin kong habang tumatagal ako sa pagbababad sa tubig ay mas kumukulo ang tubig sa bath tub.
Tangina! Hindi na normal itong body temperature ko.
Lumabas muli ako ng banyo at nakita ko pa rin na nakalutang sa hangin ang libro ng God of Wrath. Kakaibang libro pero may sa demonyo.
“Stay, Master.”
Tatakbo na sana ako palabas ng kwarto para maligo sa dagat nang bigla nalang akong nakarinig ng isang baritonong boses. Gulat kong nilingon ang libro dahil sa pamilyar na boses na iyon.
Nakabuklat pa rin ito pero bigla nalang may lumitaw na hologram ng dragon rito and that dragon is no other than the dragon i met on my dream. Tanging ang ulo lang nito ang nakikita ko sa ngayon.
“It’s been a while Master,” the dragon said.
“Yeah, it’s been a while,” naitugon ko naman sa kaniya.
Pinilit kong maging buo ang aking boses para hindi nito mahimigan ang kaba na aking nararamdaman habang kausap ko ito.
“Why are you here?” I asked.
“Dahil sa’yo Master,” the dragon replied that made me look at him confusedly.
“Me? But I didn’t summon you here?”
“Dahil iyon sa kagustuhan mong makita ako,” the dragon answered and then he added, “At bukod pa sa kadahilanang nabanggit ko na ay ang katotohan na sa araw na ito rin tuluyang magigising ang iyong natutulog na kapangyarihan.”
Kumunot ang noo ko dahil nahihirapan akong iproseso sa aking isipan ang lahat ng sinabi nito. I understand what he said at first because the dragon was right when he said that I really wanted to see him again but the next one that he stated was just too much for me to handle.
May ilalakas pa pala itong estado ng aking kapangyarihan? Kung ganoon nga, hindi na ako tao diba? So ano ako, Alien?
“I know you have so many questions in mind but we need to get out of this place first before you finally awaken your true power,” sabi nito ulit sa akin.
“What do you want me to do then?” I asked bravely this time.
Ito na ang sandali na matagal ko ng hinihintay at kahit hindi ako sigurado dito sa gagawin ko ay kailangan kung panindigan ito ngayon.
Bahala na si Batman!
“Touch the book again and let me do the rest,” sabi nito na kaagad ko naman iyong sinunod. I need to trust his words for now.
Pagkalapat na pagkalapat palang ng daliri ko sa libro ay mas lalong lumiwanag ito hanggang sa napansin ko nalang na may malaking magic circle ang nakaguhit na ngayon sa sahig na aking kinatatayuan. I heard the dragon chanted something unfamiliar to me and then after that, I just found myself in a different place.
“Welcome back to Dark Castle, Master.”
TO BE CONTINUED