ADAM POV Hindi ako manhid para hindi ko maramdaman ang paglayo at pag-iwas sa akin si Katana. Nagsimula lang naman ito pagkatapos ng encounter namin kay Millena at sa mga tauhan nito. After that, she suddenly become like this to me, distant and silent and I hate it. Dahil parang hindi niya ako kasama. We’re on our way now to Uno sa Kusina after we fetch my car. Ginamit namin pabalik sa pinag-iwanan ng kotse ko ang SUV na ginamit ng mga tauhan ni Millena para kunin kami. Akala ko pa nga ay magiging okay pa rin sa amin ang lahat at puwede pa naming ipagpatuloy ang naudlot naming date pero bigla nalang nag-request si Katana na umuwi nalang daw kami. Ayaw ko man pero sinunod ko pa rin ang gusto niya dahil pansin ko namang wala na ito sa mood para ipagpatuloy pa ang date namin. Pansin ko na

